Kabanata 11 Ilang araw nang nag-aalala si Nathalie dahil hindi pa rin umuuwi si Isaac sa kanilang bahay. Hindi niya alam kung nasaan ito nagpunta. ni-text o tawag ay hindi man lang nito sinasagot. Palagi tuloy siyang nagsisinungaling kay Tatay Rodrigo niya kapag tinatanong nito kung naroon ba si Isaac sa bahay nila. Ilang araw na rin niyang pinagtatapon ang asawa subalit ngayon, wala siyang nagawa kung ‘di ang sabihin ang totoo dahil nahuli siya ng matanda na nagsisinungaling. Ang sabi niya ay natutulog si Isaac subalit bumisita pala ang matanda’t nagtanong sa guard kung nasaan si Isaac kaya nalaman nito na ilang araw na itong hindi umuuwi sa bahay nila. Agad naman siyang humingi ng tawad, mabuti na lamang at mabait ang matanda kaya pinatawad agad siya, pero galit na galit ito sa anak.

