After 5 years Halos limang taon na ang nakalipas nang iniwan ni Nathalie ang Pilipinas. Isa na siyang sikat na modelo at fashion designer sa America. Sa limang taong iyon, inuna niya ang sarili, puspusan niyang inaral lahat upang maging matagumpay sa industriyang kinabibilangan niya ngayon. Nakapagtayo rin siya ng sariling fashion company and brand, pinangalanan niya itong ‘Luxura’. Mayro’n na rin siyang isang branch sa Pilipinas at isa sa mga sikat na brand din doon . “Ma’am, Mr. Luke wants to see you, he’s with the twins outside.” Napalingon siya sa kan’yang sekretarya. Tumango lamang siya bilang sagot saka tumayo. “Please, tell him to get inside,” utos niya sa babae kaya agad itong lumabas. Mayamaya lamang ay nasa loob na si Luke, nakabusangot itong nakatingin kay Nathalie kaya

