Kabanata 10 "ITO ANG ISUSUOT ko Dok Sir." masayang saad ko ng ipakita ko kay Dok Henry ang dress na regalo ni Dok Amer sa akin. Sabado ngayon kaya papunta kami sa party ni Dok Amer. "No, sweetheart," anitong umiling. "That's too revealing," dagdag pa nito. "Ano ka ba hindi naman, saka may blazer naman ako d'yan na bagay dito. Gusto ko talaga to, saka sabi ni Dok Amer i-sout ko ito sa party diba." giit na lintaya ko. Naghahanda kami ngayon para sa party mamayang seven pm. Excited pa naman akong i-sout ang dress. Bet ko talaga ang dress kasi hubog na hubog ang katawan ko. Nakalimutan ko ang tawag sa klase ng dress na ito, pero sexy talaga siyang isout. Tapos ang ganda pa ng tela. Halatang mamahalin talaga. Medyo kita ang cleavage at hita. Pero may ipapakita naman ako kaya ayos lang sa

