Habang nakatuktok ang katana sakanyang leeg hindi ko man lang nakitaan ng kahit kaunting pag-alala sakanyang mukha.
Nagawa pa nitong ngumiti saakin at para bang kanyang pinapahiwatig na ibaba ang hawak kong katana.
"Hindi ko batid na ikaw pala ay mapaglaro." Kalmadong nitong tugon at nanatiling walang ginagawa.
"Simulan na natin ang tunay na laro." Winasiwas ko ang hawak kong katana patungo sakanyang leeg.
Inaasahan kong makakailag s'ya pero sa anong dahilan pinili nitong isalag yong kaliwa n'yang kamay. Nag-uunahan sa pagtulo ang kanyang dugo sa sahig.
Nakaramdam akong ng kirot at hapdi sa kaliwang kong kamay. Nabitiwan ko ang hawak kong katana at napaluhod sa sakit dahil ang kaliwa kong kamay meron ng malaking sugat at nakita ko na ang sarili kong buto. Walang humpay ang pagagos ng dugo, agad ko tinanggal ang suot kong necktie at benenda sa kaliwa kong kamay.
Napatingala ako at puno ng pagtataka akong tumingin kay gulungong. Sigurado akong hindi ko s'yang nakitang umaatake at kanya lang kamay ang nakita kong gumalaw sa pagsalag n'ya kanina. Alam ko hindi s'ya pangkaraniwan pero para saakin isa talaga 'yong malaking palaisipan.
Napa atras agad ako nang tinaas nito ang kamay n'yang sugatan na parehong-pareho sinapit sa kaliwang kong kamay. Nanlaki aking mga mata nang makitang ang kanyang sugat dahan-dahang gumgaling. Tulala akong nakatitig bawat detalye aking nakita at nasaksihan.
"Whaat? What the hell was that..." Hindi ko na maitago ang aking pagkagulat at pagkamangha sa nang yayari ngayon.
Ngumisi ito ng makita nito ang aking naging reaction. Sa ma amo n'yang mukha hindi ka talaga maghihinala na Isa s'yang halimaw.
"Pag ginamit mo sa mismong may ari ang kanyang sandata ganoon din ang iyong sasapitin." Ani nito at pinulot ang kanyang katana sa sahig.
Pinasayad n'ya sa tiles ang katana na ngayo'y lumilikha ng nakakarindi na ingay. Tumayo naako at inihanda ang aking sarili sa anong gagawin n'ya.
Dinilaan n'ya ang dugo nasa blade at s'yang pagpula ng kanyang mga mata. Mapapansin mo narin ang matataas n'yang pangil na bigla nalang lumitaw.
Humakbang s'ya papalapit saakin at kanyang tindig alam mong handa ng pumatay. Sa bawat hakbang n'ya umaatras ako patalikod. Ayaw kong tumalikod at tumakbo dahil takot akong mawala s'ya saaking paningin baka susulpot nalang s'ya bigla saaking harapan.
"Ang tawag nga pala sa hawak kong katana ay ezeikaych." Wika nito at binilisan n'ya na ang kanyang paghakbang papalapit saakin.
"I don't give a f**k what your sayin'!" Taranta naakong tumakbo palayo at hindi na ininda ang sakit at hapdi sa kaliwa kong kamay.
Rinig ko na ang sarili kong puso. Wala itong mintis sa pagtibok ng malakas. Ganito pala ang pakirandam pag alam mo sasapit na iyong kamatayan.
Lumingon ako sa likod at hindi ko s'yang nakitang nakasunod. Medyo nakahinga ako ng maluwag pero pinagpatuloy ko parin ang aking pagtakbo.
Pumasok ako sa library at habol hiningang kinuha Isa sa mga libro. Bumukas ang sekretong pintuan at agad naakong tumakbo papasok.
Sa katangahan na tisod ako sa hagdanan pababa. Nagpagulong-gulong ako hanggang nakarating sa pinakababa at dulo.
"Ugh.. it's so f*****g painful...." Nang hihina kong usal. Napapikit nalang ako sa sakit dahil parang merong nabali Isa saaking mga buto.
May nararamdaman akong mainit na liquido na dumadaloy saaking ulo patungo saaking mukha. Kinapa ko aking mukha gamit aking kanan kamay. Noong mahawakan malagkit at medyo malansa ang amoy.
Minulat ko aking mga mata at kita kong naliligo naako sa sarili kong dugo. Sinubukan kong makatayo pero biglang kumirot ang kaliwa kong kamay dahil tinukod ko pala.
"f**k, tumayo ka!" Nahihirapan kong sigaw at pilit hindi pinansin ang p*******t ng buo kong katawan.
Hindi ko maiwasan mapa ungol sa sakit ng aking nadarama, sa tuwing sinusubukan kong tumayo ng tuwid. Aking tuhod na nginginig at kaliwa kong kamay namamanhid na.
Para akong lasing nag pagewang-gewang patungo sa naka frame na set ng baril. Pinili ko ang dessert eagle pistol. Pag kasi rifle mataas ang recoil tulad ng AK47.
Sa kalagayan ko ngayon isang suntok lang sa mukha mawawalan naako ng ulirat. How much sa pagtanggap ng malakas na recoil?
Hinanda ko na ang aking sarili nang meron akong narinig na mga yabag sa hagdan. Naisipan kong magtago sa ilalim ng lamesa.
"Ahhhโ" agad ko tinakpan aking bibig dahil makagawa nanaman ako ng ingay.
Pinatid ko yong daga sa ilalim ng lamesa. Noong maka alis agad akong dumapa at nagtago. Bwesit na daga yon balak pa akong ipahamak.
Palakas ng palakas ang mga yabag indikasyon malapit na ito. Sa paghinto ng yabag, hininto ko na rin ang aking paghinga sa takot marinig n'ya ako.
Sumilip ako sa ilalim ng lamesa at meron akong nakitang leather shoes na itim. Pagkaharap ko ulit sa likod bumungad saakin ang mukha ng halimaw.
"s**t!" Gulat kong sigaw.
Sa labis na gulat imbis barilin na suntok ko s'ya sa mukha. Hindi naman s'ya nakailag nahagip ko ang kanyang pisngi.
Sa bilis ng pangyayari hawak n'ya na ang dalawa kong kamay at marahas akong pinahiga sa sahig. Puma-ibabaw s'ya saakin habang naka ngiti. Nagpupumiglas ako pero lalo lang sumakit ang buong kong katawan sa tamo ko pagkahulog sa hagdanan kanina.
"Kakaiba naman ang naisapan mong laro buhay o kamatayan ang siyang naka taya." Naaliw nitong saad sabay lapit nito sa mukha n'ya sa mukha ko.
Naamoy ko na ang kanyang hininga. Amoy malansa kaya di ko maiwasan mapangiwi. Ano kaya kinakain nito patay na hayop?
"U-umalis ka nga saaking ha-harapan." Nahihirapan kong usal dahil naka upo s'ya saaking t'yan di ako masyadong makahinga.
Dumagdag pa ang kanyang hininga na hindi ka aya-aya ang amoy. Tumawa lang s'ya at sinira ang baril na hawak ko kanina. Binitawan n'ya ako at umalis sapagkadagan saakin.
Isa-isa n'yang sinisira ang mga baril nasa frame. Para bang isa lang itong laruan dahil walang kahirap-hirap n'ya itong binali lahat.
"Ayan wala ka ng magamit laban saakin. Pwede naba tayo mag usap?" Seryusong nitong tanong.
"Ano ba gusto mo malaman?" Mahina kong usal.
"Wala akong gustong marinig, nais ko lang ipaalala na pagmamay ari kita." Seryuso n'yang wika.
Tumigil saglit aking diwa at napataas ang aking kilay sa aking narinig. Hindi lang s'ya weirdo Isa din s'yang baliw.
"Haha, nice joke." Sarcastic kong tugon.
"How come na pagmamay ari mo ako? Patayin mo nalang ako kaysa marinig yang imagination mong walang saysay." Walang gana kong saad habang nakahiga sa sahig.
"Bininta ka saakin ng iyong magaling na ama. Meron pa nga saakin yong documento." Napabangon agad ako saaking narinig.
Nakangiti n'ya akong tinitingnan habang hawak n'ya ang sinasabi n'yang document.
Kahit medyo malayo s'ya saakin malinaw ko nakikita sa ibabaw ang word na 'Contract'. Sa ibaba merong pulang tinta ang nakasulat imprinted name ng aking ama at kanyang signature sa itaas.