Kabanata 2

1648 Words
“Nathalie…” Napalingon ako sa aking likuran. Ilang oras na ang nakalipas nang umalis si Tiya Sonya sa aking kwarto. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang hapdi ng aking likod dahil sa hampas ng latigo sa akin. Masakit, sobrang sa sakit ngunit wala akong magagawa. Malaki ang utang namin kay Tiya. “Okay ka lang ba?” tanong ni Alexis sa akin. Marahan akong ngumiti at tumango sa kaniya. Napansin kong may dala-dala siyang isang box, hindi ko maaninag kung ano iyon dahil sa dilim ng aking kwarto. Kandila lang kasi ang nagsisilbing ilaw ko sa loob. “First-aid kit ito, gusto kong gamutin ang likod mo, kung okay lang sa’yo,” sambit nito sa akin. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at umiling. “Huwag na, ako na lang ang maggagamot sa sarili ko, pakilagay na lang ng kahon riyan sa mesa. Hindi ka ba hahanapin ni T-Tiya? Baka magalit iyon sa’yo dahil pumunta ka rito,” mahaba kong litanya sa kan’ya. “Hindi, naroon na si Mama sa club kasama ang kasintahan niyang Kano huwag kang mag-alala.” “Ah, gano’n ba?” Ilang minuto lang kaming tahimik, nakatulala lang ako roon sa kandilang papaupos na. Kagaya rin ako niyan, kunting-kunti na lang ay susuko na ako. Kung hindi ko lang naiisip si Inay na nasa hospital ay hindi ako mamamalagi rito. Impyerno ang bahay na ‘to. “N-Nathalie, p-pasensiya ka na kay Mama. Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya sa’yo sobra akong nahihiya dahil wala akong magawa kanina. Nangako pa naman ako sa’yo na ipagtatanggol kita sa kan’ya.” Nakayuko lang ito na para bang nahihiya sa akin. Napangiti ako ng pilit dahil doon. “Huwag ka ngang mag-drama riyan. Ako lang ang puwedeng mag-drama rito. Isa pa, pinagtanggol mo ako kay Tiya Sonya kanina sapat na iyon sa akin. Sapat nang kahit papa’no may kakampi ako rito sa bahay na ito.” Mangiyak-ngiyak niya akong tiningnan at umupo sa aking kama katabi ko. “Umalis ka na kaya rito, Nathalie,” suhestiyon niya ngunit napatawa ako. “Mukhang pinapalayas mo na ako, pinsan ah,” biro ko sa kaniya. “NO! Nag-aalala lang ako sa kalagayan mo, mas maigi sigurong umalis ka na rito sa bahay baka kung ano pa ang masamang mangyari sa’yo. Ayaw ko nang maulit iyong kanina. Hangga’t may pagkakataon tumakas ka na. Na-Narinig ko rin kanina na ibebenta ka raw sa isang kliyente ni Mama, kaya nag-aalala ako sa’yo. Nathalie… Tutulongan kitang makalabas dito, sabihin mo lang sa akin kung kailan,” pangungumbinsi niya sa akin. Napaisip ako sa sinabi sa sinabi ni Alexis. Ang totoo niyan plano ko na talagang umalis dito, kahit ako ay natatakot dahil balak pala akong ibenta ng aking tiyahin. Marami ang mga kasong gano’n ngayon, nakikita ko sa balita at hindi na sila natagpuan ng kani-kanilang pamilya. “T-Tulongan mo ako, Alexis. Tulongan mo akong makawala sa impyernong ito,” seryosong saad ko sa kaniya. Hinawakan niya ang aking balikat at seryosong tiningnan. “Oo, pinsan tutulongan kita, huwag kang mag-aalala. I-empake mo na ang mga gamit mo, habang may oras pa tayo. Lilibangin ko lang ang aking mga kapatid, babalikan kita kapag nakita kong tulog na sila.” Tumango ako sa kaniya at dahan-dahang naglakad para kunin ang aking mga gamit upang isilid iyon sa aking bag. Hindi ko na ininda ang sakit ng aking katawan at hilo dahil gusto ko na lamang makawala sa sitwasyong ito. Mabilis kong sinilid sa aking bag ang alkansiya kong ilang taon ko nang nilalagyan ng pera. Napahinga ako ng malalim at napapikit ng mariin. Kunting halaga na lang ‘Nay mapapagamot na kita. Ilang minuto lang ang nakalipas ay tapos na akong mag-impake. Dumating na rin si Alexis kaya napatingin ako sa kaniya. “Tapos ka na bang mag-impake?” tanong nito sa akin. Halata ang kaba sa kaniyang mukha. Pati tuloy ako ay kinakabahan, walang humpay din ang pagtibok ng aking puso baka kasi mahuli kami. “Okay na tapos na.” Napahinga siya ng malalim at tiningnan ako ng seryoso. “Tulog na ang dalawa kong kapatid. Ang problema na lang natin ay ang guard sa labas. Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala sa kan'ya. I will distract him.” Kumunot ang aking noo dahil hindi ko maintindihan ang huli niyang sinabi. Hindi kasi ako nakakaintindi ng Ingles dahil hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Hanggang Grade two lamang ako dahil kapos na kapos din kami sa buhay. Bata pa lang ay tumutulong na ako magtinda ng isda sa palengke kasama ang aking Inay. “Sorry, Nathalie. Ang ibig kong sabihin ay gagambalain ko ang guard, kakausapin ko siya para hindi ka niya makitang umalis dito sa bahay,” saad niya kaya napatungo ako. Iyon pala ang kahulugan noon. “Sige, maraming salamat, Alexis. Sobra akong nagpapasalamat dahil naging mabuti kang pinsan sa akin. Simula noong unang pagdating ko rito ay puro kabutihan na ang pinapakita mo sa akin. Masaya akong nakilala kita at hindi kita makakalimutan kailanman,” naiiyak kong saad sa kaniya. Nagyakapan kaming dalawa at tumango sa isa’t-isa hudyat na ito na. Ito na ang oras para makatakas sa kamay ni Tiya Sonya. “Mag-iingat ka, Nathalie. Huwag mong kakalimutang tumawag sa akin,” saad nito at binigay ang telepono niya. Nanlaki ang aking mga mata dahil doon. “Gamitin mo iyan, alam kong kailangan mo ito. Nariyan ang number ko, marunong ka namang gumamit niyan dahil tinuruan na kita, ‘di ba?” tanong nito sa akin. “O-Oo, ngunit paano ka?” “Mayroon akong extra-ng telepono sa bahay. Kakabili ko lang, huwag kang mag-alala. Naka-save na rin diyan ang number ng hospital ni Tiya Helen pati na rin ang kaibigan mong nars na si Sabel,” wika niya at ngumiti. Sa kaniya kasi ako nakikitawag para kumustahin ang kalagayan ni Inay. Mabubuti rin doon ang mga nars, kagaya ni Sabel, isa siya sa mga naging kaibigan ko at malapit sa akin. Siya rin ang nagbibigay ng balita sa kalagayan ni Inay. “Maraming salamat.” Kinuha na namin ang aking bag at naglakad na palabas ng aking kwarto ngunit no’ng papalabas pa lang kami ay agad na tumunog ang binigay na telepono ni Alexis sa akin. Napakunot ang aking noo at binigay ito sa aking pinsan. “S-Sino ang tumatawag, Alexis?” tanong ko sa kaniya. Hindi ko kasi mabasa ang nakasulat sa telepono. Kinuha niya ang telepono at tiningnan. “Si Sabel,” saad nito at agad na sinagot ang tawag. Bigla akong kinabahan. Napakagat ako ng labi habang kausap ni Alexis si Sabel para bang seryoso ang kanilang pag-uusap. “Sige, ibibigay ko na sa kan’ya,” sambit ni Alexis at binigay sa akin ang kan’yang telepono. “Hello, Sabel?” sagot ko. Rinig ko ang paghinga ng malalim nito sa kabilang linya. “Nathalie, isinugod sa E.R. ang Inay mo, malala na ang kaniyang kalagayan. Nathalie… Kailangan na niyang operahan, kumakalat na kasi ang cancer sa kan’yang katawan. Sabi ng Doctor kahit 50% lang muna ang bayaran mo, okay na ‘yon basta’t mahalaga maoperahan na si ‘Nay Helen.” Napatakip ako ng bibig dahil sa kaniyang sinabi. Unti-unting tumulo ang luha sa aking pisngi. “Nathalie- tatagan mo ang loob mo. Kailangan ka ni ‘Nay Helen rito,” dagdag pa nito kaya napatango ako kahit hindi niya nakikita. “S-Sige, may naipon na rin ako rito, pakisabi sa Doctor ay operahan na si Inay,” saad ko sa kaniya at mabilis na pinatay ang telepono. “A-Ano raw ang sabi?” tanong ni Alexis. “Malala na ang kalagayan ni Inay at kailangan na siyang operahan,” naiiyak kong sambit sa kaniya. Nanlaki ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin. Tila ba hindi makapaniwala sa aking sinabi. “M-May s-sapat ka na bang ipon diyan?” tanong nito sa akin. Agad kong kinuha ang aking alkansya sa aking bag. “Mayroon na, sapat na siguro ito para sa 50 porsyentong bayarin sa hospital,” saad ko sa kaniya at agad na binasag ang baboy sa harap namin ngunit ganoon na lamang ang aking gulat at kaba nang makitang walang mga papel sa loob. Mabilis kong hinanap iyon sa sahig ngunit bente pesos lang ang aking nakita. Napatingin ako kay Alexis, kahit siya ay gulat na gulat din. “A-Alexis, may k-kumuha ng i-ipon ko sa aking a-alkansiya,” naiiyak kong sambit sa kaniya. Napasabunot ako sa aking ulo na para bang nababaliw na. “A-Alexis! P-Paano nawala ang laman ng alkansiya ko? H-Hindi ko maintindihan, bakit bente na lang? Araw-araw akong naghuhulog ng pera riyan bakit ganiyan lang?” tanong ko sa kaniya at napabalik-balik sa loob ng aking kwarto. Hanggang sa mabilis kong hinalungkat ang aparador at ang aking bag. Tumutulo ang aking luha habang ginagawa iyon. “Nathalie, kumalma ka,” nag-aalalang saad nito sa akin ngunit marahas ko siyang tiningnan. “P-Paano ako kakalma? S-Sabihin mo nga? Nawawala ang perang pampagamot ko sa aking ina! Malala ang kondisyon niya ngayon tapos nawawala pa ang aking pera!” sigaw ko at sinabunutan ang aking sarili. Para bang nasisiraan na ako ng bait dahil hindi ako makapaniwalang nawala iyon ng isang iglap. Pinaghirapan ko iyon, dugo’t pawis ang aking pinuhunan para maipon iyon tapos mawawala lang? “M-mas mabuti pang pumunta na lang muna tayo sa hospital, hayaan mo na muna ang pera, ako na ang bahala roon,” saad nito ngunit napailing ako sa kaniya. “Ano ka ba, Alexis! Saan ka kukuha ng pera? Nag-aaral ka pa’t wala kang trabaho!” sigaw ko sa kaniya. “Pero–” “ANONG NANGYAYARI RITO?” Napalingon kaming dalawa ni Alexis sa sumigaw. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang aking tiyahin na nakapameywang sa pintuan ng aking kwarto. Bigla akong kinilabutan dahil sa matalim na titig nito sa akin. “T-Tiya S-Sonya…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD