Ipinatawag ni Chief inspector Geoffrey Dela Cruz ang kanilang pinaka mahusay na Police Sketch Artist upang kanyang iguhit Ang hitsura ng nagngangalang Ace De Jairo at ng kanyang driver sa tulong ng dalawang security guards ng disco Rama na huling nakakita sa mga hinihinalang suspects na responsable sa pagdukot at pagpaslang Kay Ms. Sandra Ferrer.
" okey sino sa inyong dalawa ang mangunguna sa pagbibigay ng descriptions sa mga lalaking nakita niyo na kasama nina Ms. Ferrer at Ms. Verzeles, umpisahan muna natin kay Ace De Jairo...ano ang masasabi niyo sa shape ng kanyang mukha pabilog ba o pahaba? " tanong sa kanila ng cartographer.
" medyo pahaba ang hugis ng kanyang mukha sir " sagot ng isang security guard na siyang pinag abutan ni ace 1 ng 5k ng magtungo ang mga ito sa Disco Rama.
" ganito ba halos ang hugis? " ipinakita ng cartographer ang rough sketch na kanyang ginawa sa isang sketch pad.
" ganyan nga po sir " pagsang ayon ng sekyu.
" punta naman tayo sa shape ng ilong at bibig nito " tanong ulit ng cartographer.
" matangos po ang kanyang ilong na katulad ng ilong ni... yang nasa likuran niyo sir tapos yung bibig naman niya ay parang nahahawig naman sa bibig niyo sir pero mas kissable lips yung sa kanya keysa sa inyo dahil maputi kasi Mr. Ace De Jairo " napatingin naman ang cartographer sa nakatayo sa likuran niya na kanyang assistant at pagkatapos ay sinalat nito ang kanyang sariling bibig.
" hindi ako nakikipagbiruan dito ha " pagalit na sabi ng chubby at pandak na cartographer.
" hindi din ako nagbibiro sir parang kasing tangos nga ng ilong Niya ang ilong ni Mr. De Jairo at sa bibig naman niya ay katulad ng sa iyo pero mas mapula at kissable lips yung sa kanya " seryosong sabi ng sekyu. Hindi naman maiwasang palihim na napapangiti ang kanyang assistant sa mga huling sinabi ng sekyu.
" hoy Ikaw lumabas ka nga muna dito at ikuha mo ako ng maiinom na tubig yung malamig na malamig.. " tumalima naman ang assistant at paglabas nito at saka ito bumunghalit ng malakas ng tawa na dinig ng lahat ng mga naroon sa labas.
" hoy ikaw kung maka Mr. Ace De Jairo ka diyan eh akala mo magkabarkada lang kayo ah, baka naman kasabwat ka at itong mga descriptions na sinasabi mo eh kabaligtaran ng katotohanan " medyo pagalit na sabi ng cartographer.
" naku po sir hindi po maski itanong niyo pa sa kasama ko "
" o Ikaw naman totoo ba ang sinasabi niya? " tanong nito sa nananahimik na guard na kasama niya.
" yes sir totoo po yung sinasabi niya " seryosong pahayag ng isa.
" o sige ituloy na natin mapunta naman tayo sa hitsura ng kanyang mga mata at kilay "
" medyo chinito po ang hugis ng kanyang mga mata at makapal ang kanyang kilay pero hindi buhaghag na katulad ng...ibig ko pong sabihin eh maayos ang pagkakasalansan ng kanyang kilay at yung mga mata niya ay parang slight blue gray hindi ko lang masigurado sir kung natural iyon o naka contact lens siya. " hindi na umimik ang cartographer at naka focus siya sa pagguhit.
" yung hugis ng kilay niya maamo o mataray? " muli nitong tanong.
" mas malapit sa maamo sir "
" sa buhok naman tayo, kulot unat may hati sa gitna o gilid at ano ang kulay? "
detalyadong tanong ng cartographer.
" may pagka blonde ang buhok niya sir tapos medyo kulot ang kanyang buhok na parang nahahawig sa ayos ng buhok ni Jerico Rosales " sagot ng sekyu.
" doon naman sa iba pang features na natatandaan niyo katulad halimbawa ng nunal, balat sa Mukha o peklat o dimples kung mayroon " saglit na nagkatinginan ang dalawang security guards at tila nagkakaisa ng iniisip.
" ah oo nga pala mayroon siyang nunal malapit sa ibaba ng bibig niya na kasing laki halos ng isang buong paminta, at saka may dimples siya sa magkabila niyang pisngi na parang kay Aga Mulach pag siya ay nakangiti. " paliwanag ng naunang sekyu.Saglit na katahimikan at makalipas ang halos kalahating oras ay ipinakita sa kanila ng cartographer ang kanyang obra maestra.
" Ganito ba Ang hitsura ni Mr. Ace De Jairo? " halos hindi naman makapaniwala ang dalawang guwardiya sa perpektong pagguhit ng cartographer.
" almost perfect sir pero mas liitan niyo po ng kaunti ang taba sa kanyang pisngi " sabi naman ng pangalawang sekyu.
" ganito ba? " muling sinipat ng dalawa ang obra matapos ang ilang modifications.
" ganyan nga sir kuhang kuha niyo, yan nga ang hitsura ni Mr. Ace De Jairo! " hindi magkamayaw na sabi ng dalawang security guards ng Twighlite Zone Disco Rama.Isinunod namang iguhit ng cartographer ang hitsura ng driver na kasama ni Ace De Jairo and the results are both stunningly real.Maihahalintulad na ito sa isang AI drawing gamit ng mga makabagong app katulad ng chat GPT. naging hamon kasi ito sa mga hands on artist mula ng maglitawan sa internet ang mga paid applications na ginagamit ng mga modern artist sa panahon ng computer era.
Matapos na mai-finalized ang mga cartographic sketches ng mga hinihinalang miyembro ng notorious group na Casanova ay kaagad nila itong ibinigay kay Chief inspector Geoffrey Dela Cruz at natunghayan din ito ng ilang opisyal na naroon din kasama nina Allen at Freda.Nagkaroon ng dagliang paguusap tungkol sa panukala ng ilan na kaagad na i-circulate ang naturang cartographic sketches ng mga suspect pero may mga ilang opisyal na tumutol na huwag muna itong ipalabas hanggat hindi pa napapatunayan na may kaugnayan nga ang mga ito sa grupo.
" we better keep this as a confidential evidence and we will use this as an advantage habang tinutugis natin ang mga ito. " pahayag ng isang police official. Tumutol naman ang isa pang mas batang pulis at sinabing mas mainam kung isasapubliko nila ito para ma aware ang mga tao.
" mas makakabuti yata sir kung isasapubliko natin ang cartographic sketches na yan to create an awareness sa mga kababayan natin na lalo silang mag ingat especially sa mga kababaihan. " sinang ayunan pa ito ng isa pang batang police official at nagsabing tama ang suhestiyon ni Spo2 Carlos Juan.
" we need to impose an urgent awareness dahil sobra na po ang mga nangyayaring krimen sa ilalim ng ating pamumuno panahon narin siguro para baguhin ang nakasanayan nating Sistema, kailan pa tayo kikilos kung patay na ang kabayo? habang sariwa pa ang d**o at humihinga pa ang kabayo ay kailangang agapan natin para siya ay mabuhay. " madamdaming pahayag ng bata pang police official. Nagkatinginan naman ang iba pang matatandang police official at tila tutol parin ang iba sa nasabing panukala.Tumayo si Chief inspector Dela Cruz upang magbigay ng opisyal na desisyon.
" okay ganito ang gagawin natin, alam naman nating lahat na iisa ang ating mga layunin at ito ay sugpuin ang ginagawang pagpatay sa mga biktima ng mga nagpapakilalang Casanova.Ang mungkahi ko ay ganito,we will temporarily restrain to publicize this cartographic sketches until Sunday pero kinaumagahan ng lunes ay saka natin ito ilalabas sa publiko.But in the mean time hayaan muna natin ito bilang confidential evidence at habang hinihintay natin na ito ay tuluyang maisa publiko ay sasamantalahin naman natin ang pagkakataon na magtalaga tayo ng mga magbabantay sa lahat ng dako na nasasakupan ng Makati City upang suyurin kung may mga gumagalang katulad ng mga mukhang ito na nakikita niyo ngayon.May palagay kasi ako na nandito lang sila at malayang nakakakilos at may posibilidad din na tangkain ng mga ito na lumabas ng bansa sa oras na maipalabas ito sa social media kaya hanggat hindi pa ito nailalabas ay magpapakalat tayo ng mga impormante para sa lalong mabilis na pagdakip sa mga kriminal, nagkakaintindihan ba tayo mga kasama? " tila mahabang talumpati ni inspector Dela Cruz.
" yes sir " halos sabay sabay namang pagsang ayon ng lahat ng naroon kabilang na sina detective Allen Mendoza at detective Freda Parazo na halatang napagod sa maghapon nilang paglalakbay.