Kabanata 6

1576 Words
Kabanata 6 "KAHIT ANO basta kaya ko, Dok Sir." Lakas loob ng sagot ko. Bahala na, sabi nga no pain no gain. Gusto ko si Dok Henry noon pa man. At sa mga sinabi niya parang gusto ko na rin lang umasa na sana tama ang ideyang naglalaro sa aking isipan. Wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya ulit ang feelings ko tulad ng ginawa ko noong minsang nalasing ako. Dahil sino ba naman ako, kumpara sa isang tulad ni Dr. Henry Park. Pero gusto ko ring tulungan si Dok Henry dahil dama kong may pinagdadaan siya ngayon. Hindi ko lang alam kung ano pero sa tingin ko kailangan niya ng tulong ko. Nag-assume lang naman ako. Kasi naman sa nakalipas na halos isang taong kasama ko si Dok Henry sa iisang bahay alam ko kung gaano niya kamahal ang kanyang trabaho kahit tagapagmana naman siya ng Hospital. May pagkakataon pa nga na hindi siya nakakain sa tamang oras dahil sa trabaho niya sa hospital. Nakita ko 'yon dahil ilang pagkakataon na rin niya akong nauutusang magdala ng damit sa hospital noon. At marami ako naririnig sa mga nurse ng hospital kung gaano kahusay na doctor si Dok Henry. Kaya alam kong isa iyon rin sa katangian niya na hinangaan ko talaga noon. Kaya nga hindi ko naisip na totoo ang sinabi noon ni Tita Helen na playboy si Dok Henry. Kung hindi ko pa siya nakitang may ka-make out na babae sa office niya noon. Hindi ko maiisip na ganun nga siya. "Kahit anong gusto ko?" nanantiyang tanong nito na ikinatigil ng lakbay ng diwa ko. "Hmm..." tipid kong sagot sabay tango. Nagawa kong umiwas ng tingin dahil pakiramdam ko natutunaw ako sa titig sa akin ni Dok Henry. Pero para siyang magnet na umaagaw ng atensyon ko kaya muli akong tumitig sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Dok pero kasi naman titig na titig siya sa mukha ko. "Dok Sir naman huwag mo naman akong titigan ng ganyan please." naiilang kong saad sabay hawi ng kanyang buhok upang isabit sa kanyang tainga. "Gusto ko lang naman... tulungan ka kong may magagawa ako para sa'yo sympre. Kung okay lang sa'yo." ani kong nagawa ko pang ngumiti. Kita kong paglunok niya ng sunod-sunod. Pero wala siyang sinabi. Kaya lakas loob akong humakbang palapit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon basta niyakap ko na lang siya. Napapikit pa ako ng maramdaman ko ang init ng balat ni Dok Henry sa aking katawan. Kinabahan ako ng wala siyang reaksyon. Kaya gusto ko na sanang tapusin ang yakap na 'yon. Pero ikinagulat kong gumanti ng mas mahigpit na yakap sa akin si Dok Henry. It did make my heart beats dance in rhythmic beat of a huge drum. Pero parang gusto kong tumalon sa tuwa sa sandaling 'yon. "Puwede na ba ang yakap, Dok Sir? Alam kong hindi sapat 'to pero, sabi nang mama ko noon. Iyong yakap nakakatulong para maging magaan ang pakiramdam ng taong nalulungkot. Mukha ka kasing malungkot kaya ko nasabi 'yon. At---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mas humigpit pa ang yakap ni Dok kaya't nag-iinit tuloy ang sikmura ko ng maramdaman ko ang kiliting hatid ng mainit niyang paghinga sa balat ko. "Ayos lang naman ako, pero gusto ko nang yakap mo. Kaya yayakapin na kita ng madalas kapag kailangan ko ng yakap, Hannah." saad nito sa halos pabulong na paraan. "Yakap lang pala, kahit all the time pa." gusto ko sana sabihin pero sinarili ko na lang at lihim akong napangiti. Baka nga tama ang iniisip ko baka nga gusto rin ako ni Dok Sir. "Si--Sige." malambing ko sagot sabay lunok upang hindi ako mautal pero nautal pa rin ako. Kung ako lang gusto ko habang buhay ko nang kasama si Dok Henry. Kaya kahit ano gagawin ko manatili lang ako sa tabi niya. Gusto ko sanang alamin ang problema niya pero alam kong hindi siya magsasalita. Hindi ko alam kung gaano na kami katagal magkayakap, hanggang sa naramdman kung tila dumikit ang harapan ni Dok Henry sa may puson ko. Pero hindi ako nagreklamo. Kasi naman parang kiniliti na naman ako lalo, sa ginawa niya. "Matulog na tayo," anito ng sa wakas ay pakawalan niya ako. But to my surprise hinawakan niya ang aking palad at magkahawak kamay kaming naglakad pabalik sa silid sa itaas. Naging awkward naman bigla ang pakiramdam ko nang naroon na ulit kami sa kuwarto. Malaki ang bed kaya okay lang naman na magkatabi kami... pero naman. Baka kasi magw*t dreams na naman ako. "Bahala na nga si Batman." "Hannah, come closer," malambing na utos nito ng nahiga ako sa kabilang dulo. "Puwede na kitang yakapin hindi ba?" nakangiting saad nito sabay tapik