"Halatang sabik na sabik ka sa paglalakbay na ito, Prinsipe Brimas?" puna ni Dirivi, "Hindi ko pa nasasabi ang isa mo pang kakayahan." Kaagad na umupo si Prinsipe Brimas, "Ganoon na nga, Dirivi. Sinong hindi masasabik? Makakasama namin ang Itinakdang Prinsipe na siyang magbabalik ng kaayusan sa buong Azaram." "Kahit ako," sabi ni Prinsipe Siero. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon. Para sa akin ay mukha pa siyang karespe-respetong tingnan kaysa sa akin. "Isang malaking karangalan na nasa tabi ng Itinakdang Prinsipe habang nakikipaglaban para sa kaayusan ng buong Azaram." Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako natutuwa sa mga naririnig ko. Ngayon lang talaga ako nakaramdam nang ganito. Pero may parte pa rin sa pagkatao ko ang natatakot. Pa'no kung magkamali ako? Pa'no kung

