Kabanata 1

1775 Words
Kabanata 1 A YEAR later. "DOC SIR gising ka na." sigaw ko sa aking poging boss. Saka kinatok ang pinto ng silid nito. Ang bilis ng panahon. Salamat sa mabait na si Dok Henry. Maayos ang buhay ko kahit ulila na ako. Well, ampon/maid niya ako dahil ako naman ang nagpresenta ng ganung set-up. Kasi naman nakakahiya kong pag-aaralin niya ako ng libre tapos libre kain at bahay pa. Turo ng magulang ko huwag maging pabigat sa iba. At laging magsumikap. Kaya 'yon ang ginagwa ko lagi. "Dok Sir," muli kong tawag sa kanya saka kinatok ang pinto. "Sabi niya gisingin ko siya eh." kausap ko sa pinto saka namaywang. "Malelate ka na." muling sigaw ko saka itinulak ang pinto ng hindi pa rin ito sumagot. Siguradong ako ang sesermunan ni Dok Roland kapag hindi siya nakapasok nang maaga ngayon. Ewan, pero si Dok Henry ata ang pinakatamad na doctor na nakilala ko. Well hindi naman siya dating ganun. Napapailing na lang ako sa naisip ko. Saka bumuntong hininga at maingat akong pumasok sa silid. Kaagad na noot sa ilong ko ang mabangong amoy sa loob ng silid ni Dok Henry. Nagawa kong ngumiti ng makita ko siyang nakahiga padapa sa kama. May bote ng alak sa sahig na ikinapalis ng ngiti ko. "Dok Sir, hindi ka na naman nakatulog kagabi. Doctor ka pero hindi mo ata alam na masama sa kalusugan ang alak." ani ko kahit hindi ako sigurado kong naririnig niya ako. Saka ko pinulot ang bote ng alak sa sahig. Ewan ko kung bakit may mga pagkakataong parang nahihirapan si Dok Henry na matulog sa gabi. "Dok Sir, gising na. Pagagalitan na naman ako ng Papa mo nito eh." maktol kong saad saka ko hinila ang kumot niya. " Ay p*wet." tili ko nang tumambad sa aking inosenting paningin ang burlis na likod ni Dok Henry. Tatalikod na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko. Nagrigudon ang pintig ng aking pulso dahil doon. "Didn't I tell you not to come into my room." inaantok na usal ng malalim nitong tinig. Saka ako hinila para mapaupo ako sa gilid ng kanyang kama. Sunod-sunod na paglunok ang ginawa ko dahil doon. Grabe ang kinis ng pang-upo ni Dok Sir kasi. Dama ko ang pag-init ng aking mukha kaya't nag-iwas ako ng tingin ng tumihaya siya. "Bakit ka naman kasi nagbuburlis, Dok." ani kong hindi man lang nautal. Pakiramdam ko madalas gusto lang niya akong akitin kapag ganito. Wala pa rin kasi itong ideya na mula nang una ko siyang makita nahulog na kaagad ang murang damdamin ko kay Dok. Pero dahil alam ko namang isa siyang lalaking malabo kong pangarapin kaya nagkasya na lang ako sa mga pantasya ko sa kanya. "Sa susunod na pumasok ka pa ulit sa kuwarto ko magsisisi ka Hannah." dama kong nakatitig sa akin si Dok Sir dahil nag-iinit ang batok ko. Pero never talaga akong lilingon, baka kung ano pang makita ko na gusto kong makita. I pressed my lips hard para hindi ako mapangiti sa tinatakbo ng utak ko. Then I heard him sighed. Saka gumalaw ang malambot nitong kama patunay na bumangon na ito. "Sabi mo kasi gisingin kita eh," paliwanag ko. "Magbihis ka na Dok, may meeting ka daw sa hospital sabi ng assistant ng Daddy mo." ani ko. "Saka diba, hindi ka dapat ka umiinum ng alak?" dagdag ko na tumayo na. "Asawa ba kita?" he murmured. "Puwede kaya?" lihim na sagot ng utak ko. "Boss kita, Dok Sir pero kailangan kong sundin ang utos ng ama n'yo. Ako kasi ang pinagagalitan niya. Eh hindi ka naman nakikinig sa akin." lintaya ko. Muntik na