Kabanata 2
SA GLORIETA kami nakarating ni Dol Henry. Sabi niya isasama niya ako para bumili ng gamit ko sa school pero parang ang lumalabas, wala lang isinama lang niya ako. Ito kasi ang namili ng mga gamit na bibihin ko. Computer Science ang course ko sa Immaculate of Mary University. Isang mamahaling private school.
Kaya talagang nagsisipag ako dahil ayaw kong masayang ang ginagastos ni Dok Henry para sa akin. Napanganga pa ako ng magbayad na kami ng supplies ko. Last semester noong ako ang namili hindi pa umabot ng dalawang libo ang nagastos ko. Pero ngayon sampung libo ang inabot dahil kumuha pa siya ng mga libro para sa akin. Kahit naman sinasaway ko na ayaw makinig.
Ganun siguro ang mayayaman galit sa pera.
"Bakit naman bumili pa tayo ng mga books, available na sa internet ang mga kailagan ko eh." di ko matiis na komento ng makarating kami sa kotse niya.
"Mas maganda pa rin kung nagbabasa ka. Reading helps your brain muscles" formal nitong sagot.
"Hindi pa rin practical, pero salamat. Ang dami ko na naman dagdag sa listahan ko." ani ko habang sinisipat ang resibo.
"Kaya ayaw kong ikaw ang bibili ng gamit mo. Tinitipid mo kahit puwede ka namang bumili."
"Hindi naman ako mayaman, Dok Sir. Pero dahil nabili mo na ano pa bang i-rereklamo ko. Dahil d'yan libre kita sa jollybee." aluk ko sa kanyang nakangiti. "Aww..." daing ko ng pitikin niya ang noo ko kaya nasapo ko 'yon.
"Sabi ko sa'yo masama ang mga pagkain sa fast food. Noong isang araw kumain ka sa fastfood hindi ba?" usig nitong ikinasimangot ko. Nakalimutan ko kasing itapon ang balat ng fries na tinake-out ko.
"Iyon naman kasi ang afford ko saka masarap naman eh."
"Still hindi maganda sa kalusugan mo."
"Sus, makasermon ka, ikaw nga panay ang inum mo nang alak lately e. Sige ka kapag naging alcoholic ka manginginig ang kamay mo hindi ka na makakapag-opera." pananakot ko na ikinawala ng ngiti nito.
"Magagawa ko pa ba?" anitong biglang sumeryoso.
"Ha, bakit naman hindi, ikaw pa ba. Ikaw kaya si Dr. Henry Park, ang top notched sa bar exam. Legend ka kaya sa Medical Department ng Immaculate of Mary."
"Pinupuri mo ba ako o inaasar? Legend my foot. Parang ang tanda ko na lalo." gusot ang mukhang saad nito na ikinatawa ko.
Natutuwa talaga ako kapag good mood si Doc Henry. Pero dahil hindi naman ako mananalo sa kanya na ipilit kong sa Jollybee kami kumain. Inaya ko na lang siyang magrocery. Wala na rin kaming stocks na maluluto.
Bibihira ang pagkakataong kasama ko siyang maggrocery, pero sa mga pagkakataong 'yon feel na feel kong asawa niya ako.
"Hannah," anang tinig mula sa aking likuran. Ganun na lang ang ngiti ko ng makita ko si Ryan, may tulak itong grocery cart. "For your period?" nakangiting tanong nito na napatitig sa hawak kong sanitary napkin kaya mabilis kong itinago sa likuran ko. "Buti na lang pumayag akong mautusan ni Mama,"
"Akala ko manonood kayo ng movie?" usisa ko.
"Dapat sana kaso ayaw mo naman kaya baka sina Louie at Chelsea na lang ang lumabas. Marami ka bang dadalhin isasabay na kita, may dala akong kotse at---"
"We have car too." formal na sabat ni Doc Henry na tulak ang cart. "Kaya pala ang tagal mo." sita nito na hindi na nilingon si Ryan.
