Chapter 17 " THE RAID "

1546 Words
True to the caller's word ay tinotoo nito ang kanyang pagtawag pagkatapos ng limang minuto and this time ay si chief inspector Geoffrey Dela Cruz na ang kanyang kausap. " hello ?..." kaagad na nagregister ang tawag sa tracking device. Walang nangahas na lumikha ng ingay at tanging si Dela Cruz lang ang maririnig na nagsasalita sa matahimik na looban ng kanilang departamento. " alam ko kung nasaan ang hideout ng mga Casanova sir " pahayag ng isang tinig ng lalaki na walang anumang ginamit na AI voice over para ibahin ang register ng kanyang boses. " sabihin mo sa akin kung nasaan ang kanilang hideout kung ganun? " mariing sabi ni Dela Cruz. Saglit na katahimikan... " gusto ko lang pong matiyak kung totoo po yung reward...sa taong makapagtuturo sa kinaroroonan ng grupo ng Casanova sir ? " medyo nagaalangang sabi ng caller.Napabuntong hininga si Dela Cruz sa kanyang narinig. Ayaw na niya sana itong patulan at may sapantaha siya na isa itong RED FLAG SIGN na gusto lamang magkapera ng caller at walang katiyakan ang mga pahayag niyang iyon.Gayunpaman ay minabuti parin niyang pakinggan ang mga gusto nitong sabihin for the benefits of the doubt baka ito naman ay nagsasabi ng totoo. " huwag kang mag alala dahil sinisigurado ko sayo na matatanggap mo ang reward sa sandaling mapatunayan na Ikaw ay nagsasabi ng totoo at para sa iyong kabatiran ay mismong si Congressman Alvaradez ay pumirma ng kasulatan na magbibigay siya ng reward sa sinumang makapagtuturo kung saan nagtatago ang mga ito.Bawat salarin ay may patong sa ulo na tag isang milyon bawat isa " pagkatapos masabi ni Inspector Dela Cruz ang kumpirmasyon ay saglit na tumahimik ang caller. " hello ? " muling inulit ni inspector ang kanyang sinabi para ma-absorb ng caller ang kanyang mga pahayag at upang huwag niyang ibaba ang tawag para mas lalong malocate ang kinaroroonan nito.Ilang sandali ay may nag blink sa map monitor dahil sa tulong ng mga makabagong app sa internet ay kaagad na na locate ang lugar kung saan nagmumula ang kinaroroonan ng caller. Agad na sinenyasan ni Inspector Dela Cruz si inspector Garcia na kaagad nilang puntahan ang lugar para tukuyin kung sino ang caller na iyon at kung siya ba ay nagsasabi ng totoo. Kaagad namang kumilos ang taskforce Bravo sa pangunguna ni deputy inspector Gary Garcia.Ang Lugar na itinuro ng i-plugger super easy app tracker ay malapit lamang sa location kung saan itinapon ang unang biktima ng CASANOVA na si Raimee Ann Valdez na isang nurse at itinapon ang kanyang bangkay sa isang bakanteng lote sa may Dasmariñas Village sa Lungsod din ng Makati. " paano po ako nakakatiyak na ibibigay ninyo sa akin ang reward? " pagpapatuloy ng caller na lingid sa kanyang kaalaman ay pinuntahan na siya doon ng grupo ni inspector Garcia. " huwag kang mag alala dahil ako mismo ang personal na gagawa ng paraan para mapa sa iyo ang reward, now sabihin mo sa akin kung saan ang sinasabi mong hideout ng grupo! " medyo pagalit na sabi ni Dela Cruz. " malapit lang po ito sa may Don Bosco High sa may Dasmariñas Village sir " sagot ng caller na sa pakiwari ni inspector Dela Cruz ay hindi mapakali at halatang kabado ang caller sa timbre ng kanyang boses. " Napakaluwang ng Dasmariñas kaibigan , sabihin mo sa amin ang eksaktong lugar para kaagad kong mapapuntahan sa mga tauhan ko. " mahinahong sabi ni Dela Cruz. " sir kasi ganito yun, may sakit kasi ang tatay ko kailangan namin ng pera para pambili ng gamot, puwede niyo po ba akong pahiramin muna sir at papalitan ko rin agad kapag naibigay na sa akin ang sinasabi po ninyong reward " biglang nag iba ang ihip ng hangin, napakamot sa batok si Dela Cruz. Maging ng mga naroon kabilang na sina Allen at Freda ay palihim na napapangiti sa nakikitang reactions ng head inspector.Hinabaan naman ni Dela Cruz ang kordon ng kanyang sapatos. " okey magkano ba ang kailangan mo kaibigan at sa papaanong paraan ko yun maibibigay sayo? " napapakagat sa labi na tanong nito sa caller. " kahit 5k lang sana sir thru GCash po kung puwede,papalitan ko din po kaagad sa inyo once na naibigay na sa akin ang reward. " parang nahihiya pang sabi ng caller.Lalong napailing si Dela Cruz sa sinabi ng caller na may pagka tuso at halatang segurista. " masyadong malaki ang hinihingi mo kaibigan dahil nasa 2k lang ang laman ang aking G-Cash account " seryosong sabi ni Dela Cruz. Nagkatinginan na ang mga naroon, ngayon nila lalong