akong mapatili ng bigla tumayo sa harap ko si Dok Henry kaya mabilis kong tinakpan ng aking mata. "Anong ginagawa mo?" seryosong tanong nito. "Ayaw kong makakita ng ano, no?" pikit matang sagot ko. It was a lie. Hindi na ako bata. Pero kasi naman kasalanan 'yon. Hindi ko naman siya asawa. "My v*rgin eyes." Ewan ko kong bakit pero madalas kong naririnig kay Doc Henry ang ganung mga salita. "Bakit asawa ba kita?" at sa tuwing sasabihin niya 'yon lagi akong lihim na kinikilig. "Tumayo ka na d'yan." anito, ramdam ko ang paghakbang niya palayo sa akin. Kaya dahan dahan akong nag-alis ng takip ng aking mga mata. Para lang makita ang malapad nitong likod at dark blue na boxer nito ng magbaba ako ng tingin. I can't help but smile. Likod pa lang ulam na. "Nakabili ka na nang gamit mo sa school." tanong nito ng palabas na ako ng kuwarto ni Dok Henry. "Hindi pa, sa weekend na lang, sabay daw kami ng kaibigan ko." sagot kong hawak ang door knob. "Sinong kaibigan 'yong lalaking naghatid sa'yo noong isang araw?" umalsa ang boses nito kaya napalingon ako sa kanya. Mahigpit kasi si Dok Henry pagdating sa pag-aaral ko. Talo pa niya ang tita ko. Bawal magboyfriend hanggang hindi pa ako nakakatapos ng pag-aaral. Okay naman siya minsan, pero madalas masungit siya sa akin, sa di ko malamang dahilan. Naisip ko na lang na moody lang talaga si Doc Sir kaya ganun siya. Sabi naman ni Dok Roland unawain ko na lang daw. Dahil may pinagdadaanan daw si Dok Henry. Hindi man niya nasabi sa akin kung ano ang problema ni Dok Sir. Kaya nag-aalala talaga ako kapag malungkot siya. Pero naiinis rin naman ako kapag ganitong masungit na naman siya. "Si Chelsea, iyong kaibigan ko." sagot kong hindi ko itinago ang pagkaasar. "Eh sino 'yong bagitong naghatid sa'yo noong nakaraan?" usig nito sa matigas na tinig. Guwapo si Dok Henry iyong mukhang masarap titigan habang tumatagal. Pero nakaka-inis sa pagiging judgemental. "Si Ryan ba? Classmate ko siya, may dadaanan din daw kasi siya dito sa subdibisyon kaya sumabay na ako." paliwanag ko na lang. Gusto kong isipin na nagseselos siya kapag nakikita niya akong may kasama o kausap na lalaki. Feelingera lang ako. Alam ko naman gusto lang niyang tuparin ang pangako niya sa Tita ko na makapagtapos ako ang pag-aaral. "Sinabi ko na---" "Oo na po," sansala ko. "hindi mo na ako pag-aaralin kapag nagboyfriend ako. Huwag kang mag-alala Dok Sir, sisiguruhin kong 'yong magiging boyfriend ko, iyong mas mayaman sa'yo para mapag-aaral niya pa rin ako." nakangiti kong sagot saka ko siya tinalikuran. "Hannah!." dinig ko ang malakas niyang sigaw. I just rolled my eyes and laugh. Oo crush ko si Doc Henry pero alam ko naman imposibling magkagusto ang isang tulad niya sa isang tulad ko, kaya iyong feelings ko sa kanya plano kong itago na lang sa pinakatagong bahagi ng puso ko. Dahil 'yon ang dapat. Pero ang hirap naman, kasi naman kapag galit siya ang makulit kong kukute pinagigiitang nagseselos lang ito. "Hannah come back here!" muling tawag niya pero tuloy-tuloy na ako patungo sa kusina. Itinabi ko ang walang lamang bote ng alak. Saka sinumulang kong maghain ng almusal namin. Maid niya ako pero sabay kaming kumakain. Kaya sanay na ako sa pagsigaw ni Doc Henry kaya hinahayaan ko na lang. Thirty na kasi siya kaya malamang madaling uminit ang ulo niya. "Ako ang sasama sa'yo pagbili ng gamit mo sa school." anito ng makarating sa kusina. Naka white t-shirt na ito at maong na khaki short. Mukhang nahimasmasan na sa inis sa akin. Ganun naman siya sa akin eh. "Okay." sagot ko saka ko inilagay ang plato sa kanyang harapan. Nagsalin na rin ako ng tubig sa baso niya saka ko tinimpla ang black coffee na paborito ni Dok. Saka ako naupo sa tapat niya. "Dito ka ba magla-lunch mamaya Dok Sir?" "Hindi na sigugo. Pero dadaanan kita nang hapon para makabili tayo ng gamit mo." "Kaya ko naman na kasi 'yon saka hindi na ako maliligaw no." kibit balikat kong saad na ikina-iling nito. "Wala rin naman akong gagawin sa hospital pagkatapos ng meeting. Nagleave ako ng ilang araw." baliwalang sagot nito. "Tsk..tsk...kung matalino rin siguro ako parang gusto ko na ring maging doctor. Isipin mo, uuwi ka kahit anong oras mo gusto. Puweding pumasok kahit kailan mo gusto." lintaya ko. "Hindi biro ang maging isang doctor, hindi lang puro talino, kailagan may dedekasyon ka rin." anito sabay nag-iwas ng tingin. "Dedicated rin naman ako ah, hindi nga lang ako ganun katalino. Feeling ko mas madaling magkalikot ng mga computer parts kaysa magpagaling ng taong may sakit. Lalo na utak ng tao pa." "Hannah can we not talk about work." walang ganang saad nito. Bad mood nga siya. Naisip ko. Kapag nasa mood ito, madalas topic nito ang tungkol sa trabaho nito. At madami akong hindi naiintindihan madalas sa sinasabi niya sa akin. "Okay. Ang weird mo talaga lately." di ko mapigilang komento. Kasi naman ramdaman kong parang wala siyang ganang pumasok sa hospital. Dati-dati naman maaga siyang pumapasok. Dahil wala na siyang reaksyon kaya nanahimik na lang rin ako. Kinahapunan ay natangap ko ang tawag ni Ryan. Inaaya niya akong nitong manood ng sine. Isang bagay na alam kong hindi ko puweding gawin. Dahil siguradong magagalit na naman sa akin si Dok Henry. "Naku, pasensya na Ryan. Alam mo namang mahigpit ang amo ko eh." paliwanag ko. "Kung ganun kailan ba ang off mo? Kasama naman natin si Chelsea at Louie. Kaya wala kang dapat ipag-alala. Gusto mo ipagpaalam ka namin?" nakiki-usap nitong saad. "Alam mo namang pinapaaral lang ako ng boss ko kaya hindi ako nagdeday off." totoong saad ko. "Saka hindi rin ako makakasama sa n'yo nila Chelsea na bumili ng gamit sa school. Sasamahan daw ako ng Boss ko." Nagulat ako ng tumawa si Ryan sa kabilang linya. "Alam mo Hannah, 'yang Boss mo hindi makatarungan ang ginagawa n'ya sa'yo. Wala ka nang happenings sa buhay. Bakasyon naman kaya dapat nag-eenjoy ka man lang." "Para lang sa mga taong may pera ang bakasyon. Hindi naman ako tulad n'yo nila Chelsea. Kaya hayaan mo na lang. Salamat na lang sa invite ha. " paumanhin ko sa kanya. "Akala ko wala ka nang planong tapusin 'yan." muntik na akong mapatili sa pagkagulat dala ng baritonong tinig sa aking likuran. "Dok Sir naman!" saway ko sa kanya na napahawak pa ako sa dibdib ko. Ang tindi naman kasi ng gulat ko diba. Hinarap ko siya pero bigla siyang natigilan na napatitig sa akin. Kita kong paglunok niya bago nag-iwas ng tingin. "Magbihis ka na, aalis na tayo." anitong nilampasan na ako. Kaya't napasimangot naman ako. Noon ako naglakad paakyat ng hagdan. At ganun na lang ang gulat ko ng mapatingin ako sa salamin. Basa kasi ng pawis ang damit ko dahil naglinis ako. Kaya bakat ang dibdib ko. Ayaw ko kasing magsout ng bra kapag nasa bahay. "Nakita kaya n'ya?" Kausap ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD