"LET'S BREAK UP NOW, Xanth Eadric." bumikig ang lalamunan ko pagkasabi ko sa mga salitang iyon. Ang hirap sabihin pero kinaya ko. Kailangan eh. Nakatayo ako sa may bintana ng kwarto ko at nakakrus ang mga braso habang deretsong nakatingin sa mga mata niya.
Napahinto siya sa pagsasara ng pinto ng at bahagyang nangunot ang noo. Mapakla siyang ngumisi sa akin. "Hmm.. are serious, babe?" napapailing pa siya habang isinasara ang pintuan at natatawang lumalapit sa akin. "I know you're just kidding." Ngunit natigil siya sa paghakbang nang magsimula ng tumulo ang mga luha sa mata ko.
"I-I'm serious, Xanth. You know, this relationship is not healthy for the both of us.." I'm starting to cry and I can't pull my tears back.
Nagtiim ang mga bagang niya. "Ano ba'ng pinagsasasabi mo, Thaileen Zekeilah?!" galit na niyang patanong. "I'm sorry kung natagalan ako sa pagpunta dito sa apartment mo. Alam mong busy ako sa career ko, sa business at sa company namin, babe! Please do understand!"
Tinitigan ko siya ng matagal sa mga mata niya habang patuloy sa pagtulo ang mga luha ko. "I know! But that's not the reason why I want to be free from you, Xanth. We're not happy! You're not happy with me, right? Hindi ka na masaya sa akin. Dahil kung oo, maglalaan ka ng oras para sa akin! Sa atin! At kung may pagkakataon naman na magkasama tayo ay lagi-lagi na lang tayong nagaaway! Madalas tayong hindi magkasundo! Sa loob ng limang taon, bihira nga lang yata tayo nagkasundo, eh! So please.. Maghiwalay na lang tayo, Xanth." nanginginig ang mga labi ko sa pagpipigil kong huwag humagulhol sa harapan niya. Sobrang sakit sa pakiramdam. Mahirap talagang makipaghiwalay sa taong mahal na mahal mo pa pero hindi ka na masaya.
Nakita kong napapailing si Xanth at madilim ang mukhang nakatingin sa akin. Nasa may paanan pa rin siya ng kama at tila hindi na makakilos sa kinatatayuan.
"Do you really want this, huh?! Gusto mo na ba talagang makipaghiwalay sa akin, Zekeilah?!" mariin niyang isinigaw iyon sa harapan ko.
Nabigla ako sa biglaan niyang pagsigaw. Unang beses ko siyang narinig nang ganon kagalit. Ngunit hindi ako nagpatinag. Nilakasan ko ang loob ko para kayanin ang lahat. Ako ang may kagustuhan nito kaya kailangan ko itong panindigan. Pero, hindi ako sumagot sa kanya. Tumango na lang ako bilang tugon at mabilis na tinutop ang bibig gamit ang dalawang kamay. Pumikit ako at tahimik na umiyak. Pinipigilan ko ang mapahagulhol. Hindi ko pa rin mapigilang maging emosyonal. Masakit ang ginawa kong desisyon. Limang taon na kami at napakahirap para sa akin ang makipaghiwalay. Ngunit, ito ang tama. Ito na lamang ang paraan para makalaya na rin siya sa akin.
"Is this what you really want? Breaking up with me, huh?" mariin ngunit kalmado na niyang tanong na ikinaangat ng paningin ko. Kita ko ang mga mata niyang namumula. Galit ang makikita mo doon. Muli akong napapikit. Rinig ko ang marahas niyang pagbuntong hininga. Malutong din siyang napamura. Sunod-sunod ang naging paglunok ko nang bumuga siya ng malakas. Mas lalo kong naidiin ang pagkakapikit ng luhaan kong mga mata at mas lalo pa akong napaiyak. "Answer me, Thaileen Zekeilah!"
Muli akong napatango habang nanatiling nakayuko at nakapikit ang mga mata. Iniiwasan kong tumingin sa kanya. Baka hindi ko kayanin. "Yes.." mahina kong pagkakasambit. Bumikig muli ang lalamunan ko. Parang tinutusok ng isanlibong beses ang dibdib ko sa sakit.
Muli siyang napamura. "Then, why?! May iba ka na ba? May nakita ka na bang ipapalit sa akin? Tell me! Bakit ka makikipaghiwalay sa 'kin?!"
Kinalma ko ang sarili ko at saka muling tumingin sa kanya ng maluwag na ang dibdib. "Sinabi ko na nga kanina, diba? Hindi ka ba nakikinig? Hindi na nga ako masaya! Gano'n ka din 'di ba?? Iyon ang ipinaparamdam mo sa 'kin for the past few weeks—no! Year rather!Nakakasawa na, Xanth Eadric! So please... maghiwalay na tayo." buong-buo kong nasabi ang lahat ng iyon ng hindi inaalis ang paningin sa kanya.
Natigilan siya ng ilang sandali at mapakla uling ngumisi. Subalit pulang-pula na ang buong mukha niya maging ang leeg niya. "Fine! I'll set you free.. But on one condition.." Tiim ang mga bagang niya habang nakapameywang pa at hindi mapuknat ang tingin sa akin. "Isang kondisyon, malaya ka na," anya sa malumanay niyang pagkakasabi ngunit madiin.
Nangunot ang noo ko. "W-What condition, Xanth?"
Sa kabila ng madilim nitong anyo ay sumilay ang ngisi sa mga labi nito. "Spend your night with me, Zekeilah... Just One More Night and your free!"
Napalunok ako at bahagyang natigilan sa kondisyong nais mangyari ni Xanth. Nabigla man ay agad din akong natauhan. Marahas kong pinunasan ang ilang patak ng luha sa pisngi at saka inayos ang sarili bago muling tumitig sa namumulang mga mata niya.
Sa kagustuhan kong maputol na ang ugnayan naming dalawa ay ako na mismo ang lumapit kay Xanth at mabilis na ipinulupot ang mga braso sa kanyang leeg at ako na rin mismo ang sumiil ng halik sa kanyang mapupulang mga labi. Sandali rin siyang nagulat dahil sa tagal naming magkarelasyon ay ngayon ko lang ginawa ito. Ngunit agad din siyang bumalik sa huwisyo nang hilahin ko na siya papunta sa kama at ako pa mismo ang naghubad ng mga damit namin at saka pumaibabaw sa kanya...
Princess Bham ❤