Mukhang galit na naman. May period siguro siya? Sa isip-isip ko.
"Sige Ryan una na kami," paalam ko kay Ryan saka inilagay sa cart ang hawak ko.
"Bye. Chat you later, Hannah." pahabol pa ni Ryan kaya napalingon ako sa kanya. In fairness ang cute naman kasi ni Ryan.
"Nanliligaw sa'yo ang bagitong 'yon?" seryosong tanong ni Dok Henry habang palapit kami sa counter.
"Parang ganun na nga Dok Sir." Kibit balikat kong sagot sa kanya na lalong ikinasalubong ng kilay nito. Kaya paanong hindi ko iisiping seloso ang 'asawa kong fake' kapag ganun ang reaksyon nito.
"Wala kang mapapala sa mga lalaking bata pa. Gusto lang nila ng experience." formal nitong saad na halos ibulong lang sa akin ang sinabi niya. Nagtayuan tuloy ang mga balahibo ko dahil sa kiliting hatid ng mainit na hininga ni Dok Henry sa aking punong tainga ko.
"Ano namang.... s*x?" baliwalang saad ko na medyo na palakas ang boses ko kaya bigla niyang tinakpan ang bibig ko.
Kaya ayon masama ang tinging ipinukol sa akin ng babaing na nasa unahan namin. Inayos pa nito ang salamin matapos akong pasadahan ng tingin sabay taas kilay.
"Ineng kabata bata mo pa..." tila kinikilabutang saad nito.
"She's my wife, what's wrong with what she said." Sabat ni Doc Henry na dahilan upang pati balahibong pusa ko sa tinatago ko eh nagtayuan na rin ata.
"Ah..." tila napapahiyang usal ng babae. "Mukhang napakabata pa kasi ng asawa mo," anang babae na gusto pa atang magpacute. Pero dahil kinikiliti pa ako sa sinabi ni Doc Sir, ikinawit ko pa ang kamay ko sa matipuno niyang braso.
"Next po mam," agaw pansin ng cashier kaya nagmadali nang pumila ang babae.
"Usyusera si Ate," komento ko sabay ngiti ng matamis kay Doc Sir.
"Umayos ka kasi, 'yang bibig mo pasaway kasi." mahinang sermon nito. Na bahagya pa akong hinila kaya nadikit ako sa dibdib niya. Nakakaganda ng feeling ang ganun, iyong pagtitinginan ka ng iba kasi parang ingit sila sa guwapo at yummy na lalaking katabi ko. Pasimpling hinawi ko ang buhok ko para magpacute ng di halata.
"Okay lang naman. Real talk naman, diba Dok Sir. Bakit ba kasi sobrang konserbatib ng bansang 'to. Kapag babae ang nagsalita ng malaswa sa preference nila, malandi at kahusga-husga na silang tumingin." lintaya ko.
"Still, watch what you say in public." paalala nito.
"Pustahan tayo type ka lang noong babae kaya ganun siya magre-act. Pero mukhang naniwala naman siya no." natatawa kong saad na tiningala ko si Doc Henry na noo'y nakatitig sa akin, kaya napalunok ako.
Ayan na naman kasi ang titig niya sa aking hindi ko maintindihan. Hindi ko magets pero kinikiliti pati ang tingg*l ko sa tuwing titigan ako ni Dok Henry ng ganun. Iyong parang may meaning kasi green minded ata ako.
"Next po." tawag sa amin ng kahera pero kay Dok Henry nakatingin. Isa pang pacute. "Sir i-box ko po ba or eco bag?" anang kahera na abot tainga ang ngiti.
Parang feeling ata ng babae sila lang ang naroon. Mabilis kong kinuha ang dala kong eco bag.
"May eco bag kami, Miss." Sabat ko sabay lapag ng bag na dala ko. At sinadya kong idikit kay Doc Henry ang katawan ko para inisin ang babaing nagpapacute dito.
Sinasapian talaga ako ng kamalditahan kapag ganung mga babae ang nakakaharap ko. "Miss pakibilisan nagmamadali kami." mataray ko saad. Halata naman kasing nagkukupad ito sa pagscan ng bar code. At lalo lang akong naasar nang makita kong nakikipagngitian si Dok Henry sa kahera. Palibhasa maganda naman kasi talaga ang babae.
Kaya matapos siyang magbayad ay nauna na akong umalis. "Bahala siyang magbitbit." sabi ko sa sarili ko. Pero ang magaling kong boss, isinakay pala sa push cart ang mga pinamili namin. Palapit na si Dok Henry sa kinapaparadahan ng kotse ng humarang sa paningin ko si Ryan. Matangakad rin kasi ito kaya dibdib na lang niya ang nasa harapan ko.
Five three lang kasi ang height ko, tapos 19 na ako kaya baka malamang hindi na ako tumangakad pa.
"Here?" nagulat ako ng iabot sa akin ni Ryan ang tatlong piraso ng bulaklak na white roses. "Para sa magandang babae ang maganda ring bulaklak." pagpapacute nito. Saan naman kaya ito kumuha ang bulaklak.
"Sa---salamat." napapalunok kong saad. Mula sa aking perephiral vision ay kita kong ang madilim na anyo ni Dok Henry na naglalakad palapit sa amin. Malamang galit siya dahil iniwan ko s'ya at hinayaang magdala ng grocery.
"Ah Sir," tawag ni Ryan kay Dok Henry. "Puwede ko bang dalawin si Hannah sa bahay n'yo." magalang na paalam ni Ryan na ikinainit ng mukha ko. Ibang klase talaga ang lakas ng loob ng isang Ryan Melendez.
Sabi ni Chelsea, suwerte ako kasi sa dami ng babaing gustong magpapansin kay Ryan tapos ako talaga ang pinapansin ng binatang heartrob ng campus.
"Bakit may sakit ba siya?" kunot ang noong saad ni Dok Henry. "Ilang taon ka na ba ha?"
"Twenty ho!" magalang pa ring sagot ni Ryan kahit halatang hindi natutuwa si Dok Henry.
"Kaya mo bang pag-aralin at suportahan si Hannah sa edad mong 'yan. O baka umaasa ka pa sa allowance na bigay ng magulang mo." walang prenong lintaya nito. "Hindi ko siya pinapayagang magkaboyfriend hanggang hindi nakakagraduate si Hannah. Kaya kung ako sa'yo sa ibang babae mo na lang ibaling ang atensyon mo. Hindi kita gusto para kay Hannah." direkta at madilim ang anyong saad nito.
Grabe ganun pala siya ka-prangka.
"Ho!" halatang asar na bulalas ni Ryan. Namula kasi ang mukha nito. "Hindi na ako umaasa sa magulang ko. I have my own business since noong 18 ako. At alam kong walang masamang manligaw ng babaing gusto ko," matapang naman sagot ni Ryan. Bigla tuloy akong kinabahan dahil kita kong naggitgitan ang bagang ni Dok Henry.
Bakit parang galit na galit siya? Polite naman si Ryan sa pagpapaalam.
"Bawal pa rin!" giit ni Dok Henry. Bakit feeling ko ang sungit niya kapag lalaki ang lumalapit sa akin?
"Teka, Sir, kapatid ka po ba ni Hannah? O tatay niya?"
"What?" bulalas ni Dok Henry. Kita kong namula ang tainga ni Doc. Kaya alam kong galit na talaga ito. "Hindi niya ako kapatid at lalong hindi ko siya anak. Damn it! Pero hindi ka bagay kay Hannah so back off." Muntik na akong mapasinghap ng kabigin ni Doc Henry ang kamay ko. Kaya napunta ako sa likuran niya at dala ng pakagulat ay nabitawan ko ang bulaklak. Aktong dadamputin ko ang pobring bulaklak ng magsalita ito. "She's my property, and I don't share what's mine with anyone else."