Kabanata 13 HENRY POV "KUYA sino itong magandang kasama mo?" anang tinig na ikinalingon ko. Kita ko ang pantay na puting ngipin ni Paul Jake na nakatitig kay Hannah. Bunsong kapatid ni Amer si Paul Jake, kaya close rin kami. Pero sa titig niya kay Hannah hindi ko mapigilang mag-init ang ulo ko. I know his type. At hindi ko gustong nakikita na interesado siya sa pag-aari ko. Kaya pasimple kong hinila si Hannah sa aking tabi. "Hi Miss beautiful, I'm Paul Jake Ledesma. Kuya ko ang medyo guwapong celebrant pero sympre mas guwapo ako." masiglang pakilala ni Paul Jake na inilahad pa ang palad sa harap ni Hannah. Parang walang paki-alam ang loko na nakakapit sa braso ko si Hannah. "Hannah," tawag ng isa pang tinig na lalo kong ikinapikon. Si Ryan ang mayabang na lalaking malakas loob na ipa

