Muling tumanggap ng tawag si Detective Allen Mendoza buhat kay CASANOVA at ipinabatid nito ang kanilang ginawang pag ataki at kung saang lugar nila itinapon ang kanilang biktima.Halos mapaluha sa galit si Allen habang isinusulat nito ang magkakaibang location na isa isang sinabi ng caller. Nang matapos ang caller sa kanyang mga sasabihin ay kaagad na ini-off na nito ang tawag.Laking pagsisisi ni Allen kung bakit hindi nila napaghahandaan ang mga tawag na iyon ng grupo upang ma locate sana nila kung saan ang eksaktong hideout nito. Kaagad niyang ini-screenshot ang mga lugar na kanyang isinulat sa kanyang notepad at kaagad na ipinadala niya thru messenger Kay chief inspector Geoffrey Dela Cruz.
Agad na nagsagawa ng pagsisiyasat sa mga lugar kung saan idinispose umano ang mga bangkay ng biktima.Bawat lugar na pinagtapunan ng grupo sa mga biktima ay napuno ng mga taong nakiusyoso. Nagdagsaan din ang ilang reporter at maging ng mga blogger sa mga lugar na pinagtapunan sa mga biktima. Napakabilis na kumalat ang balita tungkol sa nangyaring pag ataki ng CASANOVA wala pang 24 oras ay muli na naman itong nag viral sa social media at maging sa bawat sulok ng Pilipinas na nararating ng internet ay laman ito ng balita.Mapapalengke,malls, barber shop, at kahit pa sa mga baryo ay pinaguusapan ang tungkol sa Casanova, at dahil doon sa nangyaring latest na pag ataki ng Casanova ay naungusan nito ang MANANG BIDAY GANG na siyang dating nangunguna bilang most wanted at pumangalawa na lamang ito sa listahan.Ikinatuwa ito ng grupo dahil iyon ang isa sa pinaka main goal nila ang makilala at paguusapan ng mga tao ang kanilang binuong grupo.
Sa kabilang dako ay lalong umusok ang ilong ng newly appointed chief inspector Geoffrey Dela Cruz. Nasa opisina niya si Detective Allen Mendoza ayon sa suhestion ng kanilang chief detective Leumas Nugas na siya ay makipag ugnayan sa kanila.Sa harap ni Chief inspector Dela Cruz ay naroon sina detective Allen Mendoza at ng kanyang assistant chief inspector na si Rommel Garcia.Nakasulat sa isang monitor ang ilang impormasyon na may kaugnayan sa mga naganap na krimen.Sa screen monitor ay nakaflash doon ang mga pangalan ng biktima.
1. Dianne Marie Monstera (23) Gen.Manager EPC ) Electrophonethics Company, with home address at Libertad St. Italianhills Subd., Q. C.
2. Sandra Ferrer (22) Video Jockey ( channel 16 - music box Asia ),Disk jockey ( 107.7 DWVJ ) with home address at Sta Rosa Village 1B Building 8 Makati City.
3. Atty. Evelyn Alvaradez (23) with home address at Condominium Tower 1 at 3rd Floor Room 12A,Paranaque City Metro Manila.
FOUND/LOCATION Respectively:
1. Inside the garbage at Don Bosco High, Makati City.
2.within the vicinity of Makati Medical Center beside Burger King Outlet.
3.@the gate of Florist Garden of the on going construction of Jose Rizal Monument in the heart of Makati City.
NATURES OF DEATH:
All the victims were killed by drug overdose and strangulation.
WEAPON AND OTHERS:
Both are seriously taken a super develop ecstacy that believes to be 5X stronger than the old one. Guitar Chord
DESCRIPTIONS OF TATTOO:
1.Word Casanova in red ink @ her left shoulder
2.Word Casanova in yellow ink @ her left chest
3.Word Casanova in Green ink @ her left leg.
OTHER DESCRIPTIONS:
1.Jack of Spade found @ her left hand
white Knight found inside her mouth
2.Queen of Heart found @ her left hand
white rook found inside her mouth
3.King of Flower found @ her left hand
white pawn found inside her mouth.
note: the short sentence " I'm here baby I'm here " painted in bloody red spray paint was all written on the walls serving as guide to where the victims were found.
NO WITNESSES NOR SUSPECTS!!
Napakunot ang noo ni Dela Cruz Pagkabasa nito sa ilang detalye ng kaso. Nagbigay siya ng pahayag tungkol dito at tahimik lamang na nakinig ang dalawa.
" Garcia I ordered you to conduct an immediate investigation sa pagkakapaslang kay Ms.Dianne Marie Monstera at makakasama mo rito si police inspector Gilbeys De Lara. Sikapin niyong alamin sa mga kapamilya ng biktima ang mga naging pagkilos nito bago nangyari ang pamamaslang sa dalaga. Si detective Allen Mendoza naman ang bahalang mag conduct ng sarili niyang imbestigasyon sa kaso ng isa pang biktima na si Ms.Sandra Ferrer at makakasama niya rito si Detective Freda Parazo.Ako naman ang mangunguna sa pagibimbestiga sa anak ng isang congressman na si Atty.Evelyn Alvaradez." may kahabaang sabi ni Chief inspector Dela Cruz.
"Nabalitaan niyo na siguro na gusto ng makialam ang NBI sa kasong kinasasangkutan ng CASANOVA dahil sa hindi maawat na krimen sa loob ng ating jurisdiction kayat minabuti kong bumuo ng tatlong grupo para paigtingin ang puwersa ng ating kapulisan sa pagresolba sa kaso. Malaking tulong din ang gagampanan ng isang butihing detective na katulad ni Detective Leumas Nugas na ilaan din niya ang kanyang atensiyon para makatulong sa kaso.Umaasa ako na tayong tatlo kasama ng lahat ng kapulisan dito sa siyudad ng Makati ay muling magtutulong tulong upang matigil na at tuluyang masugpo ang paghahasik ng lagim ng mga taong nasa likod ng Casanova. Masyado na tayong pinapaikot ng mga salarin kaya kinakailangan nating magtalaga ng mga bantay lansangan pribado man o nasa gobyerno para maiwasan na madagdagan pa ang bilang ng kanilang mga bibiktimahin. " seryosong pahayag ng Chief inspector.
" kung may gusto pa kayong idagdag bilang suhestiyon ay maaari natin itong talakayin sa lalong madaling panahon " dagdag na pahayag nito.Ipinanukala naman ni detective Allen Mendoza na magtalaga ng monitoring team na experto sa paglocate sa pinagkukutaan ng mga salarin sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan na katulad ng GPS at iba pang advance technology. Ikinonsidera naman iyon ng Chief inspector at Makalipas pa ang ilang pagtalakay ay pansamantalang tinapos ng mga ito ang kanilang emergency meeting.
Kaagad na pinuntahan ni detective Allen Mendoza kasama si detective Freda Parazo ang lugar kung saan nakatira si Ms Sandra Ferrer sa may Sta. Rosa Village 1B na nasa hilagang bahagi ng lungsod ng Makati.
Pagsapit ng dalawa sa naturang Subdivision ay kaagad din silang pinapasok ng nakatalagang bantay matapos na ipagbigay alam ng mga ito ang kanilang pakay. Napag alaman ng dalawang detective ayon narin sa security guard na kanilang nakausap ay inilagak ang bangkay ni Ms. Sandra Ferrer sa isang Mortuary Chapel na malapit din sa Sta. Rosa na nasa labas ng compound ng subdivision. Hindi na nag aksaya ng panahon sina Allen at Freda at kaagad na pinuntahan ang lugar kung saan ibinurol ang labi ng isang biktima.
Pagdating ng dalawa sa lugar ay nadatnan nila ang mga magulang ng biktima maging ng ilang mga malalapit nitong kaibigan at mga kamag anak ng mga Ferrer.Maayos naman silang tinanggap ng mag asawang Ferrer. Matapos nilang matunghayan ang labi ng biktima ay dinala Sila ng mag asawang Ferrer sa isang pribadong lugar upang doon nila isagawa ang ilang pagtalakay bilang bahagi ng kanilang isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa kaso ng pagkakapaslang sa kanilang anak .
