Kabanata 32- WARNING Isaac Vasquez “Gregory!” tawag ni Isaac kay Gregory dahil nakatulala lamang ito sa kawalan. Nagulat ito nang marinig nitong tinawag niya ang pangalan nito. “B-Boss, hindi ko alam ang gagawin ko. Nag-aalala ako kay Katrina, kanina umuwi itong dala-dala ang kotse mo. Yupi-yupi ito’t puno rin ng dugo ang harapan nito. Hindi ko alam kung nasaan na ito’t tinatawag ko siya sa labas ng kwarto niya subalit hindi ito sumasagot. Ilang araw na akong nagmamanman sa dalaga, mukhang may tinatago ito dahil palagi kong nakikitang binabantayan ka nito saka palaging may katawagan sa telepono,” kwento nito kay Isaac. “Nasaan ang kotseng gamit-gamit niya?” tanong ni Isaac kaya mabilis na itinuro iyon ni Gregory sa kan’ya. “Nasa labas, Boss!” Yupi-yupi nga ang kotseng ginamit ni

