Chapter 32 " THE DARKNESS "

1276 Words
Mabilis namang nakakuha sina Ace 2 at Ace 3 ng kanilang biktima dahil lingid sa kaalaman ni Ace 1 ay may nakareserved na sila na kukunin sakaling muli silang pagsamahing dalawa ni ace 1. " Bilib talaga ako sa diskarte mo boss guwapo at kung ako ang papipiliin sa inyong dalawa ni Ace 1 ay mas pipiliin kita keysa sa kanya." pahayag ni Ace 3. " bakit mo naman yan nasabi ace 3,hindi mo pa kasi nakakasama si Boss hindi mo pa siya lubos na kilala at hindi siya pagkakatiwalaan ng mga Big Boss sa Mafia world kung wala siyang ibubuga.Walang wala ako sa kalingkingan niya ace 3 " paliwanag naman ni Ace 2.Hindi nakaimik si Ace 3 sa tinurang iyon ni ace 2.Naaalala niya ang mga kuwento sa kanya ni Ace 4.Na minsan daw ay tinambangan sila ng tatlong holdaper na gustong kunin ang kanilang dalang sasakyan.Armado pa raw ang dalawang lalaki ng baril at iyong isa naman ay may hawak na patalim at itinutok daw iyon sa lalamunan ni Ace 1.Buong akala daw noon ni Ace 4 ay katapusan na nila ng mga oras na iyon dahil ang tingin niya raw sa mga nangharang sa kanila ay mga halang ang bituka na tadtad ng tattoo sa kanilang mga katawan.Ngunit sa hindi niya maipaliwanag na pangyayari ay kitang kita ng kanyang dalawang mata kung papaano niya napabagsak ang tatlong lalaki na pawang mga armado.Gamit lamang ang kanyang kamao at maliksing Paa ay natimbuwang ang tatlo sa may lupa na akala mo ay nanood daw siya ng pelikula ni Denzel Washington na siyang bida sa Pelikulang may pamagat na THE EQUALIZER.Sa isipan naman ni Ace 3 ay mapanganib ngang maituturing si ace 1 kung kaya't hindi niya maiaalis sa kanyang isipan ang posibilidad na lokohin lang din sila ni ace 1 at baka sa oras na makuha na niya ang mga kailangan niya sa kanila ay isa isa rin silang iligpit ng kanilang leader at pagkatapos ay mapapasakanya ang lahat ng pera na kanilang pinaghirapan. " hindi ako makakapayag " bulong ni ace 3 sa kanyang isipan. " matanong ko lang ace 3,ano ang pinaplano niyong magkapatid sakaling makuha na natin ang ating mga parte sa kabuoang bahagi ng ating kinita " usisa ni ace 2 sa kanyang orihinal na tauhan. " plano namin ni Ace 4 na mag asawa at magpakalayo layo nalang muna sa lugar na ito." payak na paliwanag ni Ace 3. " very Good ace 3 at suportado kita sa plano niyong iyan ng kapatid mo.At sigurado din akong matutuwa rin si Ace 1 kapag nalaman niya ang mga plano niyong gawin." nakangiting sabi ni Ace 2.Pero iba ang naglalaro sa isipan ngaun ni Ace 3.Katulad ng napagkasunduan nila ng kanyang kapatid na si Ace 4 ay hindi sila mangingiming tapusin si ace 1 at maging si ace 2 sakaling maramdaman ng mga ito na sila ay posibleng malagay sa alanganing sitwasyon lalong lalo na kung ang dalawang pangunahing leader ng Casanova ay may lihim ding plano na sila'y iligpit upang masolo nila ang malaking halaga na kanilang labis na pinaghirapan. " maiba ako boss guwapo mukhang malapit ang loob mo kay Ace 1 gaano mo na ba siya kakilala? at ano sa tingin mo boss sa kanya hindi kaya niya tayo lolokohin? " prangkang tanong sa kanya Ace 3 habang ito'y nagmamaneho patungo sa kanilang hideout.Minabuti nilang dumaan paikot sa mas malayong lugar kaysa sa short cut na daan sa kadahilanang mas prone ito sa mga check point.Binago din nila ang kanilang strategy na sa halip na gabi o madaling araw nila isagawa ang kanilang operasyon upang kunin ang mga magiging sweetheart number 8 at 9 ay isinagawa nila ito ng umaga habang hindi pa lumulubog ang araw upang sa gayon ay hindi sila malagay sa alanganin na ibinunga ng ginawang cartographic sketches sa tulong ng mga security guards ng Twighlite Disco Rama na panggabing events hanggang pang magdamagan na siyang focus ngayon ng kapulisan sa buong Makati City. " mukhang seryoso ang mga tanong mo Ace 3 patungkol kay boss pero ito lang ang masasabi ko sayo Ace 3, kahit kailan ay hindi ko ibinigay ang buong tiwala ko sa isang tao kahit na sino pa siya maski ikaw ay hindi rin ako lubos na nagtitiwala, pero kahit ganun ang aking pananaw ay hindi naman ako magiging traydor sa inyo at kung sakaling magkaroon ng traydor sa ating apat ay sinisigurado kong hindi ako yun! " prangkang sabi rin ni Ace 2. " Gusto lang naman namin na makasigurado boss kasi hindi nga namin kilalang lubusan si Ace 1 pero pagdating sayo ay kilala na namin ang likaw ng bituka mo at hindi rin kami sasama sayo kung wala kaming tiwala sayo and vice versa tama ba ako boss? " nakangiting sabi ni Ace 3.Nag appear pa ang dalawa at pagkatapos ay lalong pinaharurot ni Ace 3 ang kanilang kotse patungo sa kanilang hideout.Sa ilalim ng compartment ng kotse ay naroon ang kanilang naging biktima na nagngangalang Deniece Bustamante isang bakasyonista na half Filipino at half American.Siya ay isang napakagandang stewardess ng isang kilalang Airlines na bumibiyahe sa ibat ibang lokasyon ng mundo.Nakilala ni Ace 2 si Deniece Bustamante accidentally sa isang lugar sa Baguio may tatlong buwan na ang nakakalipas.Nakabili ng sarili niyang bahay si Deniece sa THE FORT Village sa Makati City kung kaya't napakadali lang niya itong na contact at ng yayain niya itong kumain sa labas ay kaagad itong sumama sa kanya.Palibhasa ay hindi sanay ang dalaga na may mga alalay o chaperone ay napakadali lang para sa kanila ni Ace 3 na siya ay makuha without even struggle. Samantala,pagkatapos lamang ng ilang minuto matapos pakawalan ni Ace 4 ang mga lobo ay kaagad ding natapos ang huling eksena sa pelikula na pinagbibidahan Ms. Maui Teller.Kaagad na sinenyasan ni Ms. Maui Teller ang kanyang driver na dalhin nito ang kotse malapit sa may exit kung saan siya lalabas.Ipinagpauna na rin niya sa kanyang Manager na ayaw muna niyang tumanggap ng anumang kahit short interview na pinagbigyan naman ng kanyang promoter.Walang nagawa pati sina Allen at Freda sa kagustuhan din sana nilang makausap kahit saglit ang aktres at makapag tanong ng ilang bagay na may kaugnayan sa nangyari kay Vj Sandra Ferrer.Minabuti na lamang ng dalawang detective na muling ipagpaliban ang kanilang gagawing pakikipag-usap sa dalaga sa mismong bahay na ng aktres. Nang muling lumingon si Ms. Maui Teller sa kinaroroonan ng kanyang driver ay nakaabang na ito sa may exit kung saan siya dadaan.Inihatid na lamang siya ng tingin ng kanyang mga fans habang ito'y naglalakad patungo sa kanyang kotse wala silang kamalay malay sa nakaabang panganib para sa kanilang iniidolong artista at lalong wala silang idea na iyon narin ang huling makikita nilang buhay ang kanilang hinahangaang bituin. Habang palapit ng palapit si Maui Teller sa kanyang sariling sasakyan ay unti unti namang binuksan ni Ace 1 ang pintuan ng kotse sa may front seat na kanyang palaging inuupuan.Iyon naman ang hinihintay na pagkakataon ni Ace 1.Sa kanyang kamay ay nakahanda na ang isang injectables na naglalaman ng matinding sedative na pupukaw sa kanyang buong kamalayan.Pagpasok nito sa may kotse ay agad itong isinara ni Ace 1 at kaagad na lumigid papunta sa driver's seat,timing is very essential and there is no room for such mistake.Bago paman makapag react si Ms.Maui Teller ay naitarak na ni Ace 1 ang isang tila buzzing bee injectables sa kanyang batok. " ouch what was that? " nakuha pang itanong sa kanya ni Maui pero nginitian lamang siya ni Ace 1 until she suddenly felt uneasiness and drowsiness that will bring her into a place with an eternal darkness.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD