Walang sinayang na oras ang dalawang detective at kaagad na natunton nina detective Allen ang bahay ng kaibigan ni Sandra na si Sunshine aka Maui Teller. Matapos nilang magpakilala sa mga nakatalagang bantay na guwardiya ay kaagad silang sinamahan ng isa sa mga roving guard sa tahanan nito,medyo pinag kaguluhan pa ng ilang residente na kasalukuyang naroon ang dalawang detective dahil sa taglay ng mga itong katangian na animoy mga artista na kasamahan ni Maui Teller na bumibisita sa kanila.Palibhasa ay naka-sibilyan lang ang mga ito na nagtungo doon.Maayos din silang tinanggap sa tahanan nina Sunshine subalit nakiusap ang kanyang mga magulang na kung maaari ay sila na lang muna ang kanilang kausapin at nangako naman sila na sa sandaling bumuti na ang kalagayan ng kanilang anak ay saka nila ito maaaring kausapin. Sumang ayon naman ang dalawa at nag-tiyaga na lamang na kausapin ang mga magulang ni Sunshine at nag-bakasakali na makakuha sila ng kahit kaunting clue sa mga naging pagkilos nito kasama ng biktima na si Sandra Ferrer ng mga panahon na sila ay magkasama bago ang insidente ng pagpaslang ng CASANOVA .
" Maari ba naming malaman mam/sir kung ano ang naging pagkilos ni Sunshine bago nangyari ang insidente " paunang tanong ni detective Allen. Nagsimula na mag-kuwento si Mrs. Verzeles ng kanyang mga natatandaan partikular ng ito ay umalis ng kanilang tahanan para pumunta sa taping ng ginagawa nilang pelikula na i?gagawin nilang entry sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.
" kahapon po ay sinundo siya ng kanyang kaibigan na si Sandra at magkasama silang umalis papunta sa nasabing taping.Inihatid po sila ng aming driver at ayon sa aming driver ay pinapauwi siya ni Sunshine dahil may iba pa raw siyang pupuntahan pagkatapos ng taping itinawag po iyon ng aming driver pero Hindi po ako sumang ayon sa gustong mangyari ni Sunshine. Nabalitaan ko nalang na bigla na lamang naglaho ang magkaibigan sa taping pagsapit ng maga alas singko ng hapon. Wala pong nakapansin sa kanilang pag alis at ng sinubukan kong tawagan ang kanyang phone pero hindi namin siya makontak naka off ang kanyang cellphone. Isinunod naming tawagan si Sandra pero ganun din Hindi rin namin siya makontak. Dahil sa nangyaring iyon ay nag-panic na kaming lahat at ipinaalam sa mga pulis ang nangyari. "
tumigil muna sandali si Mrs. Verzeles at pilit na inaalala ang lahat ng kanyang natatandaan bago ito muling nagpatuloy.
" Noong una ay nagdadalawang isip pa kaming mag asawa na baka pumunta lamang sa isang Lugar ang aming anak para magliwaliw dahil hindi lang minsan ay nangyari ito bagamat sa mga naunang pangyayari ay bigla na ring nawala ng mga ilang oras pero ang kaibigan sa ngayon ay hindi namin siya makontak. " saglit na tumigil Mrs. Verselez at sinamantala iyon ni Allen na makapag insert ng tanong.
" Paano po siya nakauwi sa inyo ng gabing iyon mam? "
" Nakauwi po siya dito sa bahay ng mga 15 minutes before 12 midnight kung hindi po ako nagkakamali.Medyo nagkagulo ng kaunti dahil may isang makulit na reporter na gustong kapanayamin si Sunshine pero hindi namin pinahintulutan. Umamin naman sa amin si Sunshine na tumakas sila mula sa taping kasama si Sandra. " pahayag ni Mrs. Verzeles.
" Nabanggit ba sa inyo ni Sunshine kung saan lugar Sila nagpunta ni Sunshine? " usisa ni Allen. Saglit na nag isip si Mrs. Verzeles at pagdakay muli itong nagsalita.
" Ang natatandaan ko na nasabi sa amin ni Sunshine ay nagpunta sila sa Twighlight Zone Disco Rama at nag stay sila doon ng ilang oras bago sila nagpasyang umuwi kasama si Sandra. " medyo napa-isip din ang ginang habang siya ay nagsasalita.
" Naitanong niyo po ba kay Sunshine kung sino po ang kasama nila ng gabing iyon maliban Kay Sandra?" napailing si Mrs. Verzeles kahayagang wala siyang idea.
" ng sabihin kasi sa akin ni Sunshine na nais niyang magpahinga ay hinayaan nalang namin siya ng papa niya. Hindi rin kasi namin ugali na mag asawa na mag usisa pa ang aming anak kung ayaw na nitong magsalita pa." pagtatapos na pahayag ni Mrs. Verzeles, at kinumpirma rin niya na hanggang doon nalang ang kanyang natatandaan and the rest ay maaaring si Sunshine na ang posibleng makapagbigay ng sagot sa iba pang katanungan.
