MISTRESS FOR LEASE
WRITTEN BY; MHAYIE
CHAPTER 5;
#MFL1stday
Buti nalang panggabi ang Duty niya ngayon may time siya para asikasuhin ang Anak,at maari parin siya tumanggap ng labahin sa umaga pagkatapos sa gabi naman ay papasok siya bilang tigalinis sa Condominiums na pinagtatrabahuan ni Vince.
Hindi na siya nahirapan pumasok ,dahil sa kagagawan ni Vince eto narin gumawa ng paraan para makapasok agad siya ,hindi na nga siya pinagpasa ng Resume dahil siya naman daw ang manager at siya nalang daw ang gagawa kung kaya ibinigay nalang ni Zandie ang mga information niya sa kaibigan.
Maaga siya nagpunta 6pm ang pasok niya pero pumasok siya ng 5pm upang hindi malate,si Ella ang nag alaga sa Anak niya gaya ng pinangako nito sa kanya na ito muna ang mag-aalagaan sa anak niya.
Pagpasok niya sa mismong entrance ng building sinalubong agad siya ni Vince upang samahan sa staffroom at sabhin ang dapat niya gawin .
Pinag aralan niya mabuti upang hindi siya matanggal , sa unang paglilinis niya ay nagampanan naman niya ito, sinunod lang niya ang bilin ng Kaibigan at dahil nga siya ang kinuha ni Vince na personal na tiga Linis ng isa sa V.I.P Room ay binilinan siya ni Vince kung ano lang ang dapat gawin hindi dapat gawin dahil ayaw ng mismong may Ari ng room na may gagalaw sa gamit nito o nagbabago ang posisyon ng mga gamit nito.
Pagkapasok niya sa V.I.P Room 01 talaga naman humanga siya as in mapapa (*0*) wow talaga siya sa laki at ganda ng silid na ito,hindi basta silid lang kung tutuusin para na itong bahay sa laki. Kaya siguro napakamahal sa V.I.P Room dahil hindi ito basta basta unit lang.
Inuna niya nilinis ang silid nito pinalitan niya ang kobrekama at mga punda pati narin ang mga kurtina ,nakakapagod sa unang araw ng pasok niya dahil di niya akalain na napakalaki pala ng silid ng mga V.I.P napapaisip nga siya kung boring ang buhay ng mga ito kasi solo lang pero nakapalawak ng silid wala pang kabuhay buhay ang design oo maganda pero di mo mahagilap ang saya sa loob ng silid na para bang hindi masayang tao ang nakatira rito!.
Ng matapos niya palitan ang dapat palitan at punasan ang mga dapat punasan nagtungo na siya sa banyo upang ito ang huling linisin.
Inabot siya ng dalawang oras sa paglilinis at masasabi niya talaga na nakakapagod bukod sa nag aadjust ang katawan niya , pero di siya susuko sa hamon ng buhay .
Sinugurado niya malinis ang lahat at nailock niya ng maayos ang silid nito,bumalik siya sa Staffroom ng pagod at gutom.
"Mukhang napagod ka!?" Biglang sulpot ni Vince at inabot ang isang lalagyan ng may laman na pagkain, nagpasalamat naman siya kay Vince...
Sabay silang kumain nito at nagtanong pa siya tunggkol sa rules and regulations ng pinagtatrabahuan niya,ok naman sa kanya dahil sanay na naman siya magbanat ng buto pero iba parin pala pag nagtrabaho ka sa magagarang lugar lalo pa't paglalaba lang ang pangunahin niyang trabaho at wala pa siya karanasan sa mga ganitong klaseng trabaho at isa pa malaki ang sahod kung para sa 500 -800 na labahin niya.
"Ako na ang maghahatid sayo mamaya for sure pagod ka sa unang araw mo sa trabaho at baka maulit na naman yung sinasabi ni Ella na kamuntikan kana masagasaan kaya naman sa ayaw sa gusto mo ihahatid kita!"turan ni Vince hindi na siya nakaangal pa dahil kilala niya ang kaibigan kung ano gusto nito ay walang makakapigil .
Matapos ang Duty niya ,isinama siya ni Vince sa unit nito nung una nagdadalawang isip siya pumasok sa silid nito dahil kabago bago niya palang ay baka ano na isipin ng mga ibang Staff dito pero pinaliwanag na ni Vince sa kanya na sinabi nito sa mga Staff na kababata siya ni Vince at huwag bigyan ng malisya ang pagiging Close nila o kahit ang pagtuloy niya sa silid nito.
Pero may parte parin sa isipan ni Zandie na di siya panatag dahil maari sa harap ni Vince sang ayon ang mga Staf pero pagnakatalikod malamang kung ano ano na ang mga iniisip nito lalo pa't,baguhan palang siya at balita niya na hindi ito ganito sa mga katrabaho kasi ang image nito pagdating sa iba ay masungit, ruthless at strikto kaya hindi mawaglit sa isip niya na pag isipan ang pagiging magkaibigan nilang dalawa ng ibang tao .
"Hey kanina kapa tahimik diyan!" Puna ni Vince sa kanya,kaya napatingin siya sa binata .
Nasa likod siya ni Vince na abala na binubuksan ang pinto nito.
"Wala napagod lang ako!" Pagdadahilan niya.
"Ok saglit lang magpapalit lang ako sa loob kana maghintay!"
"Hindi na dito nala----!?"
"Wala akong gagawin na masama sayo Zandie! Hindi ko ipagpapalit ang panandalian na tawag ng laman sa matagal na natin pagkakaibigan!" Biro nito pero alam niyang may laman.
"Hindi naman sa ganun! Ayoko ko lang umiba ang tingin nila sayo!"
"I don't care! Mas mahalaga sakin ang Friendship kesa sa mga sasabhin nila kaya pumasok kana sa loob para makapagpahinga!" At wala na nagawa si Zandie ng hatakin na siya papasok ni Vince.
Napahanga siya sa Silid ni Vince napakaganda at napakaayos,napakalaki na talaga ang narating ng kaibigan nilang si Vince dahil kung noon nangungupahan lang ito ngayon ay nakatira na sa magara at mamahalin na unit sa lugar nila .
Batid niya na nakilala nila si Vince na ulila na at walang pamilya,pero di iyon naging hadlang naging instrumento ng kaibigan ang pagiging ulila at kahirapan upang itaguyod ang sarili kaya naman ngayon ay pinagmamalaki nilang dalawa ni Ella ang kaibigan na si Vince sa natamo nitong tagumpay sa buhay.
Hindi namalayan ni Zandie sa sobrang pagod nakaidlip na siya sa kakahintay kay Vince,kaya ng nagmulat siya hinagilap niya ang kaibigan pero wala rebulto ni Vince siya nakita,kaya naman ninais niya lumabas upang hanapin ang kaibigan upang magpaalam na .
Nakita ni Zandie ang rebulto ng isang lalaki na naglalakad at sa tantya niya na makakasalubong niya ito ,kung susuriin mayaman ang lalaking makakasalubong niya kaya sa sobrang hiya yumuko siya at pinahiran ang mga mata baka kasi may namuong muta o ano nakakahiya naman pag nagkataon at nahihiya din siya sa suot niya na pansinin talaga kung itatabi sa mga magagarang kasuotan at masasabi niya nagmumukha siyang dukha o pulubi nakakapanliit ang tulad nilang mayayaman para kay Zandie.
Sino nga ba siya para tapunan ng tingin nito .
Nakayuko lang siya na naglakad at para bang may kung ano siya naramdaman ng nagtapat sila kaya natigilan siya habang ang lalaki ay tuloy tuloy lang sa paglalakad,di niya mawari pero bigla siyang sininok , kasunod nun ang pagkabog ng dibdib niya kaya napahawak siya sa dibdib niya na sakto naman dating ni Vince .
"What happen?" Nag aalalang tanong nito ng makita ang paghimas niya sa dibdib niya,ilang saglit pa ay nawala narin .
"Ok lang ako !" Tanging sambit niya sa kaibigan,hindi niya alam pero parang may sariling pag iisip katawan niya dahil nilingon niya ang lalaki na kanina nakasalubong niya pero wala na ito ,para naman nahabag ang damdamin niya ng di ito nakita.
Inalalayan siya ni Vince kahit pa sabihin niya na ok lang siya,bumalik sila sa silid nito at inihain ang mga pagkain na binili nito sa labas .
Hindi parin mawaglit sa isipan ni Zandie kung bakit ganun ang naramdaman niya ng magtapat sila ng binatang nakasalubong niya,pero napaisip siya na baka nagkataon lang iyon kanina.