CHAPTER 6 #MFLstrangefeeling

1349 Words
MISTRESS FOR LEASE WRITTEN BY; MHAYIE CHAPTER 6; # MFLstrangefeeling Halos isang linggo narin ako hindi ginugulo ni Andy ,hindi sa nalulungkot kundi nagtataka lang ako at ano kaya ang nakain ng babaeng iyon hindi ito sumusugod sa opisina ko ,mukhang maganda ang naidulot ang nagawa ni Alyanna noong gabing nagkita kame nasapak man ako atleast natahimik buhay ko kahit isang linggo lang. Pero natigilan si Rigel ng maalala ang gabing muntik na niya masagasaan ang dalaga noong papauwi na siya,simula ng masilayan niya ang mukha nito hindi na mawaglit sa kanyang isipan para bang ang tagal na nila magkakilala,pero hindi niya matandaan saan at kailan. "Sir!?" Bungad ng secretary niyang si Gwen,tinignan niya lamang ito kaya naman yumuko ito at nagsalita. "S-ir may Dinner meeting po kayo kay Mr.Simon mamaya!" "PakiCancel ang lahat ng appointment ko!" Utos ni Rigel. "P-ero S-ir nakakailang reschedule na po tayo kay Mr.Simon!" Katwiran ni Gwen. "Ok ikaw ang makipag meeting !" "P-o?" "Secretary kita kaya pwedeng ikaw ang makipag meeting sa kanya!" Turan ni Rigel. "But---!?" "No more but kung ayaw niya edi huwag basta ikaw ang inatasan ko kaya huwag mo ako bibiguin!"utos ni Rigel kaya wala na nagawa pa ang Secretary nito. Nagpalipas pa ng ilang oras si Rigel sa kanya opisina saka nito naisipan umuwi na ng Condo niya,tanging siya nalang ang natira sa opisina at ang guard na mismong nakaduty sa gabi. "Good evening Sir! Ginagabi po tayo ng uwi?" Bati ng Guard na si Tino,tinapunan lang ito ng Tingin ni Rigel kaya napakamot nalang sa batok si mang Tino. Sumakay si Rigel sa kanyang sasakyan at binuhay ang makina upang paandarin paalis ng building ang kanyang sasakyan ,mas gustong gusto niyang uuwi ng Condo niya bukod sa solo lang siya , nakakapagpahinga siya ng payapa . May sarili siyang parking Lot dahil kapatid niya ang may ari ng Condong tinitirhan niya at siya lang din ang may pinakamalaking Room sa lahat pero di gaya ng iniisip niyo na swerte, dahil kahit kapatid niya ito ,napakalaki ng halagang sinisingil sa kanya ng kanyang kapatid bayad sa upa ,wala naman siya reklamo roon pero madalas manutil ang kapatid niya minsan ay iiwan niya ang kanyang Ref na puno ng laman pero uuwi siya ng bawas ang laman ng Ref niya . Minsan napapaisip siya kung ano ba ginagawa nito sa pera dahil daig pa nito ang may palamunin sa bahay,sa laki ng negosyo at dami ng pera bakit nagagawa parin nito pakielaman ang kanyang unit lalo ang Ref at mga Stock niyang pagkain. Daig pa kasi ng kapatid niya ang may Bahay ampunan at may pa feeding program sa dami ng kinukuha sa Refrigerator niya. Lulan siya ng elevator na tanging pang Exclusive lang ang pwede sumakay,bukod ang elevator nila mga V.i.P sa ibang nangungupahan sa unit ng kapatid niya di biro ang binabayad ng V.I.P kaya naman ibang iba ang trato sa kanila ng mga Staff sa Condo ng kapatid niya. Pagbukas ng Elevator ay naisipan niya maglakad lakad muna ,nais niya rin puntahan ang kaibigan na mas gusto mamalagi sa unit kasama ang ibang Staff dito sa 3rd Floor at ginagawa na lamang na bathroom ang room sa V.I.P room 3. Nabalitaan niya kasi na pinopormahan nito ang Secretary ng kapatid niya,at ang lokong kaibigan na si Sean ay nahumaling sa dalaga. Di niya rin masisi ang kaibigang si Sean dahil tunay na maganda at mabait si Gwen kaya labis ang pagkahumaling nalang ng kaibigan niya sa dalaga. Ang ibang matataas ang tungkulin sa trabaho at kasama na roon ang secretary ng kapatid niya ay libre ang upa sa unit at libre din sa lahat ,kaya naman ginagampanan ng maayos ang mga staff ng kapatid ang mga tungkulin na naka Assign sa kanila at alam mo rin tapat ito sa Amo. Sa lalim ng iniisip ni Rigel hindi namalayan nito ang babaeng makakasalubong pero ganun nalang ang pagkabog ng dibdib niya ng magpantay sila,akala niya kung ano lang kaya nagtuloy-tuloy siya sa paglalakad , pero ng maaninagan niya ang dalaga parang pamilyar ito sa kanya at ang pamilyar na pakiramdam ay noong masilayan niya ang mukha ng dalagang idinala niya sa hospital ni Steven. Kaya naman dali dali siya bumalik pero bigo siya na makita muli ang babae,para siyang tanga kung tutuusin hindi naman kasi siya ganito at never pa siya nagkainterest sa ibang babae,maliban sa babaeng matagal na niya hinihintay at hinahanap. Pabalya siya humiga sa kama dahil sa hindi niya nahabol ang dalaga at isa pa ang kaibigan niya na hindi niya mahagilap kung nasaan na . Pumikit siya upang pahupain ang inis at bahagya niya hinilot ang sintido niya,kahit papaano naibsan konti ang pagkayamot niya sa sarili,naisipan ni Rigel na maligo isang oras ang minalagi niya sa banyo bago naisipan lumabas upang magbihis. Pagbukas ni Rigel ng damitan niya naagaw ang atensyon niya sa maliit na box isa itong Antique na Box ,binuksan niya ito at pinagmasdan ang dalawang tao sa larawan na masayang magkasama ,muli na naman nadag-dagan ang inis sa kanyang sarili dahil ilan taon na ang nakakalipas hindi niya parin matunton ito at sino ba ang mga magulang nito. Malalim na napabuntong hininga siya upang tanggalin ang pangungulilang nararamdaman niya rito. ********** Lumpias ang pitong araw paulit ulit lang ang nagyayari sa kanya papasok ng umaga sa trabaho at uuwi ng gabi,na kahit siya nauumay narin. Ngunit iba nalang ang naging awra ni Rigel na mapuna nito na nakalagay na ang nga damut na pinalaundry niya kanina ,isa pa naman sa ayaw niya ang pinapakelaman ang Cabinet niya isa sa mga bilin niya sa naglalaundry na huwag ilagay sa damitan niya at iwanan nalang malapit sa cabinet at siya na ang maglalagay sa tamang lagayan pero ngayon pinakelaman ang utos niya. Mabilis na tinawagan niya ang isa sa manager ng building at galit na tinanong kung sino ang sumaway sa utos at habilin niya,hindi naman baguhan ang naglalaundry kaya may ideya na siya kung sino kaya naman tinawagan niya si Vince upang ,ipatanggal ang nahanap nito na personal maid niya wala siya pake kung bago palang ay matatanggal na agad hindi niya kasalanan kung nakaligtaan nito ang isa sa mahalagang rules niya. Pabalibag na hinagis ni Rigel ang kanyang cellphone sa kama,dahil sa inis na nararamdaman ,nagtungo nalang siya sa banyo upang maligo dahil may usapan sila magkakaibigan na nagkikita sa dating Bar na lagi nila pinupuntahan mag get together ang magtotropa muli . Habang abala si Rigel sa paliligo hindi niya napuna na hindi pala nito naisarado ng maigi ang kanyang silid kung kaya malaya nakapasok ang taong desidido siya makausap. Nakarinig si Rigel ng paglaglag ng gamit kaya mabilis ang kilos na hinablot niya ang tuwalya at pinulupot sa pang ibaba niya ,seryoso ang mukha na lumabas ito ng banyo . "Mali ka nang taong binangga !" Kastigo niya sa kanyang isipan,kinuha niya ang nakatagong baril sa kanyang banyo. Handa si Rigel sa mga ganitong kaganapan kaya lahat ng sulok ng bahay niya ay may Hidden gun na nakatago at siya lang tangi ang nakakaalam . Kunot noo si Rigel ng makita ang babaeng nakatalikod sa kanya at tangka na tatakas palabas ng silid niya ng mabilis niya ito pinigilan. "Try to move ! Isang hakbang pa sa ulo mo tatama ang bala ng baril ko!" Banta ni Rigel sa Malamig na tinig,wala siyang pake kung babae pa nasa harapan niya dahil lagi niya iniisip na wala siya pake kung babae o lalaki pa yang makakasangga niya ang mahalaga ay pagbayaran nito ang kapangahasan na pagpasok nito sa kanyang silid . "H-uwag po wala p-o a-ko gagawin na masama Sir!" Pakiusap nito di man niya makita ang mukha nito pero alam niya natatakot ito dahil bakas sa tono ng pananalita palang. Malalaki ang hakbang na nilapitan niya ang dalaga ay walang habas na hinawakan ni Rigel ang braso nito upang iharap sa kanya . Natigilan siya ng makita ang mukha nito pero ng makita ang takot sa mga mata ng dalaga kasabay ang pagpatak ng luha sa mga mata ng dalaga ,ay nakaramdam siya ng galit sa kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD