Chapter 16 " THE FORCE "

1298 Words
Ganun na lamang ang galit ni Congressman Jojo Alvaradez sa sinapit ng kanyang nagi-isang anak na babae.Nagbigay pa siya ng reward na malaking halaga kung sino ang makapagtuturo sa kinaroroonan ng grupong CASANOVA.Sa isinagawang press interview sa kanya ay nanawagan siya sa lahat ng mga kapulisan sa buong Metro Manila lalong Lalo na sa Lungsod ng Makati na siyang Centro ng operasyon ng mga notorious na grupo na Lalong higpitan ang pagbabantay. Umani naman ng mga batikos ang grupo ni Chief inspector Dela Cruz sa kanilang bigong ilantad ang mga nasa likod ng nagaganap na p*****n at nagmistula itong mga sisiw na pinaglalaruan ng isang dambuhalang agila. Lalong naging kontrobersiyal ang usapin sa pagsasahimpapawid sa ginawang interview kay Congressman Alvaradez ng talakayin nito sa nasabing interview na ibalik na ng kasalukuyang administrasyon ang parusang bitay.Marami ang sumang ayon sa kanyang panukala at mayroon ding hindi pabor sa issue ng pagbalik ng parusang death penalty. Personal na pinuntahan ni Chief inspector Geoffrey Dela Cruz sa kanilang tahanan sa Angeles Pampanga ang kongresista at kapansin pansin na sa bungad pa lamang ng siyudad ay may mga banner na nakasabit sa mga walls at maging sa mga puno ng kahoy ng larawan ni Atty. Evelyn Alvaradez at nakasulat doon ang mga kataga " JUSTICE FOR ATTY. EVELYN ALVARADEZ " at sa iba pang mga karatula ay nakasulat ang mga terminong " SIGAW NG BAYAN IBALIK ANG PARUSANG BITAY ". Nang sumapit si Chief Inspector Geoffrey Dela Cruz sa tahanan ng kongresista ay mas lalong nagkalat doon ang larawan ni Atty. Evelyn Alvaradez at napuno ang pinaka gate ng kanilang malawak na mansion. Napakarami ding bulaklak sa harapan ng gate na pawang alay ng mga kamag anak, kaibigan at mga taga suporta ni Congressman Alvaradez. Nakatirik din ang iba't ibang uri ng kandila na simbolo ng malabis ng kadalamhatian. Kaagad namang sinalubong ni Congressman Alvaradez Ang grupo ni Chief inspector Dela Cruz. Mahigpit na nakipagkamay ang ama ng biktima at kitang kita sa reaksiyon nito ang matinding kalungkutan sa sinapit ng kanilang anak. " ikinalulungkot ko ang nangyari congressman " maalab na sabi ni Chief inspector Geoffrey Dela Cruz.Tumango lamang ang kongresista at inanyayahan sila sa isang pribadong lugar at doon ay tinalakay nila ang ilang detalye sa kanilang isinasagawang imbestigasyon. " please inspector do everything you can to stop the killing, sana ay mabigyan niyo ito ng priority dahil lubhang napakatindi ng mga ginagawang krimen ng mga pusakal partikular ng grupo ng mga nagpapakilalang CASANOVA.Hindi ito katanggap tanggap sa batas ng ating lipunan at maging sa batas ng Diyos, at bagamat isinusulong ko na ibalik ang parusang kamatayan ay dahil pinoprotektahan ko lamang ang maraming buhay ng mga inosente na ang hangad lang ay mabuhay ng tahimik " madamdaming sabi ng kongresista. " makakaasa kayo congressman " sinsero nitong pahayag. " kung may maitutulong pa ako sa lalong ikadadali ng paglutas sa kaso ay magsabi ka lang at tutuparin ko rin ang aking nilagdaang reward sa sinumang makapagtuturo at makakahuli sa kahit sinong miyembro ng CASANOVA , isang milyon bawat isa sa kanila. " tiim bagang na pahayag ng congressman. Makalipas pa ang ilang mga paguusap ay nagpaalam na Ang grupo ni Dela Cruz sa kapamilya at mga kaibigan ng pamilya Alvaradez. Sa kabilang dako ay nagkalat naman ang mga post ng mga nagmamahal sa isa pang biktima ng CASANOVA na si Dianne Marie Monstera sa mga social media platform at ang mga dating profile ay pansamantalang pinalitan ng mga simbolo ng pakikidalamhati. Napuno naman ng kalungkutan ang dating masayang estasyon ng channel 16 Music Box Asia at maging ng DWVJ FM na halos malulungkot na awitin ang pumailanlang sa ere bilang pakikidalamhati sa sinapit ni Sandra Ferrer. Kinabukasan ay muling nagpulong ang tatlong grupo na binuo na pinangalanan nilang "TASKFORCE ABC TRINITY" sa pangunguna ni detective Allen Mendoza kasama si detective Freda Parazo na kumakatawan bilang ALPHA. Ang isa pang