Kabanata 59 Nicolai Lopez “I hate you! I really hate you!” sambit niya habang pinaghahampas ang tiyan sa sinapupunan niya. Naalala niya kasi ang usapan nila ni Isagani noong isang araw. Kinuyom niya ang kamao saka umiling. Naroon sila sa bago nitong condo na binili, halos mamahalin na rin ang mga damit nito simula ulo hanggang paa. Samahan mo na rin ang mga gold na kolerete sa kan’yang leeg, kamay at daliri. Talaga namang bigatin na ang asawa niya. Samantalang siya narito nagpapakatanga sa lalaking ito. Iling ang kan’yang ginawa imbis na tuwa. “Kumusta ka?” tanong nito saka uminom ng mamahaling wine na galing Japan noong nag-business trip ito. “Okay naman. Ang mga plano natin ay malapit ng matupad. Ginagawa ko ang lahat para matapos na itong kahibangan mo huwag kang mag-alala,” n

