Isa isang pina-ilawan ang bawat bahagi ng buong basement, gamit ang mga naiwan ng grupo na mga portable generators. Gayun na lamang ang pagkagimbal ng lahat ng mga nakasaksi sa mga ibidensiya na ang lugar na tinukoy ng suspect na ipinaaresto ni detective Nugas ay legit na doon nga nila isinasagawa ang kanilang karumal dumal na krimen. Ang basement ay may anim na magkakatabing silid at ipinapalagay ni Chief inspector Geoffrey Dela Cruz na dito nila inilalagak ang kanilang mga biktima bago nila isagawa ang kanilang makahayop na pagpatay. Hindi lubos maisip ng mga naroon kung bakit ito nagagawa ng mga salarin at ano ang pinaka MOTIBO ng mga ito maliban sa pera na siyang unang unang binanggit ng suspek na dahilan. Inamin din ng nahuling si Ace 3 ang ginagawa nilang pagkuha ng video ng mga Hubo

