Katulad ng sabi ng leader ng Casanova ay halos apat na araw na hindi lumikha ng ingay ang kanilang grupo dahil sa kanilang ginawang pamamahinga at ng sumapit ang araw na napagkasunduan ng grupo na muli silang magkikita sa kanilang hideout ay unang dumating doon sina ace 3 at ace 4. " guys mabuti naman at nandito na kayong dalawa. " pahayag sa kanila ni ace2. " siyempre kami pa! kelan pa ba kami na late ni ace4, kayo lang naman ni boss ang laging late sa mga pinagusapan nating mga oras eh." nakangising sabi ni ace 3 na sinang ayunan naman ni ace 4. " o sige na pasensiya na pero huwag na huwag niyong sasabihin yan sa harap ni boss baka malintikan kayong dalawa " sabi naman ni ace 2. " siyempre naman, alam mo namang sayo lang kami nakakapagbiro ng ganito eh, Ikaw naman talaga ang nagrecru