" Maam, Sir ikinalulungkot po namin ang nangyari sa inyong anak. Ayaw sana namin kayong gambalain subalit ito po ay lubhang mahalaga at kinakailangan. Nais po naming magtanong ng ilang bagay ukol sa naging pagkilos ng inyong anak na si Sandra bago po nangyari ang insidente " panimulang tanong ni Allen at nakahanda naman si Freda para isulat ang mga mahahalagang detalye na kanilang matatanggap sa mag asawa.Nagsimulang magkuwento si Mrs. Ferrer habang pinipigilan nito ang kanyang sarili na mapaiyak sa kalunos lunos na sinapit ni Sandra sa kamay ng mga salarin.
" Kahapon ay araw ng Linggo at siya ay nagpaalam sa akin na sasamahan niya ang kanyang kaibigan sa isasagawa nitong taping. Nang mga sandaling iyon ay nakatakda naman kaming pumunta sa tahanan ng isa naming kaibigan dahil naimbitahan kami sa kanilang wedding anniversary,madaling araw na ng dumating kami dito sa bahay pero hindi namin siya nadatnan. Ayon sa aming maid ay hindi raw umuwi si Sandra kaya kaagad ko siyang tinawagan pero hindi ko siya makontak kaya naisip kong tawagan ang kanyang kaibigan at kaagad din namin siyang nakausap at sinabing nakauwi na raw si Sandra kanina pa bago mag alas dose ng gabi at inihatid pa nga raw nila ito sa malapit sa harapan ng gate ng subdivision " mangiyak ngiyak na pahayag ng ginang.
" Maaari ba naming malaman mam kung sino itong kaibigan ng inyong anak? " tanong ni Allen.
" si Sunshine na mas Kilala sa pangalang Maui Teller " nagkatinginan ang dalawang detective at Hindi man sila gaanong mahilig manood ng TV ay Kilala nila ang binanggit na pangalan ni ginang Ferrer.
" ayon Kay Sunshine ay nakausap pa niya si Sandra at kinumpirma pa niyang nakauwi na siya at nagpapalamig sa may hardin at ang sabi pa umano ni Sandra ay pupunta na siya maya maya sa kanyang kuwarto para matulog pero katulad ng sabi ng aming maid na Hindi naman daw umuwi si Sandra ng gabing iyon. " dagdag na paliwanag ni Mrs. Ferrer.
" mga anong oras po kayo nakauwi sa inyong tahanan Mrs. Ferrer " tanong ni Allen.
" Bago po mag alas tres ng umaga " maagap na sagot nito.
" nakalock po ba ang inyong gate Mrs. Ferrer? " paniniguro ni Allen.
" Fully automated po iyon, may kanya kanya po kaming passcode sa bahay at hindi maaaring pumasok doon ang ibang tao maliban kung sadyain nitong akyatin ang gate pero panigurado namang mahahagip siya ng CCTV na nakapalibot sa buong vicinity ng subdivision at nakausap narin namin ang mga bantay na guwardiya ng gabing iyon at tulad ng sinabi ng aming maid na walang Sandra na umuwi ng gabing iyon at kahit po sa mga CCTV footage ay wala rin pong nakitang Sandra na pumasok between 7 pm pagkaalis niya and until early in the morning mula ng dumating kami. " pagpapaliwanag ni Mrs. Ferrer. Nang mapansin ng dalawa ang pamumutla ng ginang ay ipinasya ng mga ito na tapusin muna nila pansamantala ang kanilang pagtatanong sa kanya at minarapat na kausapin ang kaibigan ni Sandra na si Maui Teller.
" Nandito po ba ngayon si Sunshine? " tanong muli ni Allen and this time ay si Mr. Ferrer ang sumagot sa tanong.
" Wala po siya dito ngayon at ayon sa mga magulang niya ay hindi raw ito makausap ng maayos at dahil ayon sa kanila ay under the state of shock po siya ngayon dahil sa nangyari kay Sandra. " pahayag ni Mr. Ferrer.Minabuti ng dalawa na puntahan na lamang doon sa address na ibinigay sa kanila ng mag asawang Ferrer upang personal nilang makausap ang sikat na artista na may screen name na Ms. Maui Teller.