APRIL 21,2023 (PRESENT DAY ) Tuluyan ng nilisan ni Noel ang (KSKF) Kalinga Sa Kapwa Foundation at matuling tinalunton ng kanyang sasakyan ang daan patungo naman sa kaniyang tahanan kung saan ay naghihintay ang kanyang ina.Habang siya'y nasa daan ay muling nanariwa sa kanya ang mga nakaraan at hindi niya napigilan ang muling maging emosyonal.Nananatili paring nakatarak sa kanyang puso ang patalim ng pagka poot,nakabaon parin sa kanyang utak ang dinamita ng pagkamuhi at lumulukob parin sa kanyang kaluluwa ang hindi pa sumasambulat na sintimiyento.Hilam na sa luha ang maamo at makisig na mukha ni Ace 1 habang patuloy na inaalala ang ilang mapapait na bahagi ng kanyang buhay at pagkatao... " Mom...Dad...why don't you tell me the truth? bakit ninyo nagawang ilihim sa akin ito ng matagal na pa

