Nagising narin sa medyo may katagalan pagkakatulog si Ms. Sunshine Verzeles a.k.a Maui Teller.Pero wala siyang makita ng mga sandaling iyon dahil nakapiring ang kanyang mga mata.Hindi rin niya matanggal ang piring sa kanyang mga mata dahil nakagapos ang kanyang mga kamay at Paa.Sinubukan din niyang sumigaw subalit namamanhid ang kanyang dila na animoy pinainom siya ng pampamanhid.Hindi parin malinaw sa kanya ang totoong dahilan kung bakit siya naroroon. Samantala sa kabilang silid ay naroon naman ang isa pang biktima na si Deniece Bustamante.Gaya ni Maui Teller ay nakapiring din sa kanyang mga mata kaya hindi niya aninag kung nasaan siya ng mga oras na iyon.Nakagapos din ang kanyang mga kamay at Paa.Wala rin siyang kakayahang sumigaw ng malakas para humingi sana ng tulong sa mga taga ro