Hindi narin nagtagal ang dalawang detective at nagsabi na magbabalik na lamang sila kung sakaling maaari na nilang makausap ng personal ang kanilang anak na si Sunshine. Nag iwan din sila ng calling card na maaari nilang tawagan halimbawang may nais silang ipaabot na mensahe. Nagpasalamat din ang mag asawang Verzeles sa ginawa nilang pagpunta doon upang kumustahin si Sunshine sa kanyang kalagayan.
Nang makalabas ang dalawa sa Parkland ay dumiretso naman ang kanilang sinasakyang kotse sa direksyon patungo ng Twighlite Zone Disco Rama upang kausapin ang pamunuan doon at tiyakin kung nagpunta ba talaga doon ang magkaibigan.Pagsapit ng mga ito sa lugar ay kaagad silang sinalubong ng isang security guard na naka assign ng oras na iyon.
" good morning mga mam ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo? " medyo may pagka brusko na pambungad ng medyo may edad naring guard na siya ring pinag abutan ni ace1 ng tip na 5k ng gabing magtungo ang mga ito sa Twighlite.Agad silang nagpakilala bilang detective kung kayat medyo nahiya ang guwardiya sa kanyang inasal at inayos ang kanyang pananalita. Ipinakita naman ni detective Freda ang larawan ni Sandra at Sunshine at nagbabakasakaling mamukhaan niya ang mga ito.
" nakikilala mo ba ang mga babaeng ito na nasa larawan? " kaagad namang sinipat iyon ng guwardiya at ng mapagsino ang mga ito ay saka siya nagbigay ng kumento.
" kung hindi po ako nagkakamali ay sina Ms. VJ Ferrer po yan at Ms. Maui Teller. " nagkatinginan ang dalawang detective.
" madalas ba silang pumunta dito ?" usisa ni Allen.
" hindi naman po masyado pero every month nagpupunta din sila dito na magkasama. " walang pagaalingang nasabi ng guwardiya .
" kailan sila huling nagpunta dito? " tanong naman ni detective Freda.
" kagabi lang po ay nandito silang dalawa na magkasama. " lalong ginanahan ang dalawang detective sa pagtatanong sa guwardiya na animoy maamong tupa sa pagbibigay ng pahayag kaharap ang dalawang naggagandahang detective sa kanyang harapan.
" Bukod sa kanilang dalawa, mayroon pa ba silang kasamang pumasok dito? " saglit na nag isip ang guwardiya at pilit na inaalala ang lahat ng kanyang natatandaan.
" mam nung pumasok silang dalawa dito sa Twighlite ay wala po silang kasama pero... ng lumabas na po sila ay may kasama na po silang isang lalaki " tila nag alangan ang security guard ng maalala nito na binigyan siya nito ng 5k tips kapalit ng ginawa nilang violations na papasukin doon ang lalaki without further investigation lalong Lalo na at itoy bagong mukha at walang pinapakitang identification card.
" Kilala mo ba kung sino ang lalaking sinasabi mo? " dagdag na tanong ni Freda.
" hindi ko po siya Kilala mam bastat ang natatandaan Kong pangalan na isinulat niya sa visitors log book namin ay... Mr. Ace De Jairo " nagrequest si Allen na tignan ang log book upang kumpirmahin kung may nakasulat nga doon na nagngangalang Ace De Jairo at matapos itong matiyak na nakasulat nga doon sa logbook ay muli silang nagtanong.
" manong guard mga ilang katanungan na lamang, bukod sa lalaking nagngangalang Ace De Jairo mayroon pa ba siyang ibang kasama? " nag isip muli ang guard at nagtagal iyon bago muling nagsalita.
" may kasama po siya... sa tingin ko po ay yung driver ni Mr. Ace at sinundo po sila dito sa may harapan ng pulang kotse. " tugon ng guard.
" maaari mo bang i-describe sa amin ang hitsura ni Mr. Ace De Jairo at maging ng kasama niyang driver? " doon na kinabahan ang guwardiya sa line of questioning ng dalawang magagandang police detective.Gayunman ay minabuti parin niyang sagutin ang tanong sa kanya ng mga ito.
" parehas po silang magagandang lalaki mam,si Mr. Ace ay parang foreigner ang dating maputi siya at matangkad na inakala ko pa nung una na parang basket player samantalang yung driver ay hindi gaanong maputi na katulad ni Mr. Ace,Moreno siya at magandang lalaki rin na katulad ni ace na halos magkasing tangkad lamang sila." paglalarawan ng guwardiya. Hindi niya natiis na hindi rin magtanong sa mga ito.
" eh mam puwede rin ba akong makapag tanong sa inyo? " napapakamot na tanong ng guard.
" hindi mo ba alam manong? na pinatay si Ms. Sandra Ferrer ng gabi ding iyon pagkatapos nilang umalis dito sa Twighlite at ang lalaking nagngangalang Ace De Jairo at ng kanyang kasama ay maaaring maituring na prime suspect sa pagkamatay ni Ms. Sandra Ferrer. " paliwanag ni Allen, pinagpawisan ng malapot ang guard sa kanyang narinig at ng muli silang tanungin kung maaari nilang makausap ang may ari ng Twighlite at hilingin ng mga ito na makita ang CCTV footage ng gabing iyon ay kaagad na tinawagan nito ang may ari at ipinaalam nito na may dalawang imbestigador na nais silang makausap.