Kabanata 5
SAGLIT akong napakurap sa tanong sa akin ni Doc Henry. Magaan lang ang pakiramdam ko pero hindi ako lasing. Wine lang naman iyon. Pero mas nalalasing pa ata ako sa tanong niya sa akin.
"A--ano?" parang nabibinging tanong ko. Iba naman kasi ang dating sa akin noong sinabi niya e.
"Biglaan ang pagpunta natin dito. Kaya isang kuwarto lang na nalinis ng caretaker. Pero kung gusto mong matulog sa maids quater sa kabilang bahay, ikaw ang bahala." baliwalang saad nito saka nauna nang maglakad patungo sa pintong nasa nasa kaliwa namin.
"Sa labas?" habol na tanong ko sa kanya na ikinatango lang nito. "Ayaw ko alam mo namang takot akong mag-isa eh. Sa lapag na lang ako, kapal naman ng mukha ko kung tatabi ako sa'yo." ani kong kumapit pa ako sa door knob. Pinipigil ko lang naman ang sarili kong huwag sabihing gusto kong tabi kaming matulog. Pero kung ipipilit niya why not coconut naman diba. Chance ko na kaya 'yon.
Sana lang huwag akong managinip ng pagnanasa ko kay Dok Henry dahil malaking kahihiyan talaga 'yon.
Isang malaking silid ang pinasok namin, malaki at malapad ang kama na nasa gitna ng silid. Kahit apat na malalaking tao ata kaysa doon.
"Malaki ang kama kaya ayos lang kung sa kama ka matutulog. Baba muna ako kunin ko 'yong maleta." paalam nito. Pero bago pa makaalis si Dok Henry ay nagtungo na ako sa kama at humilata doon.
"WOwww..." gulat kung bulalas ng maramdaman ko ang lamot ng kama. "Sana ganito rin ang bed ko sa condo ni Dok." napapangiting saad ko saka ipinikit ko ang aking mga mata. Ilang lingo na lang babalik na kami sa condo kapag may pasok na ako. Malapit kasi sa school at sa St. Joseph Medical Hospital ang condo na tinitirhan namin ni Dok Henry. Magiging busy na ulit siya kaya bihira ko na naman siyang makita. Kaya natutuwa rin talaga ako kahit paano na madalas siyang nasa bahay ngayon.
Nagmumuni-muni ako ng magring ang phone ko. Kaagad kong kinuha 'yon mula sa bulsa ng sling bag ko. Napangiti ako ng makita ko ang caller ko. " Hi friend!" masaya kong bati kay Chelsea.
"Frenny nang-indian ka na naman ha." usig nito. "Ayaw mo na lang iwan 'yang Dok Sir mo." naiimagine ko nang nakanguso ito.
"Sorry na, nasa Tagaytay kami ngayon, vacation daw kaya huwag ka nang magalit." paglalambing ko sa kanya.
"Vacation, sinong kasama? Don't tell me kayong dalawa lang?"
"Coke mismo." natatawa kong saad.
"Naku ha, malabo ka talagang makamove on sa Dok Sir mo na 'yan. Kaya kung ako sa'yo tuloy mo na iyong dating plano mo. Akitin mo na kasi ng bongga. Check mo na rin kong dakz nga, kuryos talaga ako." kinikilig na hirit nito. Nakita na kasi ni Chelsea si Doc Henry noon ng minsang sunduin ako ni Dok sa school.
"Saka na kapag sinapian na ako ng kabaliwan tulad mo. May hiya naman ako no. Hindi ako makakapagpangap lagi na walang maalala. Sige na matutulog na ako. Baka sakaling managinip ulit ako." nakangiting saad ko saka tinapos na ang tawag na may ngiti sa labi. Siguradong mangungulit lang si Chelsea kapag sinabi ko sa kanya ang tungkol sa weird kong panaginip.
Ibinalik ko sa sling bag ko ang phone saka ko ipinatong sa tabi ng lampshade saka muling humilata sa malambot na kama.
"Sa puwesto mo mukhang ikaw lang ang mahihiga ah." ang tinig na kaagad nagpangiti sa akin.
"Ang lambot ng bed, ako na lang kaya dito, Dok Sir." ani ko saka idinipa ang dalawang kamay ko para hindi siya makahiga. Kahit naman ginawa ko 'yon malaki pa rin ang espasyo ng kama.
"Hannah, kailan ka ba magmamature?" naiiling pa nitong saad saka naupo na habang hindi inaalis ang titig sa akin. Ewan ko ba, kinikiliti talaga ang t*nggil ko sa titig ni Dok Henry. "Iyong sapatos mo."
"Oo na po, wait lang na----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng hawakan ni Dok Henry ang paa ko. Kaagad na kumalat ang kiliti sa balat ko patungo sa puson ko nang maramdaman ko ang mainit na palad nito sa aking paa. "Ang gulo mo talaga, Dok." hindi ko maiwasang komento. Habang nakatitig ako sa mukha niya.
"Paano naman ako naging magulo ikaw nga 'tong basta na lang nahihiga sa kama kahit madumi ang sapatos mo."
"Ngayon ko lang sinuot 'yan Kaya hindi pa siya contaminated." pilosopong sagot ko. "Saka kapag nagkasakit ako, eh di gamutin mo ako. Doctor ka naman eh." nakangising saad ko.
"Hindi libre ang medical service ko." seryosong sagot nito.
"Magbabayad ako." giit ko.
"Anong ibabayad mo, galing sa akin ang pera mo, righ?" Agad akong napasimangot dahil doon. At tila sinindihang bombilya ang ideya na pumasok sa kukute ko.
"Eh di katawan ko na lang ang ipambabayad ko," mabilis kong sagot na ikinatigil nito at namula ang tainga nito kaya bigla akong natawa. "Joke lang galit ka na kaagad." palusot ko. Partly totoo naman kasi, sa katawan pa lang ni Dok Sir, willing na willing akong ialay ang kapurihan ko sa kanya. V*rgin pa ako, pero madumi lang talaga ang utak ko. At kung ma dev*rginized man ako baka puweding sa kanya na lang.
Siguro iisipin ng makaka-alam na malandi akong babae, pero sinong babae ang hindi maghahangad na malandi ng isang Dr. Henry Park. Bukod sa sobrang gwapo, matalino at super bango lagi. At sabi ni Chelsea may itinatagong malaking talong sa ilalim ng kanyang pantalon.
"Pano mo nasabing galit ako?" kunot noong tanong nito kaya napa-upo ako para harapin siya. Inangat ko ang dalawang kamay ko patungo sa magkabilang tainga niya at walang pag-aalinglangang hinawakan ang mga 'yon.
"Alam kong galit ka 'pag namumula ang tainga mo, diba?" anito ko sabay ngiti. Kahit biglang nagrigudon ang pintig ng aking puso. Napakurap ako nang kunin niya ang mga kamay ko habang nanatiling magkahinang ang mga titig namin. Parang idinuduyan ang puso ko sa sensasyong hatid ng mga titig ni Dok Henry sa akin.
"May mas nagagalit kapag hinahawakan mo ako ng ganyan kaya---"
"Fine..." inis na sikmat ko, para akong biglang nalaglag sa ulap dahil doon. "Hawak lang, ang damot naman ng girlfriend mo. Iyong babaing ka make-out mo sa office, cheap niya ha." asar na lintaya ko saka ako tumayo na. "Sa sala na lang ako matutulog baka magalit pa 'yon. Bakit kasi ako ang isinama mo dito eh." pairap kong saad subalit napaupo ako ng hilahin niya ako paupo sa kama. "Grabe ka, ang sakit ah." asar kong sabi, hindi naman talaga masakit. Mas masakit pa 'yong naalala ko na naman ang dahilan kaya ako nagpakalasing at napaamin ng feeling ko sa kanya few months ago. Sakit ng pride ko dahil parang walang nangyari kahit ano kinabukasan. Kaya 'ayon nagpangap na lang akong walang naalala.
"Hindi ko girlfriend 'yon."
"Wow, hindi?" ewan kong matatawa ako o maiinis. "Hindi girlfriend pero naglalaplapan kayo sa office mo sa hospital." asar kong saad. Hindi ko lang maiwasang mag-init ang ulo ko ngayon.
"Ano bang gagawin ko sa'yo Hannah?" frustrated na saad nito. At muntik na akong mapanganga ng dalhin niya sa labi niya ang isang kamay ko at hinalikan ang palad ko. Nanlalaki ang mga mata kong napatitig na lang sa ginawa ni Dok Henry, sabay lunok. "Kasalanan mo kaya nangyari 'yon." seryosong saad nitong hindi inaalis ang titig sa mukha ko.
"Ha? Ba---bakit ako? Ano bang ginawa ko? Ewan, bahala ka nga Dok." natatarantang saad ko. Sinubukan kong hilahin ang kamay ko pero hindi n'ya 'yon pinakawalan. "Ano bang ginagawa...."
"Ayaw kong binibigyan mo ng atensyon ang iba, Hannah. So don't get too close with any another man, kahit kaibigan ko pa 'yon. Kung ayaw mong magalit ako." walang kangiti-ngiting saad nito. Pero sa halip na matakot sa banta niya. Parang kiniliti ang sikmura ko sa pagiging dahil parang obsess na sa akin ni Dok.
Pero naisip ko ring baka dahil pinag-aaral niya ako sa isang mamahaling eskuwelahan. At ito bumubuhay sa aking sa nakalipas na taon.
"Kaya lang, diba ang unfair naman, bakit ikaw puweding makipagdate ako hindi? Gusto ko rin namang maramansan na magkaboyfriend eh."
"Bakit mo pa kailangan nga boyfriend? You're my property Hannah at hindi ka puweding hawakan ng iba." seryosong saad nito na muntik na akong mapanganga sa sinabi niyang 'yon. Gusto kong isiping nagbibiro lang ito pero kilala ko si Dok Henry kahit paano? Hindi ito marunong magbiro ng mga ganung bagay.
"Ha?" Damang dama ko ang kalituhan habang nagtatayuan ang mga balahibo ko sa batok. Gusto rin ba ako ni Dok Sir? For real? "Anong----"
" Sa ngayon 'yon. Matulog na tayo." sansala nito na tumayo na at binalikan ang dalawang maleta namin sa may pinto. Natagpuan ko na lang ang sarili kong pinagmamasdan si Dok Henry na inaayos ang mga gamit namin sa closet.
Tama ba namang bitinin niya ako. Pero para akong naestatwa na sinundan na lang siya ng tingin.
"Magbihis ka muna." utos nito ng muli akong lingunin, saka may kung anong hinanap sa maleta ko. "Wala kang dalang pantulog?" muling baling niya sa akin.
"Sando at short na lang." sagot ko saka tumayo upang kusa na akong kumuha ng bihisan ko. Ang paborito kong maluwag na sando at short ang pinili ko saka ako nagtungo sa banyo. Marami akong gustong itanong pero ang seryoso na naman ni Dok Henry kaya nakahiyaan ko na rin naman.
Mag-half bath lang sana ako para mawala ang alak sa sistema ko pero naisip kong tabi nga pala kami ni Dok Henry sa kama kaya dapat mabango at fresh ako. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya. Pero ang puso ko nagcecelebrate na ata sa lakas ng pintig. Nagawa ko pang ngumiti nang mapatingin ako sa salamin bago tuluyang lumabas.
Wala si Dok Henry sa kuwarto paglabas ko ng banyo kaya medyo nadis-appoint ako, kaya bumaba ako para tingnan siya. Naabutan ko siya sa kitchen. Nagsasalin ng tubig sa baso. His muscle are flexing as he moves.
"On leave ako Dad. I need a break please..." dinig kong paki-usap niya sa kausap sa phone kaya napahinto ako sa planong paglapit sa kanya. He pause for a while. "Siguro kailangan ko muna nang mahabang pahinga. Magiging maayos rin ako. Don't worry." pag-aassure nito saka tinapos na ang tawag.
May problema nga siya.
Tumikhim muna ako bago tuluyang pumasok sa kumedor. "Kailangan ko rin ng tubig." dahilan ko na lang. "Okay ka lang Dok Sir?" usisa ko ng salinan rin niya ng tubig ang baso para sa akin.
"Yeah," tipid nitong sagot.
"Okay iisipin ko na lang na oo. Pero kung may maitutulong ako sabihin mo lang. Sa dami ng nagawa mo para sa akin, I'm willing to help sa paraang kaya ko." seryosong saad ko na saglit na ikinatitig sa akin ni Dok Henry. Ayaw kong bigyan muna ng malisya ang mga sinabi niya kanina. Pero naman di ko talaga maiwasan. And those bicep flexing parang gusto ko siyang hawakan.
"Ano bang kaya mong ibigay para sa akin Hannah?" tanong nito na malagkit ang titig sa akin. Pakiramdam ko hinaplos ako ng mga titig ni Dok Sir kahit may dalawang hakbang naman ang pagitan namin.