Maski nahihirapan na sa pagsasalita ang Ina ni Ace 1 ay pinagsikapan parin niyang tapusin ang kanyang mga gustong isalaysay sa kanyang anak. " Nang alukin ako ni Dr. Ramon Casablanca na gusto ka niyang ampunin kung papayag ako, pero aaminin ko sayo anak na nang mga sandaling iyon ay wala akong lakas ng loob na tumanggi...maski ayaw pumayag ng puso ko na malayo ka sa aking tabi pero sobrang hopeless ang mommy mo anak...nagawa kong ibigay kita sa iba sa kagustuhan kong mapabuti ang kapalaran mo kahit ang kapalit ay magkalayo tayo sa isat isa." humihikbing pahayag ng Ina ni Noel. " Nang ako ay sumang ayon ay kaagad na inihanda ang adoption papers mo at siya ay nangakong aalagaan ka niya at ituturing ka niyang parang tunay na anak.Ipinangako din niya sa akin na pagaaralin ka niya at pagsum