grupo naman ay pinangunahan ni Deputy inspector Gary Garcia kasama ni Inspector Gilbeys De Lara na kumakatawan bilang BRAVO at ang kumakatawan naman bilang CHARLIE ay ang grupo ng Chief inspector ng Makati City na si Geoffrey Dela Cruz. Sa nasabing pagpupulong ay tinalakay ng TASK FORCE ABC TRINITY ang Kani kaniyang isinagawang preliminary investigation. Si inspector Garcia at inspector Gilbeys ang unang nagbigay ng ulat. " ayon sa mga magulang Ms. Dianne Marie Monstera ay nagpaalam lang daw ang kanilang anak na makipagkita sa kanyang kaibigan na si Atty. Evelyn Alvaradez, Pinayagan naman nila ito dahil alam daw diumano nila ang pinagdadaanan ng kanilang anak. Sinabi diumano sa kanila ni Dianne na nakipag break sa kanya ang kanyang boyfriend dahil lang sa insecurities sa katayuan ni Dianne. Ayon parin sa mga magulang ng napaslang na dalaga ay dinamdam daw itong masyado ng kanilang anak kung kayat inakala nilang isang paraan para sa mas madali niyang pag move on ay ang magliwaliw kasama ng kanyang mga kaibigan.Hanggang sa mabalitaan nilang patay na pala ito kinabukasan. Nang gabing iyon ay hindi umuwi si Dianne sa kaniyang tahanan kung kayat agad nilang tinawagan ang mga kaibigan nito pero bigo silang malocate ang kinaroroonan ni Dianne.Pati narin ang ex- boyfriend nito ay kanila naring tinawagan pero tumanggi ito na may kinalaman siya sa hindi matiyak na pagkawala ni Dianne at ayon pa sa aming personal inquiry sa binata ay matagal na diumano silang hindi nagkikita ni Dianne simula ng sila ay magkaroon ng official break up. " mahabang salaysay ni Garcia na batid ng mga naroon na walang significant occurencies para matukoy ang responsable sa krimen.Wala ring makapagsabi sa mga specific na lugar kung saan saan sila nagpunta bago ang insidente. Maging si Dela Cruz ay wala ring maibigay na significance sa kanyang ginawang pagtungo sa tahanan ng mga Alvaradez ng kapanayamin niya ang ama nitong kongresista kundi pawang mga hinaing lamang ang naging pakikipagusap nito sa Ama ng biktima. Nang sumunod namang magbigay ng ulat sina Allen at Freda ay nakapukaw iyon sa atensiyon ni inspector Dela Cruz at maging ni Inspector Garcia. Matama silang nakinig sa mga salaysay ng dalawa.Naging interesado ang mga ito kay Ms. Maui Teller at maging ng security guard na kanilang nakausap.Napagkasunduan naman ng grupo na magkaroon ng follow up na imbestigasyon sa naturang lugar sa Twighlite Zone Disco Rama upang masuyod ang lugar kung may nakakita sa plate number ng sinasakyang kotse ng nagngangalang Ace De Jairo.Ipinanukala din ni Allen at Freda na imbitahan nila sa presinto ang guwardiya na nakakita sa mga lalaking nakasama ng magkaibigang Sandra at Sunshine para ka kaukulang paglalarawan sa kanilang mga hitsura. " we recommend to have a cartographic sketches sa dalawang suspek sa tulong ng security guard ng Twighlite sir " ikinonsidera ni Dela Cruz ang kahilingan ng dalawang detective.Nasa gayun silang paguusap ng biglang pumasok doon si SPO1 Salvador Vargas. " excuse me sir, may natanggap Po kaming tawag sa isang unknown caller at kini claim nito na alam niya kung saan matatagpuan ang hideout ng CASANOVA, sinabi rin ng caller na gusto niya Po kayong makausap sir at muli daw po siyang tatawag pagkalipas ng limang minuto " paliwanag ni Vargas.Pansamantalang pinutol ng mga naroon ang kanilang paguusap at saka sama samang pumunta sa information department kung saan tumawag ang sinasabing caller.Sinenyasan ni Dela Cruz na itigil muna ng lahat ng naroroon ang kanilang ginagawa at saka mabilis na isinet up ang volume ng telepono at ikinonect sa GPS Tracker para agad na malocate ang kinaroroonan ng tawag. Napatingin ang lahat sa wall clock na nakasabit sa may ding ding 10 minutes past 10 o'clock. Nakatitig ang bawat paningin ng mga naroon sa lamesa kung saan nakapatong doon ang telepono na pinagmulan ng sinasabing unang pagtawag nang caller, nabalot ng katahimikan ang lugar at tanging ang tunog ng wall clock lamang ang maririnig... tik tak tik tak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD