Nathalie Grace Sarmiento Nagising si Nathalie sa paulit-ulit na pagtapik sa kan'yang mukha't braso. Agad siyang napamulat at napabalikwas dahil sa masamang panaginip. Pawis na pawis siya't nanginginig. Kita niya ang pag-aalala ni Sabel at kan'yang ina habang nakatingin sa kan'ya. "Nathalie, okay lang ba? Binabangungot ka, anak," alalang sambit ni Nanay Helen sa kan'ya. Mabilis ang paghangos ni Nathalie kaya pinakalma niya ang sarili. "O-Okay lang po ako, 'Nay. Pasensya na kayo at pinag-alala ko pa kayo. Pagod lang po ako sa byahe kaya siguro'y binabangungot ako." " Narito na tayo sa Manila, Nathalie isang sakay na lamang ay makakarating na tayo sa apartment niyo ni Nanay Helen. Gusto mo bang bumaba muna tayo sa bahay niyo ni Isaac??" Umiling siya bilang sagot. " Huwag na muna.

