Kabanata 27 Awang-awa si Sabel kay Nathalie, hindi niya alam kung paano nga ba papakalmahin ang umiiyak niyang kaibigan. Kitang-kita ang pagka-depress nito dahil sa nabasa mula kay Isaac. Wasak na wasak ang puso nito, namumutla na rin ang mukha ng babae dahil sa sobrang iyak, halos hindi nga ito makahinga dahil sa paghagulhol, mabuti na lamang at sound proof ang kwarto ng apartment baka kung hindi ay rinig na rinig sila ng Nanay Helen nila. Nakaramdam siya ng sobrang galit kay Isaac dahil sinaktan nito ang kaisa-isang kaibigan niya. Pareho lamang sila ng kaibigan nitong si Logan, walang pinagkaiba ang ginawa ni Isaac sa asawa niyang si Logan noon. Tama, naging asawa niya ang kaibigan ni Isaac na si Logan. Pinagpalit din siya nito sa isang hitad, nakita niya ito mismo sa bahay nilang