napatunayan kung gaano ka pursigido ang kanilang pinuno para sugpuin ang CASANOVA sa paghahasik nila ng krimen sa kanyang nasasakupan.Sukdulang gumugol ito ng pera sa walang katiyakan, kumbaga ay para siyang sumusuntok sa hangin. " Wala po ba kayong mahihiraman sir kahit sana 3k pu-puwede na rin po, pagkakasyahin na po namin para makabili na po kami ng gamot ng tatay ko at pati narin sa kanyang pagkain " muling hirit ng caller.Maging si inspector Dela Cruz ay napapangiti narin sa mga sinasabi ng caller ' lintik naman oo, ginawa pa akong GMA Foundation neto " pabulong na nasabi niya sa sarili. " okey sige, manghihiram ako sandali pero huwag kang bibitiw diyan para may mabuo tayong usapang matino kaibigan, okey... pakisend mo sa akin ang GCash Account mo para alam ko kung saan ko ipapadala ang pera " Saad ni Dela Cruz. " Wala po akong GCash account sir, doon nalang po sa ate ko na nasa Pampanga naroon din kasi ang tatay at siya ang nagaalaga dun sa kanya. " paliwanag ng caller. Lalong nagbulungan ang mga naroon at may nakapagsabi pa na ' mukhang scammer ang lokong yan ah ' narinig iyon ng Chief Inspector pero hindi na lamang niya ito pinansin. " O sige i-send mo sa akin ang GCash account ng ate mo sa Pampanga at kahit yung initials nalang ng pangalan niya kung ayaw mong banggitin sa akin ang buo niyang pangalan. " agad namang tumalima ang caller at ibinigay nito ang hinihingi ng Chief inspector. " okey eto I will send the money sa ate mo, 3k ito yun lang muna ang kaya ko sa ngayon dahil nga kailangan mo kaibigan, pero siguraduhin mo lang na sasabihin mo sa akin ang eksaktong lugar kung saan namin matatagpuan ang hideout ng CASANOVA. " pahayag muli ni inspector Dela Cruz. " okey po sir, paki send niyo po muna sa akin ang confirmation na naipadala niyo na po ang pera sa GCash account ng ate ko at ipinapangako ko na kaagad kong sasabihin sa inyo ang eksaktong lugar na hinihiling mo " sagot naman ng caller. " okey maghintay kalang saglit kaibigan at eto isi-send ko sayo yung screen shot. " maski walang kasiguraduhan ay umaasa parin ang lahat ng naroon na sana ay nagsasabi ng pawang katotohanan ang caller. Nagtagal ng ilang sandali ang caller at naghihintay naman ang lahat sa magiging resulta ng kanilang pagbabakasakali. " hello? dumating na ba ang text ko sayo? nandiyan ka pa ba kaibigan? " pinagpawisan din sa noo si Dela Cruz sa may katagalan na hindi pag response sa kanya ng caller.Maya maya ay muling nagsalita ang caller at masayang nagsabi ng ilang bagay. " salamat sir na received na raw po ng ate ko ang pinadala niyong pera " " okey walang anuman kaibigan, ngayon sabihin mo na sa akin kung saan namin makikita ang hideout ng CASANOVA. " pigil ang paghinga ng mga naroon. " Yung reward sir may pag asa pa ba na maibigay po iyon sa akin? " muling usisa ng caller. " Oo kaibigan, huwag kang mag alala ako na mismo ang kausap mo at hindi rin ako nakikipagbiruan sayo! " nagtitimping sabi nito. " Pumunta po kayo ngayon din sir sa may lumang chapel ng San Antonio church na malapit lang sa Dasmariñas old market. May puno po doon ng Acasia na matagal ng patay at sa gilid po nun ay may lagusan papasok sa abandonadong simbahan at doon po ang hideout ng Casanova. " paliwanag ng caller. " Gaano ka nakasisiguro na doon nga ang kanilang hideout kaibigan, nakita mo ba ang mismong lugar ng personal? " patuloy na tanong ng Chief inspector upang lalong tumagal ang kanilang paguusap at malocate kaagad ng grupo ni inspector Garcia ang kinaroroonan ng caller. " opo sir nakapunta na ako doon at kung hindi ako nagkakamali ay ngayon po yata ang araw na magmi-meeting sila sa lugar na binanggit ko sa inyo." sagot ng caller.Magtatanong pa sana ang chief inspector pero bigla na lamang pinutol ng caller ang tawag. " okey mga kasama magsipaghanda kayo dahil pupuntahan natin ngayon din ang sinabing lugar ng caller, are you coming with us detective Allen, detective Freda? " tanong ni Dela Cruz. " yes sir " halos sabay namang tugon ng dalawang detective. " okey makinig kayong mabuti, we better be ready and be more vigilant... totoo man o hindi ang mga sinabi ng caller ay hindi tayo dapat maging pabaya, CASANOVA is extremely dangerous kaya hindi tayo dapat magpakampante maliwanag ba!? " " yes sir!!! " halos sabay sabay namang sabi ng task force CHARLIE maging ng task force ALPHA sa pangunguna naman ng dalawang detective.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD