Mapupungay ang kanyang mga mata, medyo mapula ang labi, sakto ang tangos ng ilong, hugis ng mukha ay perpekto at sobrang putla ng balat.
Nataohan ako ng mapansin ngumiti ito ng malapad. Napatingin ako sa gawi ni Wilson, tulala itong nakatitig sa babae kaya siniko ko ito.
"Eh, huh?" Wala sa sariling sambit nito.
"Tapos naba kayo? Maari bang 'yang binibini nasa likod mo ibigay mo saakin nakakagalang na ginoo?" Malumanay at magalang nitong saad.
Nalaglag ang panga ni Wilson sakanyang narinig, napa buntong hininga nalang ako.
Pero aaminin ko na amaze rin ako kung paano s'ya magsalita ng purong tagalog.
"Eheem.. kahit gaano kapa kaganda 'di ko basta-basta ibibigay itong amo ko kahit kanino." Pilit pinapaseryuso ni Wilson ang kanyang mukha. Mukha tuloy s'yang natatae.
"Ganoon ba? Hihingi naako ng maagang despensa." Wala pang isang secondo na sabihin n'ya 'yon nasa harapan nanamin s'ya at hindi ko man lang nakita papaano tumalsik si Wilson sa gilid.
Agad nakaramdam ng lamig ang aking buong systema nang hawakan ako nito sa kamay. Para s'yang isang bangkay dahil sa temperature ng kanyang katawan na sigurado akong malapit na sa pagiging ice.
"Sumama ka saakin maipapangako ko ang iyong kaligtasan." Nakangiting nitong saad.
Mukha namang hindi n'ya ako sasaktan sa ngayon, kaya tumango ako bilang tugon. Kahit pumalag pa ako ngayon wala parin akong panama lalo alam ko na hindi ito pangkaraniwang nilalang nasa harap ko.
"Wa-wag kang gagalaw...." Pareho kaming napalingon sa likuran at nandoon si Fedeliz may hawak na shotgun nakatuktuk saamin.
Sumenyas ako na wag n'yang ititira dahil siguradong tatamaan ako. Nakuha n'ya naman ang ibig ko sabihin kaya lumapit s'ya ng dahan-dahan.
"Meron pa palang natira." Usal ng katabi ko.
Malumanay at masarap sa tenga ang Whistle na kanyang pinipakawalan habang nakatingin saakin. Kinurot ko ang aking braso nang makarandam ako ng antok.
Biglang nagising aking diwa ng merong wolf dumakma kay Fedeliz at walang awang kinakagat ang kanyang leeg hanggang sa nahiwalay na ang kanyang ulo sakanyang katawan. Sariwa pa saaking isipan kung papaano s'ya naghihinagpis at nagmamaka-awang merong tutulong.
Hindi ako makapagsalita at bahagya akong napa atras nang makita ko papalapit na dito 'yong wolf habang umaangil.
"Rinieco tigilan mo iyan." Agad umamo ang mukha ng wolf at kumakawag-kawag pa ang buntot.
"Tayo na?" Paanyaya nito sabay offer nito saakin ng kanyang kamay.
Napilitan akong hawakan ang kanyang kamay nang makita ko 'yong wolf matutulis ang tingin saakin.
Bwesit na sitwasyon 'to, pag merong pagkakataon itatakbo ko talaga ang buhay ko.
"Pasensya na hindi ko pa napakilala ang aking sarili, ako nga pala si Kefour Loltuza." Pagpakilala nito habang nakangiti.
Kanina ko pa napapansin panay ito ngiti, na weirdohan naako sakanya. Hindi ko nalang iyon pinansin at nagpakilala rin saaking sarili.
Habang naglalakad kami palabas sa police station puro bangkay ang nakahalera sa bawat sulok ng hallway. Lahat ng bangkay sa leeg may malaking butas at walang duda 'yong alaga ng halimaw nato ang kagagawan.
"Saan mo ko balak dalhin?" Tanong ko.
"Sa iyong tahanan." Casual nitong tugon.
Hindi ko mapigilang ngumiti sapagkat meron akong pagkakataon paslangin s'ya kung doon n'ya gusto pumunta. Nakakatuwang isipin na meron naakong plano paano s'ya patayin at pahihirapan hanggang sa mamatay.
"Ngayon ko lang napansin lalo kang gumaganda kapag ngumingiti." Nahiya ako sakanyang compliment kaya nauna naakong naglakad palayo.
Sanay naman akong masabihan na maganda pero sa tuno kasi ng boses n'ya alam mong hindi s'ya nagbibiro at walang halong pagnanasa. Kaya para akong nanibago na medyo komportable.
"Pwede bang wag na natin isasama yang alaga mo?" Tukoy ko sa wolf na hanggang ngayon sumusunod parin saamin.
Pag and'yan yan, may 90% possibility na ako yong mamatay.
"Sige kung iyan ang iyong nais." Tulad nga ng kanyang sinabi pinapaalis nga n'ya ang kanyang alaga sa pamamagitan ng pag whistle ng matinis at agad naman 'yon lumisan.
Pumara ako ng taxi at hinintuan naman ako agad. Pagkabukas ko sa pinto ng taxi pumasok itong 'gulungong', nagmumukha tuloy akong alalay. Hindi ko maalala ang kanyang pangalan dahil ang napapansin ko lagi sakanya ang kanyang ngiti, akala mo naman anghel.
"Saan tayo mga miss?" Magalang na tanong ng taxi driver.
"Morton City, Flourine street 302." Tumango ang taxi driver at umusad na ang saksakyan.
Habang nakatanaw sa bintana, randam ko na merong nakatitig saakin sa gilid. Tumagal 'yon ng ilang minuto at hindi naako komportable. Lumingon ako sa gawi ni gulungong at tama nga ako nakatitig ito saakin.
"May problema?" Awkward kong tanong.
"Wala, huwag mo akong pansinin." Saad nitong nakangiti.
Binaling ko nalang ulit ang aking paningin sa bintana at hindi na ininda ang nakakailang na titig. Pagkarating sa lokasyon agad naakong bumaba.
"Miss bayad n'yo po!" Natatarantang sigaw ni manong sabay habol saakin.
Nahihiya naman akong bumalik habang kumakapa saaking magkabilaang bulsa. Nang wala akong makapa bigla kong naalala kinuha pala lahat ng gamit namin ng mga pulis bago kami nilagay sa kulungan. Pati nga sinturon ko hindi pinalampas dahil pwede daw yon maging murder weapon.
"Ginoo sapat na ba ito sa hinihingi mong kabayaran?" Agad akong napatingin sa gawi ni gulungong na ngayo'y pinangbabayad n'ya na ang kanyang gintong relo na kumikinang pa.
"Nako po, hindi ko 'yan matatangap." Nawiwindang tanggi ni manong.
Ano kaba naman gulungong, 557 pesos lang hininingi n'yan. Ganoon kana ba ka yaman?
"Kulang? Kung ganon..." Gulat akong meron pala s'yang dalang katana at ang design parang ng galing pa ito sa sina unang dynasty.
"Basi sa naging reaksyon mo.. sapat na ito hindi ba?" Galak na saad ni gulungong sabay lahad ng kanyang relo at katana.
Hindi makapagsalita si manong, napayuko ito at hindi na alam anong gagawin. Napahawak ako saaking sintido at nagpapasalamat ako sa driver dahil hindi ito sakim at mukhang pera.
"Nakakagulat kulang pa rin ba?" Nawala ang ngiti n'ya sa labi at napalitan yon ng nakakamatay na tingin.
"Ahh, haha.. manong naiwan wallet ko sa bahay, can you wait a minute?" Sabat ko sa usapan dahil pakiramdam ko na galit 'ata si gulungong.
Nagtatakang tumango nalang si manong.
Nang makita kong huhulbutin na ni gulungong ang hawak n'yang katana, agad ko ng hinila ang kanyang braso sabay hatak papasok sa gate.
Inis ko s'yang kinaladkad, may balak ba s'yang dagdagan ang aking sintensya sa bilanggoan?
"Young master masaya kaming naka balik kana." Bungad na ani ni Selon, ama ni Wilson.
Tumingin Ito sa katabi ko at kanyang mukha mababakasan mo ng takot at pagkagulat. Nagtataka akong napatingin kay gulungong at sa ama ni Wilson.
"Merong taxi driver naghihintay sa labas bigyan mo ng pera." Sinunod naman nito agad ang utos ko at nagmamadaling lumisan.
Nagtataka man sakanyang kinikilos makapag hintay pa naman ako na tatanungin s'ya mamaya. Sa ngayon may tatapusin pa akong bagay-bagay.
Nasapo ko ang aking noo nang maalala ko si Wilson. Nakalimutan ko dahil sa nakakabaliw na pangyayari. Alam ko namang buhay s'ya noong iniwan ko s'ya doon, kaya wala ng dapat ipag-alala.
"May dinaramdam ka?" Rinig kong bulong nitong katabi ko.
Napangiti ako at bahagyang ni lapit ang aking sarili sakanya. Inihiling ko ang aking ulo sakanyang dibdib at malinaw ko naririnig ang malakas na pintig ng kanyang puso. Amoy rosas ang kanyang damit hindi nakakairita sa ilong.
"I'm fine." Malambing kong tugon.
Niyakap ko s'ya ng mahigpit at hindi naman ito umangal. Noong makapa ko yong katana sakanyang likod, agad ko yong kinuha at tinutok sakanyang leeg.
"Checkmate." Nakangisi kong saad.