Kabanata 1
“Nathalie! Ano ka ba? Magtatanghali na, nakahilata ka pa riyan sa kama, bumaba ka na rito at maghain ng almusal!”
Napatalukbong si Nathalie ng kumot dahil sa sigaw ni Tiya Sonya. Nakakainis ang tinis ng boses ng kanyang tiya, sumasakit din ang kanyang tainga dahil doon. Wala siyang choice kung ‘di ay bumangon dahil makakatikim na naman siya ng sampal galing sa matanda.
Sobrang sakit ng katawan niya dahil maghapon din siyang nasa palengke’t nagtitinda ng isda. Mas maigi na itong trabaho kaysa naman sa club pa siya mapunta, iyon kasi ang trabaho ng kanyang tiyahin at pinipilit siyang magtrabaho roon.
“Nathalie! Putang ina mong bata ka! Kanina pa ako sigaw ng sigaw sa baba’t nakahiga ka pa rin?” galit na sambit sa ni Tiya Sonya.
Hinatak nito ang kanyang kamay at puwersang nilabas siya sa kanyang kwarto. Ang totoo niyan bodega ito dati, nilinis niya lang at pinaganda para maging mukhang kwarto at kaaya-aya.
“O-Opo, pasensiya na Tiya, masakit lang kasi ang katawan ko,” paumanhin niya ngunit malakas na batok lamang ang kanyang natanggap mula sa tiyahin niya. Mangiyak-ngiyak siyang naglakad pababa at hindi na lang umimik.
“Gaga ka kasi! Kung tinanggap mo lang ang pagiging puta sa club na pinagta-trabahuan ko, eh ‘di sana p**e mo lang iyong masakit!” sigaw nito.
Kahit kailan ay bastos talaga ng pagbubunganga nitong tiyahin niya.
“H-Hindi ako magiging katulad niyo,” bulong ni Nathalie at mabilis na pumunta sa kusina para paghainan sila ng almusal.
“Anong sabi mo?” sigaw pa nito ngunit hindi na niya ito pinansin. Nagkibit-balikat lamang siya. Hindi na rin siya nito pinansin dahil tinawag ito ng kaniyang kasintahang kano.
Mabilis siyang natapos sa paghahain. Nasanay na siya na siya ang naghahain ng almusal sa kanilang pamilya. Mayroon siyang dalawang pinsang babae at isang lalaki, sina Amy, Avy at Alexis. Lahat sila ay anak ni Tiya Sonya sa iba’t-ibang lalaki. Mayroon din itong kasintahan ngayon, mas matanda sa tiyahin niya at kano. Ang kano ang kinakatakutan ni Nathalie dahil minsan na rin n’yang nakitang namboboso ito sa kanya. Napakamanyak nito sa totoo lang.
Mayamaya ay dumating na ang mga anak ni Tiya Sonya, inirapan lamang siya ni Amy at Avy, si Alexis naman ay nginitian siya.
“Magandang umaga, Nathalie. Anong pagkain natin?” tanong ni Alexis sa kanya. Kahit papaano ay may tao pa ring mabuti ang pakikitungo kay Nathalie. Si Alexis din ang taong nagtatanggol sa kanya noong minsang pinagbuhatan siya ng kamay ng kanyang Tiya Sonya.
“Ano ka ba naman kuya, bulag ka ba? Nasa harapan mo na ang almusal natin magtatanong ka pa?” mataray na sambit ni Amy sa kapatid.
“Whatever, napakamaldita mo talaga. Kailan ka ba magbabago?”
Ngumisi si Amy kay Alexis at napatingin kay Nathalie.
“Kapag nawala na ang magaling nating pinsan,” saad nito kaya napailing siya. Hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon ay galit na galit pa rin ito sa kanya. Wala naman siyang ginawang kasalanan, kasalanan niya bang nagkagusto sa kanya ang ex-boyfriend nito noon? Ni hindi niya nga pinatulan iyon kahit na kinukulit siyang mamasyal sa labas.
“Tumigil ka nga riyan, Amy. Wala namang ginagawang masama si Nathalie sa’yo ah,” tanggol sa kanya ni Alexis.
“Ano na naman bang problema rito? Ang aga-aga’y nagbabangayan kayo!”
Napalingon sila sa taong nagsalita, si Tiya Sonya pala iyon kasama ang kaniyang kasintahang kano. Kita ni Nathalie ang pagngiti sa kanya ng kano at ngumisi pa. Bigla siyang kinabahan dahil sa uri ng titig nito.
“Tumabi ka nga riyan, Nathalie. Nakaharang ka sa dinadaanan ko, tapos ka na ba rito? Kung tapos na puwede ka nang umalis at pumunta sa bodega!” galit na saad ni Tiya kaya dahan-dahan siyang tumango sa matanda.
Maglalakad na sana siya ngunit bigla siyang natulos sa kanyang kinakatayuan. Hindi niya alam kung paano ba siya mag-re-react, mangiyak-ngiyak siyang tumingin kay Tiya Sonya ngunit nakatalikod lamang ito sa kanya. Doon ay nakita niyang nakangisi si Kano. Kumindat pa ito sa kanya at napakagat ng labi.
Mabilis siyang lumabas at pumunta sa kanyang kwarto, agad niyang isinara amb pinto. Sobrang lakas ng t***k ng kanyang puso at napakagat pa siya ng labi. Hanggang sa nalasahan niya na ang dugo at doon siya napaiyak.
Hinipuan siya ng manyakis na kanong iyon!
Diyos ko! Hindi niya alam kung anong gagawin niya, natatakot siyang may gawin itong masama sa kanya. Gusto niyang magsumbong ngunit natatakot siyang baka hindi siya paniwalaan ng tiyahin.
Iyak lang siya ng iyak kaya hindi niya na namalayang nakatulog na pala siya.
***
Nagising si Nathalie nang may humahaplos sa kanyang hita, napakunot siya ng noo at mabilis na napabalikwas. Kita niya iyong kanong kasintahan ng kanyang tiyahin na nakaupo sa paanan ng kanyang kama. Nanlalaki ang kanyang mga mata nang makitang nakalabas na ang alaga nito at hinimas-himas pa iyon. Tatakbo na sana siya ngunit mabilis siya nitong hinawakan sa braso.
"Diyos ko! Tulungan niyo po ako!" Iyan lamang ang nasa isip ni Nathalie.
“Don’t be afraid, sweetheart. I’ll give you money after this,” saad nito ngunit hindi niya ito maintindihan dahil hindi naman siya marunong magsalita ng Ingles. Tanging naintindihan niya lamang ay money na ang kahulugan ay pera.
“N-No money! N-No money!” nauutal nyang sambit sa kano.
“What? No money? That’s why I’m giving you money after our session,” sagot nito ngunit umiling-iling lamang si Nathalie.
Hahalikan na sana siya nito ngunit mabilis siyang sumigaw, roon ay agad nitong hinawakan ang kanyang bibig para siya'y patihimikin. Tumulo ang kanyang luha dahil sa sobrang takot at sakit. Hawak nito ang kanyang braso ng mahigpit pati na ang kanyang bibig.
“Shhh, this is going to be quick, Darling. You know what, you are so beautiful and sexy. I want to taste you!”
Nagpupumiglas si Nathalie dahil pilit nitong hinahalikan ang labi niya. Hanggang sa nakawala siya sa mga bisig ng lalaki at mabilis na pumunta sa loob ng bahay ng kanyang Tiyahin.
Punit-punit ang kanyang damit gawa ng pagpupumiglas niya sa Kanong manyakis na iyon. Puno ng luha ang kanyang pisngi at gulo-gulo na rin ang kanyang buhok. First time mangyari ito sa kanya kaya sobrang nanginginig pa rin siya.
“Tiya!” sigaw niya sa loob. Nagsilabasan naman ang kaniyang pinsan sa kani-kanilang kwarto. Puno ng pagtatanong ang kanilang mga mata, agad siyang dinaluhan ni Alexis at mabilis na tinakpan ang kanyang katawan.
“A-Anong nangyari sa iyo?” tanong ni Alexis kay Nathalie. Halata ang pag-aalala sa mukha nito kaya naapayakap siya ng mahigpit sa pinsan.
“Iyong k-kasintahang kano ni T-Tiya Sonya muntik na niya akong gahasain. M-mabuti n-nalang at n-nakawala ako sa k-kaniya,” nanginginig na saad ni Nathalie kay Alexis.
“ANONG SABI MO?”
Napalingon sila sa sumigaw at nakita nilang si Tiya Sonya pala iyon. Dahan-dahan lumapit si Nathalie sa tiyahin.
“T-Totoo po iyon Tiya, m-muntik na niya akong gahasain, n-nagising na lang ako na hinihimas-himas niya ang aking mga hita at pilit niya akong h-hinahalikan, t-tulongan niyo p-po ako,” nagmamakaawa niyang saad kina Tiya Sonya ngunit malakas na sampal ang natanggap niya rito.
“Gaga! Hindi magagawang manloko sa akin ni Kano! Siguro nilandi mo siya ‘no? Aba’y puta ka rin pala! Matapos mong landiin ang ex-boyfriend ng anak ko pati ba naman kasintahan ko titirahin mo pa?”
Napapikit si Nathalie ng mariin dahil sa sinabi ng tiyahin. Sobrang nasasaktan siya dahil sa nangyayari ngayon. Ito na nga ba ang kinakatakutan niya ang walang maniniwala sa sinasabi niya.
“Honey!” Napalingon sila nang makita si Kano na hingal na hingal. Mabilis siyang pumunta kay Alexis at nagtago sa likuran.
“Honey! Don’t believe what that b***h had told you. She seduced me, she said she wanted money and want to have s*x with me in exchange of dollars,” palusot ni Kano at kaagad na lumapit kay Tiya Sonya. Niyakap naman ito ng kanyang tiyahin at sinipat pa talaga kung mayroong sugat ang kasintahan. Biglang uminit ang ulo ni Nathalie dahil sa ginawa ng kan'yang tiyahin. Imbis na ipagtanggol ang sarili nitong pamangkin ay mas kumampi talaga ito sa kasintahang Kano.
“Tiya Sonya naman! Mas kakampihan mo pa talaga ang Kanong iyan kaysa sa pamangkin mo?” sigaw ni Nathalie sa tiyahin. Sobrang dismayado talaga siya sa ginagawa ni Tiya Sonya ngayon.
“Tumahimik ka ngang malandi ka! Sabi ni Kano ay nilandi mo raw siya at gusto mo pa talagang mahuthutan itong boyfriend ko? Hindi ka na nadala noon ah! Gusto mo bang makatikim na naman sa akin? Gaga!” galit na sigaw nito at pilit siyang kinukuha kay Alexis.
“Halika rito! Tuturuan kita ng leksyon! Sakit ka talaga sa ulo! Letse kang bata ka!” sigaw nito ngunit niyakap niya lamang si Alexis sa likuran. Hindi naman siya maabot ni Tiya dahil sobrang tangkad at malakas si Alexis kaysa matanda.
“ALEXIS! Umalis ka riyan!” sigaw nito ngunit hindi natinag ang lalaki. Panay lamang ang iyak ni Nathalie sa likod at sobrang natatakot dahil mauulit na naman siguro ang pang-aabuso nh Tiyahin niya sa kanya.
“Tigilan mo na nga ang pananakit kay Nathalie! Sumusobra na talaga kayo, Mama!” sigaw ni Alexis sa kaniyang ina. Roon ay natigilan si Tiya Sonya dahil ngayon lamang nito nakitang nagalit at sumigaw si Alexis.
“Umalis ka riyan Alexis, kung hindi itatakwil kita,” malamig nitong saad sa anak. Napasinghap si Nathalie sa sinabi ni Tiya Sonya, hindi niya lubos maisip na kaya pa lang itakwil nito ang paborito at bunsong anak.
Unti-unti siyang kumalas sa pagkakayakap sa pinsan kaya napalingon si Alexis sa kanya.
“Nathalie…”
Malungkot ang ekspresyon nito at naiiyak na rin. Ipinangako nito kasi noon, matapos siyang abusuhin ni Tiya Sonya ay ipagtatanggol na siya nito sa matanda. Hindi nito siya hahayaang saktan pa ng iba.
Tumango si Nathalie at ngumiti ng tipid.
“Ayaw kong mawalay ka sa pamilya mo nang dahil sa akin, Alexis. Okay lang ako, huwag kang mag-alala.”
“P-Pero…”
“Okay lang ako, kakayanin ko ito,” saad niya sa pinsan at dahan-dahang umalis sa bahay.
“Amy, pakikuha ng latigo ko sa kwarto.”
Napapikit si Nathalie ng mariin at napahikbi nang marinig niya iyong sinabi ni Tiya Sonya. Wala siyang choice kung ‘di ay bumalik sa kanyang kwarto..
Roon ay matinding hagupit na naman ng latigo ang kanyang mararanasan.
Puno na naman ng pasa at sugat ang kanyang likod kinabukasan.
Nang makarating siya sa kwarto ay dahan-dahan niyang hinubad ang kanyang damit pang-itaas. Mabilis siyang dumapa roon at hinintay si Tiya na makapasok sa kanyang kwarto. Mayamaya lamang ay dumating na ito at malakas na hampas ng latigo ang kanyang natamo. Napapikit siya ng mariin dahil sa sobrang sakit.
“Hindi ka na nadala! Sobrang landi mo pa rin! Punyeta ka!”
Iyon lang ang narinig ni Nathalie dahil hilong-hilo na siya sa sunod-sunod na hagupit ng latigo sa kanyang likod. Sobrang hapdi at sakit noon na parang nararamdaman niyang dumurugo na ito.
Habang nararamdaman ni Nathalie ang paghagupit nito sa kanya ay naalala niya kung paano nga ba siya napunta rito.
Paano nga ba?
May sakit ang kanyang Inay at namatay na rin ang kanyang Itay dahil sa Lung cancer. Marami silang naging utang sa Tiyahin dahil sa pagpapagamot ng kanyang Itay noon. Halos isang daang libo ang nagastos ni Tiya Sonya sa pagpapagamot sa kanyang ama.
Hanggang sa ilang buwan ang nakaraan matapos ang libing ng Itay niya ay nagkasakit naman ang kanyang Inay.
Breast cancer…
At nang hindi na nila kaya ang gastusin at hindi na rin sila pinapahiram ng kanyang Tiyahin ay napagpasiyahan niyang mamasukan bilang katulong sa kanila para mabayaran niya ang utang nila noong buhay pa ang kanyang Itay.
Hanggang ngayon ay naroon pa rin ang kanyang Inay sa hospital, iyong kita niya sa pagtitinda ng isda sa palengke ay iniipon niya para may pang-surgery at dialysis na ito. Kunting-kunti na lang ay makakaipon na siya ng sapat na pera para mapagamot mo na ito.
Mayamaya ay nahinto na ang panlalatigo sa kanyan ni Tiya. Agad nitong hinagis sa kanya ang kanyang damit at nagsindi ng sigarilyo.
“Magbihis ka na.”
Agad siya nitong sinunod kahit nahihirapan pa rin siyang igalaw galaw ang sugat sa kanyang likod. Sobrang hapdi no’n na para ba siyang hihimatayin.
“Makinig ka, matagal ko na itong pinag-iisipan at ngayon sinagad mo ang aking pasensiya. Nakapagdesisyon na ako…”
Napakunot siya ng noo dahil hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ng kanyang tiya. Ngumisi lang ito at bumuga ng usok sa kanyang harapan.
“Tutal, hanggang ngayon ay hindi mo pa rin mabayaran ang utang niyo sa akin. Napagpasyahan kong tanggapin ang offer ng isa sa mga kliyente ko. Isang milyon kapalit ng isang babaeng parausan at ikaw, ikaw Nathalie ang ibibigay ko.”
Nanlaki ang mga mata ni Nathalie dahil sa sinabi ng kanyang Tiyahin. Tila ba tumigil ang kanyang mundo at nanginig ang kanyang katawan dahil sa mga salitang binitawan nito.
“I-Ibebenta n-niyo a-ako, Tiya?” tanong ni Nathalie sa matanda.
“Oo at wala kang magagawa kung ‘di ay sundin ako.”