Kabanata 36 Matapos na dalawin ni Isaac ang ama sa hospital ay agad siyang dumiretso sa mansion ng ama para sana’y maghanap ng ebidensya. Subalit nang makapasok siya sa loob ng office ng ama ay ganoon pa rin ang ayos nito. Parang walang foul play na nangyari. Sabi ng mga investigators ay inatake talaga ito sa puso at wala namang ibang bumisita sa mansyon base na rin sa CCTV footage sa loob. Napahinga siya ng malalim saka napailing. Imposible talagang pirmahan ng ama niya ang kontrata, hindi papayag iyon na si Isagani ang magmamahala ng kompanya. Isagani’s not even his child. Napamulsa siya, napakunot siya ng noo nang may makapa siya. Kinuha niya iyon saka binuklat. It was the suicide note of Katrina, hindi pa pala niya naibibigay sa mga investigators ang sulat na iyon, nawala sa isip

