Kabanata 4
"KUMUSTA ang tulog mo, lately." dinig kong tanong ni Dok Amer kay Dok Henry ng ilapag ko ang kape nila sa lamesita. Naroon ng mga ito sa may pool sa likod bahay. Nagbihis na ko dahil utos ni Dok Sir. Ang init pa naman ng panahon ngayon kaya mas bet ko talaga ang mga sando lang sana. Pero para wala nang maraming pagtatalo sumunod na lang rin ako. "Uminum ka pa ng sleeping pills?"
"Minsan, oo."
"Bakit kasi ayaw mong mag-attend ng session ko, baka need mo lang ng counseling. Nangyayari naman ang ganun eh, we can't always----"
"Huwag na nating pag-usapan 'yan puwede ba, Amer. Magiging maayos rin ako. In time." seryosong saad ni Dok Henry.
"Ano kayang problema niya?" nag-aalalang tanong ko sa aking sarili. "May sakit kaya si Dok Henry?"
"Hannah," tawag ni Dok na ikinalingon ko sa kanya. "Ayos na kami dito. Magpahinga ka na lang." taboy nito.
"Late na naman akong nagising kaya baka masobrahan ako ng pahinga." naka-ingos na reklamo ko. Mula noong bakasyon madalas na late na talaga akong magising, buti na lang hindi naman nagagalit si Doc Sungit. Minsan nga siya pa ang nagluluto ng almusal namin.
"Oo nga naman, dito ka lang Hannah. Ah may pasalubong pala ako sa'yo." Nagitla ako ng paliparin ni Dok Amer ang susi ng kotse niya na kaagad ko namang nasalo. "Nasa backseat, kunin mo, lahat 'yon sa'yo." anitong ikinalaki ng mata ko. Kaya excited akong tumakbo patungo sa nakaparadang kotse.
"Huwag kang tumakbo!" dinig kong saway ni Dok Henry. Pero hindi ko na pinansin 'yon. Kaagad kong binuksan ang pinto ng kotse.
Ganun na lang ang kasiyahang nadama ko ng tumambad sa mata ko ang ilang paper bag na naroon sa backseat. Dahil sa akin daw lahat 'yon kaya kinuha ko ang apat na malaking paper bag. Saka ko isinara ang pinto ng kotse. At excited na naglakad pabalik sa dalawang lalaking nag-uusap sa may pool.
Napangiwi ako ng matisod sa naka-usling bato ng palapit na ako sa dalawang lalaking nakatingin sa direksyon ko. Kita kong pag-iling ni Dok Henry. "Ang clumsy talaga!" basa ko sa buka ng bibig niya.
"Akin talaga 'to lahat Dok?" Excited kong saad kahit masakit ang isang daliri ko sa paa.
"Oo naman, binibili ko 'yan kapag naaalala kita." preskong saad ni Doc Amer. "Ang cool ko diba?" anitong kumindat pa na ikinatango ko naman sabay approve dito.
"The hell ano ka, jowa ni Hannah?" pikong singhal ni Dok Henry at masamang tingin ang ibinigay sa kaibigan nito. "Pumasok ka nga sa loob Hannah," asar nitong taboy sa akin. Pero dedma naman namin ni Dok Amer ang kasungitan ni Dok Henry.
"The best ka talaga Dok Amer. Ikaw na talaga ang pinakagalanting kuya Doctor sa balat ng lupa." masaya kong saad sabay flying kiss dito. Kaagad namang sinalo ni Dok Amer ang flying kiss ko saka kami nagtawanan na lalong ikinakunot noo ni Dok Henry.
"Sukat mo 'yong dress, gusto kong isout mo pag-attend mo ng party ko next weekend." anitong na ikinatango ko agad. "Sama mo si Hannah next week ha." baling nito kay Dok Henry. "So paano uwi na muna ako," anitong tumayo na.
"So 'yan lang talaga ang pinunta mo dito?" asar na saad ni Dok Henry sa kaibigan.
"Oo, ilang buwan ko ring hindi nakita si Hannah kaya namiss ko s'ya." makahulugang saad nito saka naglakad nang nakapamulsa pa.
"Ang cool niya talaga." mahinang usal ko habang sinusundan siya ng tingin. "Salamat Dok Amer!" pahabol na sigaw ko bago ito nawala sa paningin ko. Ako naman ay binitbit ko na ang apat na malaking paper bag papasok sa bahay. Hindi ko na pinansin si Dok Henry dahil malamang salubong naman ang makapal niyang kilay.
Samantala. Nagtatangis naman ang bagang ni Henry na sinundan ng tingin si Hannah. "Isip ka bata talaga." asar nitong usal.
Excited kong inilabas ang mga pasalubong, mukhang lahat galing sa America. Isang set ng royal blue night gown at pumps ang nasa isang paper bag.
Ang isa naman ay mga chocolates at isang di kalakihang teddy bear na kaagad kong niyakap. "Cutie." gigil kong saad. Pero natawa ako sa isa pang paper bag, na may tatlong set ng mga lingerie at isang pares ng swimsuit na kulay dilaw ang laman ng bag. "Ang landi talaga ng lalaking 'yon." natatawa kong saad sabay iling habang tinitinganan ang isang pares ng lingerie.
Ang isang bag naman ay make-up set at may lipstick pa at perfume. Hindi naman ako gumagamit ng make-up or lipstick. Dahil hindi pa kasi ako marunong, magpapaturo na lang rin ako kay Chelsea. Expert kasi ang isang 'yon. Pero sympre gusto ko iyong perfume. Kaya agad ko nang winisikan ang aking pulsuhan at talaga namang napakabango.
"Ang kalat mo," anang tinig na nasa may pinto ng silid ko kaya saglit akong lumingon. Nakatayo doon si Dok Henry na sumandal pa sa hamba. Parang model na nag-aantay ng picture. Hindi ko na pinansin ang komento niya dahil masaya ako sa pasalubong sa akin.
"Ang bait ni Dok Amer no, at ang galante pa." ani kong kinuha ang dress at itinapat sa katawan ko. "Bagay ba, Dok Sir."
"Too revealing 'yan." formal nitong sagot.
"Nagtanong pa ako, hay,"asar kong lintaya saka ibinalik sa paper bag ang dress. Noon naman ito naglakad palapit sa akin at naupo sa kama ko.
"What is this---" nanlaki ang mata ko ng damputin ni Doc Henry ang pares ng lingerie na inilabas ko kanina. "Aanhin mo naman 'to?" he ask uninterestedly.
"Ano ka ba Dok, panty ko 'yan." nag-iinit ang mukhang saad ko. Bulat-latin ba naman ang lace panty sa harap ko.
"So...panty pa ba 'to? Sana na naghubad ka na lang." kibit balikat nitong saad. Kaya mabilis kong inagaw ang panty. "Tamang-tama pala, may swim suit ka na, magbeach na lang tayo." pag-iiba nito ng paksa na tiningnan ang swimsuit ko.
"Talaga?" excited kong saad at naupo pa ako sa tabi niya. "Sige gusto ko yan. Kailan tayo aalis?"
"Puweding mamaya." anito na nakatitig sa mukha ko. Biglang nagkagulo ang mga kabayo sa dibdib ko dahil halos magkadikit na ang braso namin at ang lapit pa ng mukha niya sa akin. Kaya para na naman akong kinukuryente.
Napatitig ako sa manipis at namumulang labi ni Dok Henry. Bihira siyang magyosi kaya mapula ang lips niya. Natikman ko na 'yon kaya alam kong masarap s'yang humalik? Kaagad nang-init ang mukha ko ng maalala ko 'yong kalukuhan ko. Pero ang alam naman niya wala akong maalala noong gabing 'yon.
"Sige na, magdala ka ng gamit for three days, i-pag-empake mo na rin ako pagkatapos." anitong nakabawi at tumayo na. Nasa harapan ko na siya kaya nakatitig ako sa hinaharap ni Doc Henry. Pansin kung bumubukol ang ibabang bahagi ng puson niya. Madalas kong napupuna 'yon. Sabi ni Chelsea mukhang 'dakz' daw si Dok. Dapat kasi sinilip ko na noong may pagkakataon.
Bakit kasi ang duwag ko?
Matapos kong mag-impake ng gamit ay si Dok Henry na ang nagsakay ng dalawang maliit na maleta namin sa likod ng kotse. Dalawang oras lang raw ang biyahe pero nakatulog pa ako.
Ilang saglit nang pinagmamasdan ni Henry ang inosenting mukha ni Hannah habang mahimbing ang tulog. Umangat ang kamay nito para hawiin ang ilang hibla ang buhok na kumalat sa mukha ng dalaga.
"How the hell you did forget that Hannah?" isang marahas na paglunok ang ginawa ni Henry nang bumaba ang paningin nito sa leeg ng dalagang mahimbing ang tulog. Pero nataranta rin ng biglang kumilos si Hannah kaya't tinapik na lang nito ang mukha nang dalaga.
Nagising na lang ako ng tapikin ni Dok Henry ng marahan ang mukha ko. " Dito na tayo, Miss. Nakanganga ka pa, punasan mo ang laway mo." anito saka ako tinalikuran. Nagmadali naman akong punasan ang bibig ko pero wala namang laway..
"Pang-asar ka talaga. Kung di ka lang mukhang masarap naku..." mahinang lintaya ko saka lang ako bumaba ng kotse. "Akala ko ba beach!" nakangusong tanong ko habang nakatitig sa isang malaking bahay sa harapan ko. May malaking swimming pool sa dulong bahagi at kita ang magandang view ng taal lake. Dahil pagabi na kaya malamig na ang hangin. Lamang na lang dahil sa view pero may swimming pool naman sa bahay eh.
"Nagbago ang isip ko, dito na lang tayo." seryosong saad nito na ikinasimangot ko. Gusto ko pa naman sana sa dagat.
"Hindi ko rin magagamit ang swim suit," reklamo ko saka nauna na akong naglakad, nasa may pinto na pala ang maleta namin. "Tayo lang dito, Dok?" usisa ko.
"Yes." tipid nitong sagot, ewan pero bakit parang kiniliti na naman ang sikmura ko na kami lang ulit ang magkasama. "Let's get inside." aya nito. Vacation house pala 'yon na binili umano nito two years ago. Pinauwi muna raw nito ang care taker para may privacy kami.
Ewan ko ba kay Dok Henry, parang gusto niya laging kami lang ang magkasama. At sympre pabor naman sa akin 'yon. Dahil solo ko siya.
Dahil gabi na rin ay nag-order na lang kami ng dinner.
Napatingin ako sa wine bottle na inilabas niya sa fridge, matapos naming kumain. Minsan ko ang sinubukang uminum noong 19th birthday ko. Hard ba naman ang ipinainum sa akin ng dalawang kaibigan ko.
Hindi ko makakalimutan ang gabing 'yon. Ang gabing naglakas loob akong umamin ng feelings kay Doc Henry. At nagawa ko siyang halikan. Yes I did it, pero lasing rin pala siya noon dahil may problema daw. Kaya ayon nagkunwari na lang akong walang maalala kinabukasan. Ewan ko nga kung halik ba ang ginawa kong 'yon.
"You can drink if you want, pero kaunti lang at baka makalimutan mo na naman ang mga pinagagawa mo." seryosong saad nito.
"Hard kasi pinainum sa akin ni Chelsea noon. Bakit ba kasi ako uminum noon?" painosenting saad ko. Uminum ako kasi iyon ang araw na nakita ko si Doc Henry sa office niya na may kalandiang babae. Sinabi ko sa kanya na birthday ko pero wala siyang paki, mas pinili pa niyang samahan ang ibang babae at magmake out sa office nito. At malinaw pa sa utak ko mga salitang isinumbat ko sa kanya.
"Bakit ibang babae pa ang gusto mo, ayaw mo ba sakin? Hindi ba ako maganda para sa'yo ha? Kaya ko din naman ang ginagawa ng mga babaing 'yon!" tanda ko pa ang mga panunumbat ko sa kanya noon. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng ganung lakas ng loob. Pero nasaktan talaga ako noong makita ko siyang may kasamang ibang babae.
"Hannah, I'm drunk too, let's talk about it some other time. Lasing ka lang kaya mo nasasabi 'yan."
"Naamoy din kita oh...ahwch!" daing ko ng muntik pa akong mapasubsob sa kanya ng ilapit ko ang sarili ko sa kanya. At sinadya kong ipatong ang mga palad ko sa matigas na dibdib niya. "Kiss me Dok Sir," I beg at kaagad kong ikinawit ang braso ko sa leeg niya ng tila ito nagulat. Ilang sandaling nagkatitigan kang kami at kitang kita ko ang sunod-sunod na paglunok ni Dok. So I tiptoe and kissed him.
Malinaw sa isip kong pumasok ang dila niya sa bibig ko. At halos lapain ni Dok Henry ang labi ko noong gabing 'yon. But other than that wala na akong ibang maalala pa, kasi naman nagblack out na lang ang utak ko. At hanggang ngayon umaasa pa rin ako na mauulit ang sandaling ''yon.
"Gusto mo ba?" ang tinig niyang 'yon ang gumising sa gunita ko.
"Ha?" gulat kong saad.
"Wine," anitong nakangiti at itinaas pa ang bote ng alak. Buti nilinaw ko, wine pala ang inaaluk niya.
"Hmm," sagot ko sabay tango. Kaagad akong sumisim ng wine matapos niyang salinan ang wine glass ko. Dapat akong magbehave dahil ayaw kong sapian ng alak. But the wine taste good kaya humirit pa ako ng isa. At isa pa at isa pa.
"Tama na, namumula ka na, Hannah." malambing na saway ni Dok Henry na hinawakan pa ang kamay ko at muli na namang nagtagpo ang mga titig namin.
Ewan ko ba pero, madalas pakairamdam ko may gusto siyang sabihin sa akin. At ako naman si atat at kung anu-ano nang iniisip kapag ganunng mga titig ni Dok Henry.
"Ang sarap naman kasi nito." ani ko bago sinaid ang huling patak sa aking wine glass, sabay inilapit sa kanya 'yon. "Please..." nagawa kong magpacute sa kanya.
"Tama na 'yan maiinis lang ako kapag nalasing ka naman at--- anyway. Magpahinga na tayo." anitong inubos na rin ang wine nito.
" Saan pala ako matutulog, Dok?" nahihilong tanong ko saka tumayo na ako. Tumayo rin naman siya para alalayan ako. Ang hina talaga ng tolerance ko sa alak. Wala naman akong planong mag-inarte ng hawakan niya ako sa balakang ko. Dahil gusto ko talaga ang amoy ni Dok Sir kapag ganun kami kalapit sa isa't isa. "Bakit ba ang bango-bango mo Dok Sir?"
"Ikaw rin naman, I like your scent Hannah." sagot nitong ikinatitig ko sa kanya. Seryoso ito kaya sinimangutan ko s'ya. Ang hirap kasing basahing ng iniisip ni Dok Henry.
"Sabi mo dati hindi mo gusto ang amoy ko." pairap kong sagot sa kanya. Wala naman akong narinig sa kanya. Kaya nauna na akong maglakad, pero sumunod naman kaagad siya para muli akong alalayan. "Alam mo ba Dok Sir, lagi kitang napapanaginipan mula nang umuwi tayo sa bahay mo." ani kong ikinapit pa ang kamay ko sa matipunong braso niya.
"Ano?" gulat na tanong nito na ikinatawa ko.
"Nakakagulat talaga no, kasi sa panaginip ko--- ah 'huwag na pala." pigil ko sa sasabihin ko sabay iling. "Hindi naman totoo 'yon panaginip lang naman." natatawa kong saad. "Imposible!" Kita kong natigilan siya kaya napahinto rin ako sa paglalakad. "Wala 'yon." dagdag ko sabay kumpas ng kamay ko sa ere. Hinding hindi ko sasabihin sa kanya ang panaginip ko. Never!
"Paano kung posible ang panaginip mo. Gusto mo ba?" seryosong tanong nito na ikinahinto ko sa paglalakad.
"Gusto nang ano?" napapalunok kong tanong sa kanya. Alam ba nito kung anong panaginip ang sinasabi ko. Kapag sinabi ko sigurado baka iwan na lang niya ako sa hagdan o kaya sabihin niya imature na naman ako.
"Iyong panaginip mo." he insisted.
"Baka magalit ka pa kapag sinabi ko, sabihin mo pa ambisyosa ako." lintaya ko kahit medyo hilo na ako at muli na kaming naglakad. "Saan ang kuwarto ko?" tanong ko ng makarating kami sa second floor.
"Sleep with me tonight, Hannah."