CHAPTER 2

1779 Words
MISTRESS FOR LEASE WRITTEN BY; MHAYIE CHAPTER 2; "Are you Ready Love?" "Stop pretending like a Lovers Andy!" Turan niya sa Asawa. "Pero mag Asawa tayo!" "Sa Papel oo pero huwag kang humasta na para bang nagmamahalan tayong dalawa dahil una palang alam mong hindi!" Prangkahang sabi ni Rigel sa asawa. "What ever! Ganun narin yun ikaw lang naman itong hard to get ! Ako na nga itong nanliligaw at nagyaya napaka arte mo pa!?" "Tssk yan nga ang pinakahate ko sayo! Wala kanang tinira na kahihiyan sa sarili mo! Gawain ba ng matinong babae iyan?" Pang iinsulto pa nito sa Asawa . Bakas ang pananahimik ni Andy dahil below the belt na ang sinasabi ni Rigel sanay na naman si Andy pero iba parin pala pag sarili mo nang asawa ang humusga sayo ,pero desperada na kung desperada pero hindi nito igigive up si Rigel na yun naman ang kinaiinisan ni Rigel, dahil kahit anong panlalait at masasakit na salita ang ibato niya kay Andy ay hindi nito magawang pakawalan siya. "Maam ,Sir hinihintay na po kayo ng mga bisita sa baba!" Agaw pansin ng kararating lang na maids sa mansyon ng mga Cortez. "Ok pababa na salamat!" Tugon ni Rigel at inayos ang necktie bago lumabas,para naman sawa na luminkis sa kanyang braso si Andy,naiirita siya pero hinayaan lang niya sanay na siya magpanggap sa maraming tao. Masasayang mga mukha ng bisita ang bumungad sa kanila pagbaba nila,kahit ang ina ng dalaga ay masaya sa nakikita na mukha sila nagmamahalan pero sa loob loob ni Rigel ay puro kasuklaman . "Oh my beautiful Princess !" Usal ng ina ni Andy na si Zenaida . "Hi Mommy! Where's Daddy?" "Hindi makakapunta anak ! Busy sa kumpanya ewan ko ba diyan sa ama mo alam na importanteng araw mo pero talagang hindi niya nagawang isingit!" Pagtatampo ng ina ni Andy "Ok lang ma marami pa naman taon para I celebrate ang kaarawan ko !" Pag alo nito sa ina. Gumanda lang ang awra ni Rigel ng bumitaw sa kanya si Andy. "Hoy pinsan bakit ang tagal niyo sa Taas? Mukhang naghahapit kayo ah?" Biro ng pinsan ni Rigel na nakatanggap ng kurot sa Mommy ni Rigel na si Regina. "Xavi! Umayos ka nga!" Saway ng Mommy ni Rigel na si Regina. "Tita naman hindi na bata si Rigel wala naman masama at asawa niya ito!"angal pa ni Xavi. "Its not wh------!"si Rigel na naudlot ang sasabihin ng putulin ni Andy at lumingkis na naman uli sa kanya. "Sorry na Mommy Regina ang anak niyo po kasi Ayaw ako tantanan atat na po kasi mabigyan kayo ng Apo!" Si Andy na ,nagpasira talaga ng mood niya kung kanina ay sira na pero mas lalo sinira nito. "Excuse me !" Seryoso at walang emosyon na turan ni Rigel hindi na niya hinintay pa magsalita ang mga ito alam niya pambabastos ang ginawa niya pero di niya masikmurain ang mga kasinungalingan ni Andy sa harap pa talaga niya mismo . "D*mn this Woman!" Kastigo niya sa sarili ng makarating siya sa garden ng mansyon . "Who? " Napatingin si Rigel sa nagsalita hindi niya napansin na may tao pala . "A-lyanna?" "Long time no see bab--- imean Rigel!" Masayang bati ng dalaga. "What are you doing here?" Usisa ni Rigel. "Visiting you?" Kumunot ang noo ni Rigel sa sinabi ni Alyana napangisi ang dalaga sa nakikitang reksyon sa mukha ni Rigel. "Im just kidding! Narito ako para kay Xavi not for you! Ang swerte mo naman kung ikaw pinunta ko !" Biro ng dalaga. Alyanna is Rigel highschool Ex, masyado pa sila bata that time kaya yung relationship nila parang puppy Love lang nagmahalan sila pero di rin nagtagal dahil hindi nagwork ang dalawang taon nilang pag iibigan,ok naman ang break up nila marami ang nanghihinayang marami rin ang nagdiwang pero hindi nawala sa kanilang dalawa ang friendship sa isa't isa. "You know everything Alyanna right?" May laman na tanong ni Rigel na kinatango nito . "Yeah!" Sa malungkot na boses ni Alyanna,batid niya ang sitwasyon ng dalawa pero hindi siya mangingielam dahil alam niya malalagpasan ng dalawa ito. "Bakit ba ang hilig mo lagi pumasok sa kumplikadong sitwasyon? Alam mong ikaw lang itong masasaktan?" "Bakit paninindigan mo na ba ako?" Biro nito sa kanya,pilit man daanin nito sa biro alam niya sa mga mata nito na nasasaktan din ito. "Wala eh pagmahal mo talaga susugal ka di mo pa maiintindihan dahil di kapa talaga nagmamahal! Pero pag naranasan mo baka kahit mali gagawin mo alang alang sa pagmamahal ,kaya ikaw huwag ka gagaya sakin ah ,wala eh pag ang puso tumibok kahit alam mong mali susugal ka!" Hindi maiwasan ni Alyanna na pumatak ang luha kaya naman kinabig niya ito para aluhin. Siguro nga di niya pa nararanasan pero kung dumating man iyon siguro ganito rin gagawin niya kahit mali gagawin niya at isusugal niya kahit wala kasiguraduhan na maipapanalo niya ito . Si Alyanna na ang kusang kumalas sa pagkakayakap at tumingin sa madilim na kalangitan. "Bakit ba napaka unfair ng Mundo? Minsan ka na nga lang iibig sa Asawa pa ng bestfriend mo? Kahit ako pa yung nauna pero siya naman itong pinakasalan,ang sakit lang Rigel bakit tumibok pa itong puso ko sa taong walang kasiguraduhan kung maipapanalo mo? Bakit ba kailan masaktan bago ka matuto? Hindi ba pwede maging masaya nalang?" Hindi na napigilan ni Alyanna ang luhang kanina pa gusto umalpas . "Siguro nga napaka unfair ng mundo pero ang magagawa lang natin ipaglaban sa tingin mo tama? Pero pag alam mong may masasaktan o mas masasaktan ka mabuting itigil mo nalang? Masakit pero hihilom din iyan ,mas mabuti kung pag isipan mo mabuti bago ka gumawa ng desisyon!" "I Love my bestfriend pero mas mahal ko si Xavi! Pero ayoko sila masaktan pareho pero pano naman ako? HoO bakit napaka kumplikado ng sitwasyon na ito! Bakit kasi ang Bestfriend ko pa? Bakit sa bestfriend ko pa!?" Naawa siya kay Alyanna pero wala siya karapatan para makihimasok sa buhay nito kahit pa kaibigan niya ito,pinahiran ni Rigel ang luha ni Alyanna pero di niya inaasahan ang gagawin ng dalaga ng halikan siya nito sa labi. "A-lyanna? R-igel?" Si Xavi na kararating lang,kumalas si Alyanna habang siya ay naguguluhan sa nangyayari magsasalita pa sana siya upang ipaliwanag sa pinsan ng sapakin nalang siya nito . "T*ng *n* mo! Hindi kapa nakuntento sa asawa mo? Hindi ka ba nahihiya ayan yung asawa mo at sa mismong kaarawan niya pa ikaw gagawa ng kagaguhan?" Galit na asik ni Xavi. "STOP Sav!" Awat ni Alyanna ng akmang susugurin si Rigel,blanko ang mukha na tumingin ito kay Alyanna. "Wala ka parin talaga pagbabago! Bakit ba hindi ako nakinig sa kanila na isa kang babaeng hindi makuntento bakit masarap ba itong pin----!" Di na natuloy ang sasabihin ni Xav ng malakas na dumapo ang kamay ni Alyanna sa mukha nito. Madilim na binalingan nito si Alyanna at walang galit na hinawakan ang dalaga upang kaladkarin ito palabas ng pigilan niya ito. "Subukan mo mangielam dito Rigel baka makalimutan ko magpinsan tayo!?" Seryosong banta nito wala naman siya balak bitawan ang dalaga pero tumingin sa kanya ito ng nakikiusap ang mga mata na hayaan siya nito. Labag man sa damdamin niya ay binitawan niya ito pero bago pa niya bitawan ay nagbanta rin siya sa pinsan. "Sana huwag ka padalos dalos at ng wala ka pagsisihan sa huli ,malaman ko lang sinaktan mo si Alyanna ako ang maglalayo sa kanya sayo!" Banta niya sa pinsan pero ngumisi lang ito . "Pakielam mo ang relasyon niyo mag asawa hindi yung nahihimasok ka sa ibang relasyon!" Si Xav at umalis na ito kasama si Alyanna . Tumayo siya pero sinalubong siya ng Malakas na Sampal ng Asawa niya. "Para yan sa pakikipaghalikan mo sa ex mo! Eto naman para sa pananakit mo sa nararamdaman ko!" Akmang sasampalin pa siya muli ng mahawakan niya ang pulsuan nito. "Ilang beses ko ba sasabihin sayo na wala ako pake kung masaktan yang damdamin mo! Sana itatak mo iyan sa kokote mo!" At pabalya na winaksi ang kamay ni Andy at akmang aalis ng sumigaw ito . "Subukan mo umalis! Talagang magwawala ako dito!?" Banta nito sa kanya pero di siya nagpatinag at umalis na siya,wala siya pake kung magwala ito sa venue . Napaka pangit talaga ng gabi niya ngayon,at talaga wala nang sasama pa nasapak lang naman siya ng pinsan niya at nadamay sa gulo nila ,hindi naman niya masisi ang dalaga na si Alyanna kung siya gamitin nito,pero alam niya nagsisinungaling ang dalaga kilala niya ito kaya alam niya di magagawa nito ang lahat ng binibintang ng pinsan at mga sinasabi ng ibang tao. Sa sobrang pangit ng gabi niya di niya namalayan ang babaeng papatawid ng kalsada kaya sa sobrang taranta nakabig niya ang manubela buti nalang walang ibang sasakyan kung nagkataon mababangga talaga siya pero kinabahan siya ng makitang nakahandusay ang dalaga kaya naman dali dali siya lumabas ng sasakyan upang lapitan ito . Nakakasigurado siya na hindi niya ito nabangga marahil sa sobrang takot ay nahimatay ito ,kaya binuhat niya ito at isinakay sa kotse dadalhin niya ito sa hospital ng kaibigan niya upang doon ipatingin. Pagkarating nila doon inasikaso agad siya ng kaibigan niya sa likod siya pinadaan nito dahil baka may mga makakilala sa kanya at malaki gulo na naman ito pagnagkataon dahil pagpipyesatahan siya ng media panigurado. Inihiga niya ang dalga sa patient bedroom at doon siya natigilan ng makita ang napakaamong mukha nito ,talagang maganda ang dalaga at hindi siya magsisinungaling na nabighag siya sa ganda nito. "Hey bro! Tumabi ka alam kong maganda siya pero kailangan mo tumabe para macheck ko siya!" Biro ng kaibigan,hindi siya umimik at sumunod nalang sa utos nito. "Kamusta siya?" Usisa niya "Sobrang ganda!" Usal ng Kaibigan. "What?" Kunot noo tanong niya rito "Wala sabi ko ok lang nahimatay lang dahil sa sobrang pagod!". "Ok!" Sabi niya at muli napatitig sa mukha ng dalaga . "Tapos kana? Baka matunaw yan !"biro pa nito sa kanya. "Pinagloloko mo ba ako?" "Hindi! Alam mo Rigel kung ako sayo umuwi kana baka may makaalam narito ka at dito pa manggulo mga fans mo sa hospital ko!" Pagtataboy nito sa kanya . "Ah ok pano mauna na ako !ikaw na bahala sa kanya alagaan mo siya bro!" Hindi niya mawari pero nais niya hintayin magising ang dalaga pero kapag ginawa niya iyon baka may makaalam na narito siya sa hospital at may binabantayan na babae paniguradong gulo pag nagkataon. "Huy ano tutunganga ka nalang ba diyan?" Agaw pansin ng kaibigan niya kaya naman napagpasyahan niya umalis na pero muli niya binalingan ng tingin ang dalaga bago lisanin ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD