CHAPTER 4 #MFLnewwork

1672 Words
MISTRESS FOR LEASE WRITTEN BY; MHAYIE CHAPTER 4; #MFLnewwork "Oh Zandie narito ka pala!?" Si Vince na kaibigan namin ni Ella . "Bakit ayaw mo Vince?" Tanong ni Ella kay Vince. "Hindi naman nasupresa lang ako na kumpleto tayo uli!" Si Vince. "Talaga oh? Nagulat ka dahil di mo ako masosolo?" Biro pa ni Ella . "Huwag Assuming Ella di ka naman kagandahan!"pambabara nito kay Ella na kinatanggap ng irap mula kay Ella. Si Vince ay isang manager sa isa sa sikat na Condominiums at matalik namin kaibigan pero dahil busy na ito kaya bihira nalang ito pumunta dito sa lugar namin,mula maging manager ito sa pinagtatrabahuan hindi na ito nakakapunta dito sa baryo namin doon narin kasi ito tumira sa pinagtatrabahuan dahil libre naman lahat at wala sila babayaran ni Singko basta manager o mataas tungkulin mo roon. "Oh ano pinunta mo dito?" Si Ella na naging pangit ang mood . "Dinadalaw kayo pero mukhang di na ako para pumunta sa bahay ni Zandie dahil narito na siya!" "Ah ok pwede kana umuwi!" Dagdag pa ni Ella na bakas ang pagkainis. "Eto naman oh ito paborito mong Bengbeng!" Suhol ni Vince kay Ella . "Di mo ako madadaan diyan! Iba na paborito ko !" "Ah ganun ba? Kelan pa?" Usisa pa nito. "Kanina lang!" Lumapit si Vince kay Ella at kinabig ito upang yakapin,habang ang Ella nagpupumiglas. "Bitawan mo ako monggoloid ka!" "Ayoko sabihin mo muna na Beng Beng parin ang gusto mo!" Pagpilit ni Vince. "Ayoko!" "Isa hahalikan kita diyan!" "Subukan mo nakawin 1st kiss ko maaga ka paglalamayan!" Banta ni Ella "Ok lang at least ako ang 1st Kiss mo!" Dagdag pa ni Vince. "I---sa Vince mapapatay talaga kita!!" Bago pa magkapikunan ang dalawa ay nagpumagitna na siya at inawat ang dalawang nagbabardagulan. "Hoy mahiya kayo sa Anak ko ,may bata!" Saway ni Zandie,tumigil naman ang dalawa at inayos ang sarili. "Kainis talaga ito si Vince !" Si Ella na inaayos ang buhok. "Ikaw kaya nauna!" "Tama na tayo'y kumain nalang para parin kayong dalawa na aso't pusa!". Si Zandie. "Mabuti pa nga sandali kukunin ko lang yung mga pasalubong ko sa inyong dalawa !" Si Vince at lumabas upang kunin ang mga dala. Nagsalo salo ang tatlo sa hapagkainan kasama ang Anak ni Zandie,tuwang tuwa rin ang anak ni Zandie sa mga laruan na dala ni Vince,walang nagbago sa binata kung ano ito noon ganun parin si Vince sa kanila kahit na gumanda na ang buhay nito. "Kamusta Zandie?" Si Vince sa kanya . "Ok naman nakakaya parin tumanggap ng dalawang labahin sa isang Araw!" "Hinay hinay sa pagtatrabaho Zandie ! Ingatan mo ang sarili mo para sa Anak mo!" Payo nito. "Oo ayan Vince pagalitan mo! Kagagaling lang niyan sa Hospital,sa sobrang pagtatrabaho nahimatay!mabuti mabait ang nakakita at hindi siya pinabayaan!" Pagsusumbong ni Ella . "What? Kamusta pakiramdam mo ngayon Zandie?" Nag aalang tanong ni Vince. "Isa kapa Oa magkaibigan nga kayo ni Ella, ok lang ako Vince huwag niyo ako alalahanin!" "Pwede ba yun eh kaibigan ka namin ni Ella!" Si Vince na bakas ang pag aalala sa mukha. "Kailangan ko magkayod sa trabaho wala ako makukuhanan ng pangangailangan namin!" Pag amin ni Zandie. "Kung gusto mo ipasok kita sa trabaho ko? Kung ok lang sayo maging tiga linis ng Room ,hindi naman araw araw mo lilinisin ang bawat room maghihintay lang kayo kung ano ipag uutos sa inyo o kung may nais magpalinis ng silid nila,pero swerte ka kasi yung isang may ari ng unit gusto non ay isang maid lang ang pupunta sa Room niya at magiging permanent na tiga linis ng Room niya, bukod sa kita mo sa amo namin,may kita kapa makukuha sa mismong nagpahanap permanent maid room kung magugustuhan niya ang paglilinis mo?" Alok ni Vince. Wala nang pagdadalawang isip pa si Zandie agad agad na tinaggap niya ito sisiw nalang sa kanya ang paglilinis ng bahay sanay na siya sa gawaing bahay kung ang tambak tambak na labahin ay napagtiisin niya kahit pa sa maliit na halaga ito pa kayang Alok ni Vince. "Sige ok ako riyan kaso wala ako pag iiwanan kay Monic!" Pag amin ni Zandie kay Vince "Hoy bakla ano tingin mo sakin hangin? Ako pwede ko alagaan si Monic saka sanay na ako sa anak mong iyan kaya huwag mo siya alalahanin,narito ako habang wala pa ako trabaho ako muna mag aalaga sa kanya!" Presinta ni Ella . Naiiyak siya dahil sa dalawang kaibigan niya hindi niya sukat akalain na may dalawa siyang kaibigan na handang tulungan siya . "So ok naba? " Si Vince "Oo G yan si Bakla diba Zandie ?huwag ka nga umiyak diyan ang pangit mo pa naman umiyak Bakla" Si Ella na kinatango ni Zandie. "Ok pwede kana mag Start bukas din!" "Huh? Agad Agad?" Takang turan ni Zandie. "Oo ayaw kasi ng magiging Boss mo ang pabagal bagal ! Medyo masungit pero keri mo yan isipin mo nalang malaking halaga ang kikitain mo para makapag ipon ka para sa inyong dalawa ni Monic!" Turan ni Vince . "Oh siya tama na ang drama magsikain na tayo! Kanina pa ako gutom!" Agaw pansin no Ella . "Wow Ella gutom ka parin? Eh halos buto nalang ng manok iyan nasa pinggan mo! " Kantyaw ni Vince na kanina pa pala napupuna ang paglamon ni Ella kaya nakatanggap si Vince ng irap kay ella. "Ang epal mo talaga Vincesot!" "Nagsalita si Ellatot!" "Zandeng hindi mo ba ako ipagtatanggol kay Vincesot?" .parang batang naghahanap ng kakampi si Ella,napailing nalang si Zandi sa pagtawag ni Ella na n Zandeng sa kanya at sa pagtatalo ng dalawa . Matapos nila kumain nagtungo si Zandie at ang Anak niyang si Monic sa silid ni Ella upang patulugin ang Anak na inaantok na,mabilis nakatulog si Monic kaya ng masigurado niya ok na ito at maayos ang tinutulugan ay lumabas na siya upang sumunod sa dalawang si Ella at Vince na nag iinom na. Nagbigay ng Space si Vince para sa kanya kaya naman doon siya naupo sa tabi nito,marami sila napagkwentuhan about sa past at hanggang ngayon,nakikinig lang siya dahil ano naman ba ang maari niya ikwento eh wala naman nagbago sa mahirap na buhay niya. "Ikaw Zandie kelan mo ba balak maghanap ng katuwang?" Tanong ni Vince,ngayon ay napunta sa kanya ang Topic. "Kailangan ko ba talaga maghanap ng katuwang? Baka naman kasi sakit lang sa ulo at dagdag alalahanin mas ok na ako na kame lang ni Monic !?" "Hui Bakla ibuburo mo nalang ba yan? Ayaw mo Mabambam? "Tanong ni Ella. "Bunganga mo Ella,hindi siya maghahanap ng katuwang ng dahil lang sa BamBam na sinasabi mo,ang tinutukoy ko yung tutulong sa kanya upang makaahon sa hirap!" Saway ni Vince. "Bakit di nalang kayo!?" Suhestiyon ni Ella. "Kame?" Panabay ni Vince at Zandie. "Ay hindi Tayo ! Tayong Tatlo!,jusme malamang kayong dalawa single naman kayo pareho saka kilala niyo isa't isa so kayo nalang!" Parang tangang sabi ni Ella. "Sira gutom lang yan ! Oh eto kumain kapa!" At sinupalan ni Vince ng pulutan si Ella . "Bastos kang----!?" "Bastos nakahubad special nakatuwad! Kumain ka nalang Ella wala kang magandang naidudulot!" Muli na naman bangayan ng dalawa. "Ang Torpe mo Vince bahala ka sa buhay mo!" Si Ella na ngayon abala na sa pulutang inihaw na manok. Lingid sa kaalaman ng lahat si Vince ay humahanga kay Zandie pero mas pinili nila maging magkaibigan,at isantabi ang nararamdaman ,mahal ni Zandie si Vince ngunit bilang kaibigan lang at walang malisya habang si Vince naman at humahanga sa ganda at diskarte sa buhay si Zandie. Kung nauutusan lang ang puso why not mabait at mapagmahal si Vince,pero hindi talaga mahagilap ni Zandie si Vince sa puso niya has a Lover. Buong gabi sinulit nila ang bonding at muling pagsasama sama nila,sa sobrang saya nila hindi na nila namalayan ang oras at inabot na sila ng madaling Araw,si Ella bagsak na sa sofa habang si Vince at Zandie ay pinagmamasdan ang natutulog na kaibigan. "Kung nanligaw ba ako sayo noon may pag asa ba?" Pagbasag sa katahimikan nilang dalawa. "Sira! Lasing kana no?!" Tugon niya kay Vince at akmang hahampasin sa braso ng hulihin nito ang kamay niya. "Seryoso ako Zandie!" Natigilan siya dahil wala siya mahagilap sa mga mata ni Vince na nagbibiro ito,dala ng kalasingan kaya siguro ito nagkaroon ng lakas ng loob . "E-wan ko V-ince!?" Pag amin niya . "Ok lang kung yan ang nararamdaman mo,ang mahalaga ok ka at masaya sa nais mong piliin!" Dagdag pa nito,naiilang na siya sa inaakto ni Vince kaya naman binawi na niya ang kamay at umiwas ng tingin. Nagpalipas pa sila ng ilang oras at ilang saglit pa tumayo si Vince at nilapitan si Ella upang buhatin ito at ilipat sa kama upang maging kumportable sa pagtulog ang kaibigan nilang si Ella,siya naman ay nililigpit ang pinag inuman nila. Abala siya sa pagliligpit ng di niya namalayan nasa likod niya si Vince kaya ng pumihit siya paharap si Vince ang nabungaran niya sa gulat muntik na siya matumba na mabilis naman nahapit siya sa bewang ni Vince. Nagkatitigan silang dalawa napansin niya pa ang panay angat baba ng adams apple ni Vince at akmang hahalikan siya ng umiwas siya kaya naging awkward ang pangyayari at dahan dahan siya kumalas sa pagkakahapit sa kanya. "I-m s-orry!" Paghingi ng latawad ni Vince. "Ok lang di mo naman sinasadya alam kong pareho tayo nakainom,kaya ok lang wala malisya!".tugon niya. "Goodnight!" Tanging usal nalang ni Vince sa kanya kaya naman tumango siya at nag goodnight din. "Goodnight! Pano Vince ok kana ba diyan sa Sofa? Pasok na ako sa loob bye!" Paalam niya sa binata na kinatango naman ni Vince. Mabait at maalalahanin ai Vince pero hindi niya talaga maibigay o masuklian ang pag ibig na nais nito tanging pagmamahal ng isang kaibigan lang ang makakaya niya ibigay sa binata at isa pa ayaw niya ipaako ang anak sa iba kaya hindi niya rin matugunan ang pagmamahal nito o bigyan pansin man lang dahil mas focus siya kay Monic na Anak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD