Kabanata 44 Isaac Vasquez Nagising si Isaac na wala sa tabi niya ang kan'yang asawa. Agad siyang tumayo at napabalikwas dahil doon. Napahinga siya ng maluwag nang marinig ang boses ng kanyang asawa habang nasa labas ito. Rinig niya ang tawa nito kaya napakunot siya ng napangiti siya. Binuksan niya ang pinto at nakita niya sina Logan, Sabel at Nathalie na may tinitingnan sa tablet ng anak ng mag-asawa. "Oh, nakita mo na? Sabi ko sa'yo eh, bakla dati itong kaibigan ko, kung sana nagtanng ka sa muna sa akin, una pa lang," natatawang sabi ni Logan sa kan'yang asawa kaya napakunot ang kan'yang noo. Rinig na rinig ng dalawang tainga niya kung gaano sila kaingay. "Tangina, mayroon pang naka-swim suit!!" sigaw ni Sabel kaya agad siyang umeksana roon at nakiusyuso. "Ano iyan??" tanong n

