Umabot sa kaalaman ni Ace 1 ang nangyaring pagkaka aresto kay Ace 3. Itinawag iyon ni Ace 2 sa kanya at inamin din nitong muntik narin siya kung hindi lamang niya piniling tumakas. Napag alaman ni Ace 1 na ito ay dahil sa personal na pakikialam ng kinaiinisan niyang matanda na si detective Leumas Nugas. " Nasaan kana ngayon Ace 2? " usisa sa kanya ni Ace 1. " Halos kararating ko lang boss dito sa hideout? " paliwanag ni Ace 2. " May nakasunod ba sa iyo Ace 2? " " wala naman po boss " " paano ka nakakasigurado? " Basta sigurado Ako boss walang nakasunod sa akin magtiwala ka." giit ni Ace 2. " si Ace 4 gising na ba siya? kumusta naman ang lagay niya? " " tulog pa siya boss at sobrang napaka init ng kanyang katawan sa palagay ko ay kailangan din niyang madala sa ospital. Pero mukh