sa puwesto sa tabi nito. Kaya't lumapit ako sa kanya. Nagulat ako ng alisin niya ang unan. Saka sumenyas na ang braso niya ang gawing kong unan. "Ang kapal naman ng mukha ko kong---ay tipaklong," bulalas ko ng kabigin ako ni Dok Henry kaya napasubsob ako sa dibdib niya. Naka t-shirt naman siya pero sa dumi ng utak ko feeling ko naked siya. Nahihiya man ay kusa na akong umunan sa braso niya. At hindi ko maiwasang mapangiti na lang. Lalo't nanonood sa aking ilong ang kanyang mabangong amoy. "Lagi na ba tayong matutulog ng ganito Dok Sir?" usisa ko ng yakapin niya ako. Kapwa kami nakatagilid at magkaharap sa isa't isa. "Depende, hindi ako sanay matulog ng may damit, mas healthy sa katawan natin na matulog ng walang saplot." anito. "Ah, kaya nakabold ka noong last time." sagot kong nakangisi. Naalala ko kasi ang p*wet ni Dok Sir, ang sexy kasi. "Pero ang lamig kaya ng aircon sa bahay mo e." "Hindi na malamig kung may kayakap." anito. "Pero huwag kang mag-alala hindi ako magbobold ngayon. Unfair naman kong ako lang diba."nakangiting saad nito. "Hindi mo ba ako yayakapin, Hannah." malambing na tanong niya na nakatitig pala sa akin ng tingalain ko siya. "Ah...sige." napapakagat labi kong saad kahit lalong lumalakas ang pintig ng puso ko sa sandaling 'yon. At natriple ata ang lakas ng pintig ng puso ko ng tuluyan kong maiyapos ang isang braso ko sa katawan ni Dok Henry. "Better," halos pabulong na saad nito sa punong tainga ko kaya't napapiksi ako dala ng kiliti. Natawa naman ito sabay kabig sa aking balakang upang mas magkalapit ang mga katawan namin. Kasi naman, naroong naeexcite ako pero nagrarambulan ang malakas na pintig sa puso ko. Ganito pala ang pakiramdam na mayakap si Dok Henry. "Sleep now my Hannah." malambing na usal ni Dok na hinaplos pa ang likod ko. Sukat doon ay kusa kong isinisik ang sarili ko sa kanya. Ang warm kasi ng katawan ni Dok. And take note. My Hannah ang tawag niya sa akin. Komportable naman ang pakiramdam ko pero hindi ko magawang makatulog kahit pilit akong pumipikit. Lalo't nararamdaman ko ang palad ni Dok na humaplos sa likod ko pababa sa aking balakang. Hindi ko maunawaan pero parang nag-aantay ako na bumaba pa ang kanyang mga kamay sa aking pang-upo. Dama kong malalim na paghinga ni Dok Henry na tila ito nahihirapan kaya't tiningala ko siya. "Okay ka lang ba Dok Sir?" nag-aalalang tanong ko. "Baka nabibigatan na ang braso mo sa ulo ko?" "No! Ayos lang ako huwag mo akong pansinin. Naninibago lang akong matulog ng nakadamit." sagot nito na ikinalunok ko. Sumagi na naman kasi ang imahe ng hubad na likod ni Dok Henry sa utak ko, kaya't nag-init na naman ang mukha ko. "Puwede naman 'yong damit lang, pero magkumot ka na lang Dok Sir." suhesyon ko. Well gusto ko lang naman tumulong eh. Concern lang ako kay Dok. "Concern o gusto mong makahawak ng pandesal ni Dok?" pambubuksa ng utak ko. "It's fine, mamaya na lang siguro." tangi nitong mukhang nahihiya rin ata o ewan ko. Hindi ko na lang ipinahalata na disappointed ako ng slight. Napalunok ako ng maramdaman ko ang kamay ni Dok Henry na bumaba na sa pang-upo ko. At dama kung mas pinaglapit niya ang mga katawan namin. Kaya naman inataki ako ng sensasyong madalas kong nararanasan sa aking mga panaginip. "Hannah, puwede kong hawakan ang hita mo." paanas na usal ni Dok Henry sa halos paos na tinig. "Hindi kasi ako makatulog." "Ako din naman po, may tubo ka bang itinago sa may harapan mo Dok Sir?" Natawa ito ng mahina sabay pisil sa pang-upo ko. "Hindi tubo 'yan Hannah, but you can put it that way. Alam mo bang sa'yo ko lang nararanasang t*gasan ng ganito kahit simpling hawak lang. Ang sarap kasi ng amoy ng katawan mo Hannah. Para gusto rin tuloy kitang kainin-- I mean kagatin." "Diba parehas lang 'yon." naguguluhang tanong ko sabay kagat ng aking labi. Kasi naman iba ang dating ng 'kagat at kainin' sa utak ko. Ganun kasi ang madalas mangyari sa panaginip ko na ginagawa sa akin ni Dok Sir. "Oo." sagot nitong hinahaplos na ang hita ko. "Dok Sir, bakit pakiramdam ko hindi lang halik at yakap ang kailangan mo sa akin?" "Puwede pa ba akong humiling ng higit pa ha, Hannah?" nanantiya ang titig ni Dok Henry sa akin, at parang wala ako sa sarili kong mabilis na tumago na ikinangiti nito ng maluwag. "Good, but I'll take it slow. Huwag nating madaliin." anitong pinapagapang pailalim sa short ko ang kamay niya. Nakikiliti ako kaya't hindi ko naiwasan ang impit na ungol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD