Kabanata 9 PAGKATAPOS ng mainit na halik na pinagsaluhan namin kanina ni Dok Henry sa veranda. Inaya niya akong mamasyal kaya maghapon kaming nagpaksaya sa labas para makapaglibang. Akala ko kung saan pa kami aabot kanina eh. Which is okay lang naman sana. Pero hindi pa naman ganun kakapal ang mukha ko para sabihing mas gusto kong magkulong na lang kami sa room kaysa lumabas diba. Pero dahil nalibang naman talaga ko kaya kahit pagod, enjoy na enjoy ako sa gala namin. Namili rin kami ng seafoods na pareho naming paborito. Pansin kong marami kaming things in common ni Dok Henry. Kaya feeling ko talaga destiny kaming dalawa. Nang matapos ako sa gawain ay saka ko naramdaman ang pagod ng paa ko. Kaya kaagad akong humilata sa sofa, at itinaas ko pa ang aking mga paa upang makapagrelax. Ayaw

