MISTRESS FOR LEASE
WRITTEN BY; MHAYIE
CHAPTER 3;
Nagising si Zandie na puting kisame ang bumungad sa kanya at ng makita ang swero sa kanyang kamay ay laking pagtataka kung ano ba ang nagyari bakit narito siya ngayon sa silid na ito kaya akmang uupo siya ng may pumigil sa kanya.
"Becareful Miss? Hindi makakabuti kung bigla bigla ka nalang babangon lalo pa't kagigising mo lang!" Payo nito sa malamnos na tinig.
"S-ino ka?" Usisa nito sa lalaking nakaupo sa Sofa ,binaba nito ang binabasang diyaryo.
"Im Doc.Steven!" Pagpapakilala nito,kunot noo naman ito tinignan ni Zandie dahil maraming katanungan ang gumagambala sa kanya isipan.
"Oh By the way tapos na Duty ko kaya ganito ang suot ko kaya hindi na ako naka doctors Gown! " Paliwanag nito na kinatango niya lang.
"P-asensya na Doc pero kailangan kona umuwi dahil wla akong pambayad dito!" Sabi ni Zandie at akmang tatanggalin ang swero ng pigilan ito ni Doc Steven .
"Huwag muna problemahin ang Bill dahil bayad na ang kailangan mo nalang ay magpahinga!" Paliwanag nito.
Napaisip siya kung ano ba ang nagyari at paano siya napadpad dito,ang tangi niya lang natatandaan pauwi na siya galing sa bahay ng pinaglabahan niya at ng pauwi na siya nakaramdam siya ng matinding hilo dala ng pagod at------!?
"Doc kailangan kona umuwi!" Muling usap niya sa Doctor na si Steven ng maalala niya ang Anak na hinabilin sa kaibigan upang maglaba sa bahay ng customer niya .
Muli na naman siya pinigilan ng Doctor pero sa pagkakataon ito ay pumayag na sa nais niya.
"Ok Miss! Kumalma ka lang at tatawagin ko ang Nurse na nakaduty ngayon upang asikasuhin ang paglabas mo!" Paliwanag nito kaya naman sinunod niya ang bilin nito at pinagmasdan ang napakagwapong mukha ng Doctor.
Aaminin niya ngayon lang siya na kakita sa personal na ganitong kagwapong nilalang,magandang pangangatawan at perpektong hubog ng katawan na talaga mapapasana all ka nalang sa kinis ng balat nito at puti---?.
"Are you Done to checking me? " Napaiwas si Zandie ng tingin ng mahuli siya ng Doctor na nakatulala siya kay Steven.
"S-orry!"
"Miss---??"
"Zandie po Doc!" Pagpapakilala niya.
"Zandie alam kong gwapo ako pero huwag mong sabihin nabighani karin sa tulad ko? " Biro nito na kinapula niya.
"You looks so Beautiful when your Blush!" Pag amin nito kaya lalo nag init ang mukha niya.
Matapos maasikaso ang pag labas niya matiyaga na naghintay si Steven sa kanya at nagprisinta pa ito na ihatid siya nung una tumanggi pa si Zandie pero hindi rin ito nanalo kay Steven kaya wala ito nagawa kundi magpahatid ,at isa pa Nahihiya na siya dahil masyado na ito naabala.
"Dito nalang po Doc !"
"Are you Sure? Pwede naman kita ibaba sa mismong iskinita niyo?"
"Naku Doc.Hindi na po masyado na po ako nakakaabala!" Magsasalita pa sana si Doc.Steven ng tumunog ang telephone nito at mukhang emergency kaya naman nagpaalam na si Zandie.
"Maraming Salamat Doc.Steven,mag ingat po kayo !" Paalam niya ngumiti lang ang binata at nagpaalam narin.
"Take care yourself Zandie!" Yumuko si Zandie upang magbigay galang at pasasalamat narin.
Sinundan na lamang niya ng tingin ang papalayo na sasakyan ni Doc Steven at ng tuluyan na mawala ay napagpasyahan niya lakarin na papunta sa bahay ng kaibigan niya.
"Aba! Aba!? Zandie? Uwi ba ng may Anak iyan? Sino kasama mo at saan kayo galing?" Katakot takot na katanungan ang agad na Bungad sa kanya mula sa kaibigan ,malamang ay may chismosa na nagparating agad dito ng balita lalo pa hinatid siya ng gwapong may magarang sasakyan at panigurado siya na naman ang agahan ng mga ito ,kung baga sa niluluto gisang gisa na siya .
"Ano Zandie ? Nag iisip ng iaalibay?" Parang dinaig pa ng kaibigan na si Ella ang isang magulang kung mag usisa.
"Huh? Yun ba si Doc Steven ? Wala yun hinatid lang ako!" Paliwanag ni Zandie.
"Tumpak nga ang Chismiss na Lalaki ang naghatid sayo? Teka meron kabang hindi kinukwento sakin? So ano to lihiman na? Friendship over na ba?" Pagdadrama ng kaibigan nito.
"Ang Oa mo !"
"Oa? Pagkatapos mo ako di patulugin s pag aalala sayo ,yun pala nagpapakasaya ka sa feeling ni Doc?"
"Hui Ella bunganga mo baka may makarinig syo !" Suway ko.
"Asus di kapa nasanay dito sa ating Baryo natin talamak ang Writer dito at rapper!"
"Huh?"
"Writer magaling gumawa ng kwento at rapper si walang katupasan sa chismiss kung minsan may dagdag pa!" Paliwanag ng kaibigan na si Ella.
"Dami mo alam bakla!"
"Hoy Zandie huwag mo ibahin ang usapan ano nga san ba kayo nagpunta ni Doc stefen?" Talagang di siya tinantanan ng kaibigan.
"Steven Ella hindi stefen!" Pagtatama ni Zandie.
"Magkatunog naman ang mahala pareho ang letra ng una at huli ! O siya ano na nga ganap?" Usisa nito
"Wala!"
"Wala? Ano yun magdamag lang kayo nagtitigan?"
"Sa wala naman talaga!" Pagkumbinsi niya sa kaibigan.
"As in wala man lang kiss? Chukchikan ganun? "
"Hoy bakla walang ganun! Paggising ko nasa Hospital na ako eh!?"
"Ano naman ginagawa mo dun? Huwag mo sabihin malaki ang Bambam ni Doc kaya di mo kineri Bakla?.
"Huy hindi bakla! Ang dumi ng utak mo! Ang naalala ko lang ,pauwi na ako at dahil sa matinding pagod hindi kona na malayan ang sasakyan na kasalubong ko muntik na ako masagasaan buti mabilis nakabig ito ng may ari ng sasakyan at sa sobrang takot at pagod nahimatay ako at diko na malaman ang sumunod na pangyayari nagising nalang ako nasa hospital na AKo at nakswero!"paliwanag ni Zandie.
"Ano? May masakit ba sa ito? May sugat na malala kaba natamo? Huwag mo sabihing may taning na buhay mo Bakla? tarantang tanong nito.
"Huy bakla ok ako oh!"
"Si Doc ba ang muntik na makasagasa sayo?" Usisa na naman nito.
"Diko alam ang natatandaan ko sabi ni Doc kaibigan nito ang nagsugod sakin sa hospital ni Steven!" Paliwanag ko
"Gwapo ba?"
"Ewan ko? Paggising ko wala na ito sa silid ko tanging si Doc Steven lang nakita ko pagmulat ko!?".
"Di mo tinanong kay Doc ano pangalan?"
"Hindi eh nalimutan ko!?"
"Ano ba yan baka gwapo rin ,basta gwapo ang tropa asahan mo gwapo lahat magkakaibigan!"akala mo siguradong anas ni Ella.
"HinDi din bakit si Raider ang mga tropa ang chachaka akala mo di pagkakatiwalaan !?" Prangkang usal ni Zandie na kinahalagapak ng tawa ni Ella .
"T*ng *n* bakla kelan kapa naging Joker?" Tawang tawang tanong ni Ella na kinailing lang ni Zandie.
Gwapo at maporma si Raider pero ang mga kaibigan nito parang mga ewan,pero iba ang samahan nila kung pakikipagkaibigan ang panlaban nila ,dahil masyado mapagkawang gawa ang mga ito at mababait pa na marahil na apply ni Raider at naituro sa nga kaibigan.