Kabanata 30 Napatingala si Nathalie sa isang lumang bahay sa harap niya. Halos ang pintura ng mga pader nito ay kupas na, inaanay na rin ang gate na gawa sa kahoy at ang bintana na gawa sa salamin ay basag-basag rin. Maliit lamang ang renta ng bahay na nahanap nila dahil malayo ito sa bayan. Siguro nga sila ang pinakadulo sa bayan ng Alcala. Malayo-layo rin ang binyahe nila bagay na pabor sa kan’ya dahil malabong mahanap siya ni Isaac doon. Nasa tago siyang lugar kaya imposibleng mahanap pa siya nito. Kasama niya ngayon si Sabel at ang kan’yang inang si Helen. Sobrang nakokonsensya siya dahil mas pinili ni Sabel na sumama at isuko ang trabaho nito para lang samahan sila. Kung titingnan iilan lamang ang bahay roon, isa itong napakaliit na barangay sa bayan ng Alcala na nagngangalan

