Chapter 18 " THE FALSE ALARM "

1191 Words
Nagsanib puwersa ang taskforce Alpha at Charlie upang puntahan ang lugar na itinuro ng caller. Mabilis naman nilang natunton ang luma at abandonadong simbahan. Pinaligiran ng mga alagad ng batas ang perimeter ng lugar upang tiyakin na walang makakalabas sakaling tangkain ng sinumang naroon upang tumakas.Pinangunahan ni Chief inspector Geoffrey Dela Cruz ang pagpasok sa loob ng abandonadong simbahan kung saan umano nagkukuta ang mga miyembro ng CASANOVA. Dumaan sila sa gilid ng tuyo at dambuhalang puno ng acacia na nakatimbuwang sanhi marahil ng mga nagdaang bagyo at dahil narin sa katandaan ng puno kaya bumigay na ito ng tuluyan.Nasa likuran naman ni insp. Dela Cruz ang tatlo pa nitong kasamahan habang sina Allen at Freda naman ay nasa hulihan.Nang makarinig sila ng mga ingay na nagmumula sa loob ng abandonadong simbahan ay kaagad silang sinenyasan ni insp. Dela Cruz na pumunta ang dalawa nitong kasamahan sa kabilang daan paikot sa may nakahambalang na malaking sanga na bahagyang nakaangat sa lupa at upang magawa nilang makapunta doon ay kailangan nilang gumapang sa maliit na awang na pinagitnaan ng dalawang sanga ng puno upang sila ay makaalpas at matagumpay naman silang nakalampas at maingat na nagtungo ang dalawang pulis sa kabilang pintuan ng lumang simbahan. Dahan dahang lumapit sa may nanlilimahid na walls ng simbahan sina insp. Dela Cruz at ng dalawang detective habang ang isang pulis ay ipinaiwan doon para magmatyag.Naulinigan ng tatlo na ang mga nasa loob ay kasalukuyang abala sa kanilang ginagawa at mukhang nagpapayabangan sa isat isa. " ang pangit naman ng gawa mo hahaha " may kalakasang sabi ng isang lalaki habang itoy tumatawa. " mas okay naman yung gawa ko kaysa sayo parang pang grade 1 lang " tinig naman iyon ng isang babae. Nagkatinginan sina Allen at Freda dahil ng mga sandaling iyon ay tila iisa ang tumatakbo sa kanilang isip, na isa itong FALSE ALARM.Maging si inspector Dela Cruz ay nagkakaroon narin ng pakiramdam na wala doon ang kanilang hinahanap kaya hindi na siya nag aksaya pa ng panahon, agad niyang pinasok ang simbahan upang arestuhin ang mga ito sakaling may kaugnayan sila sa Grupong nasa likod ng Casanova. Abrupt ang ginawang hakbang ni Dela Cruz. Bigla niyang tinadyakan ng may kalakasan ang pintuan ng simbahan na bahagya ring nakaawang at sa kabiglaanan ay hindi halos nakahuma ang mga naroon. " walang kikilos ng masama!! itaas ang inyong kamay at sumuko kayo ng maayos " malakas na sigaw ni insp. Dela Cruz habang nakatutok ang kanyang baril sa direksyon ng tatlong lalaki at isang babae Nakasuot ang mga ito ng hooded jacket kaya hindi masyadong kita ang kanilang mga hitsura.Unang humarap sa kanila ang babae at dahil medyo dimlight ang buong paligid ay kaagad niyang itinutok ang hawak niyang long range flashlight sa Mukha ng babae. Nagulat silang lahat ng mapagmasdan ang mukha ng babae na tinamaan ng ilaw ng flashlight dahil isa itong menor de edad na sa tantya ni detective Allen ay hindi lalampas sa labin limang taong gulang. " mga pulis kami manatiling nakataas ang inyong mga kamay at sumuko kayo ng maayos " malakas na sabi naman ni Freda. " huwag po kayong magpapaputok hindi po kami lalaban, ano po ba ang kasalanan namin " malakas na palahaw ng bata pang babae na tila iiyak.Maya Maya ay mabilis na tumakbo ang isa sa kanila matapos niyang ibato sa dalawang papalapit na pulis na patungo sa kanilang kinaroroonan mula sa kabilang pintuan.Dahil sa medyo madilim ay patakbo namang nagkubli ang dalawang pulis sa pag aakalang baka Granada ang inihagis ng isa sa kanila. Pero ng Wala namang naganap na pagsabog ay muli nilang nilapitan ang tumakbong lalaki na nagtago sa bahagi ng pulpito ng simbahan, agad siyang sinunggaban ng mga ito at saka pinosasan.Dinakip din ang iba pang tatlo at isa isa ring nilagyan ng posas sa kanilang kamay for security reason. Hindi nagtagal ay nakumpirma ng grupo na ang kanilang mga naaresto ay pawang mga kabataan na nahihilig sa paggawa ng graffiti na itinuturing ng iba na isang form of arts at ang ibinato ng isang kabataang lalaki na patuloy paring nagpupumiglas ay isang uri ng spray paint na kung tawagin ay phillox. Nang ilawan ng mga awtoridad ang dako na pinagdarausan nila ng ginagawa nilang graffiti arts sa mismong walls ng abandonadong simbahan ay tumambad sa kanila ang ilang obra ng mga ito na karamihan ay ang katagang CASANOVA na may iba't ibang designs. Kapansin pansin din ang paboritong phrase ng grupo na isang arrow na may kasunod na pangungusap ⬆️ IM HERE BABY IM HERE... mayroon din silang ipininta doon na mga baraha at piyesa ng chess na palatandaan na avid fan ng mga ito ang Casanova group na madalas na nababalita sa social media at naging controversial dahil sa kakaibang istilo ng mga ito sa paglalagay nila ng artistic tattoo sa kanilang biktima. Pero ang lubhang nakatawag sa kanila ng pansin ay ang isang obra na lumalarawan sa isang nakahubad na babae na may nakapulupot na chord ng gitara sa kanyang leeg.The art itself is lively as if it was made like an A.l. arts that looks real and gory. " jesus!!! " malakas na nasabi ni Allen. " sige sumama kayong apat sa may presinto at doon narin kayo magpapaliwanag at kailangan din naming ipatawag ang inyong mga magulang dahil bukod sa ginagawa niyong vandalisms ay sinasamahan niyo narin ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot " pahayag ni insp. Dela Cruz. " pahamak ka talaga Marco!!! " sigaw ng isa pang lalaki sa hindi tumitigil sa pagpupumiglas na lalaki na halatang bangag at nasa impluwensiya pa ng ipinagbabawal na droga. Napapailing si insp. Dela Cruz sa nangyaring iyon na hindi naman matatawag na kapalpakan kundi ito ay kumpirmadong false alarm operation. " mainam narin na nakapunta tayo dito para masugpo narin ang iba pang kaso na kadalasan ay hindi na napapansin ng mga namiminuno sa ating bayan.Mga kabataang nahirati sa ganitong kalakaran hanggang sa ang mga itoy malulong sa ipinagbabawal na gamot at masira ang kanilang kinabukasan." mahabang paliwanag naman ni Allen na sinang ayunan naman ng mga naroon. " Oo Tama ka nga detective Allen, minsan ay nao-over look na ng mga lokal na pamahalaan ang ganitong uri ng talamak na bentahan ng droga." pagsang ayon naman ng isang may edad ng pulis. Pagsapit ng grupo ni Dela Cruz sa presinto ay nadatnan narin nila doon ang taskforce Bravo sa pangunguna ni deputy inspector Gary Garcia at police inspector Gilbeys De Lara.At ibinabalitang tinangka umanong tumakas ng caller at nagpaputok pa raw ito ng baril kayat napilitan silang gumanti ng putok hanggang sa siya ay tamaan at ngayon ay isa na siyang malamig na bangkay. " sino ang nakabaril sa kanya? " itinaas naman ng isang pulis ang kanyang kamay bilang pag amin na siya ang nakabaril at nakapatay sa caller na nakilala lamang sa pangalang Andoy, walang maayos na hanap buhay at napag alaman na ito ay ginagamit din minsan ng mga halang ang kaluluwa na taga deliver ng mga epektos o mga ipinagbabawal na gamot.Lalong sumakit ang ulo ni Chief inspector Geoffrey Dela Cruz dahil sa patong patong na prublema sa kanyang departamento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD