Kabanata 14 HANNAH POV HINDI NA ako makatiis kaya nagpaalam na akong magpunta sa CR para makapagbawas ng sama ng loob. Kaya't nagmadali na akong nagtungo sa banyo na itinuro sa akin ni Dok Amer. Para pa akong kinilig ng sa wakas maka-ihi na rin ako. Pero hindi pa man ako natatapos dinig ko na ang yabag ng mga takong papasok sa CR. "Girl, sigurado ka bang dapat kang pumunta, galit pa ata sa'yo si Henry?" anang tinig. Dahil sa pagkakabangit ng pangalan ni Dok Henry kaya naging kuryos ako. "It's been three years Layda. And I want Henry back to me. Hindi ko alam kung anong nangyari noon. Alam kong mali ako dahil nagpakalasing ako ng gabing 'yon. But I swear, I never slept with anyone else. Lalo't alam kong walang nangyari sa amin ng lalaking kasama ko sa room noon." bakas ang frustration

