Cʜᴀᴘᴛᴇʀ 1
IT'S BEEN two months since I and Xanth broke up and walked down in a separated ways. It's too painful to leave and forget everything about us and it's really hard not to remember all the memories we had shared for about five years. And honestly, it's really really hard to move on..
After the night we make love, I left him in my apartment unit while he's into a deep sleep because of too much tiredness. I decided to go far away from him just to set both of us free. Mahal ko pa rin siya ngunit kailangan ko na siyang kalimutan. I have to.
His mother doesn't like me since day one she met me. Ewan ko ba kung bakit. Ang init ng dugo niya sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama laban sa kanya. Minahal at ginusto ko lang naman ang anak niya, eh, pero kung itrato niya ako ay para akong isang maduming basahan! Masakit sa pakiramdam dahil wala naman akong magawa. Kahit pa nga kung ano-anong itinatawag niya sa akin ay binalewala ko na lamang.
Tahimik na buhay lang naman ang gusto ko, eh. Kaya, napagdesisyunan ko na lang na makipaghiwalay at lumayo kay Xanth. Masyadong magulo ang buhay ko sa piling niya. Hindi ko magawang sabihin ang totoong dahilan sa kanya dahil mas lalong gugulo pa ang sitwasyon.
"Hoy! Miss Thaileen Zekeilah Mauricio! Aba't tulala ka na naman diyan!" anang Camille na ka-workmate ko at bale kababata ko rin. "Dis oras ng trabaho lutang ka? Ano ba'ng nangyayari sa 'yo, ha?"
Napabuntong hininga ako ng malalim saka bahagyang kinalma ang sarili. Pakiramdam ko kasi, anytime ay babagsak ang luha ko. Nalulungkot pa rin ako, eh. Hindi pa ako totally nakakapag-move on. Sumulyap ako sa kinaroroonan niyang pwesto at tipid akong ngumiti. "Wala. May naisip lang ako." sagot ko saka muling inabala ang sarili sa pagaayos ng pagkaka-hanger ng mga damit na ibinebenta ko.
Saleslady ako sa isang sikat na boutique. Iyon ang trabahong napasukan ko dahil na rin sa pamimilit nitong si Camille na pumasok ako dito sa pinagtatrabahuhan niya. Nagkataon din kasing hiring dito no'ng mga oras na naghahanap ako ng pagkakaabalahan. At magmula noong umuwi ako rito sa probinsya na kinamulatan ko ay pinutakte na niya ako sa katatanong kung bakit daw ako ganito, andami ko raw pinagbago, lagi na raw tulala at kadalasan ay wala sa sarili. Ngunit iisa lang daw ang hindi nagbago, ang ganda ko na namana ko raw sa Daddy ko na hindi ko naman na naabutan pa.
"Psh! Wala raw! Eh, kanina pa kitang nakikitang tulala, eh! Ay! Hindi pala, simula no'ng dumating ka dito lagi ka ng ganyan. Why ba? What's the problem, dear bestfriend?"
"Wala nga 'yon, Camille. Okay lang ako, ano ka ba!" tipid ko siyang nginitian upang kumbinsehin siyang ayos lang ako na ang totoo ay hindi naman talaga.
"Tapos sasabihin mo lang wala? Na okay ka lang.. Ano 'yon? Psh! Sabihin mo na kasi sa 'kin habang wala tayong costumer.. Sige na! Anong problema mo? I-chika mo na! Dali na besh!" iniwan pa talaga nito ang binabantayang pwesto para lang makarinig ng kwento na hindi ko naman kayang i-kwento lalo't sariwa pa sa akin. Baka, mapahagulhol na lang ako dito bigla. Nakakahiya sa mga makakakita.
Napabuga na lang ako sa hangin. "Wala nga, Camille.. Ang kulit mo!" bahagya akong natawa ng umikot ang mga mata niya. "May iniisip lang ako, eh. Napapatambay lang 'yong sarili ko doon sa iniisip ko kaya natutulala ako. Oo, gano'n nga. Pero, wala iyon!" sabi ko saka nakangiti ko siyang itinulak pabalik sa pwesto niya.
Nakasimangot itong nakasunod ang tingin sa akin nang bumalik ako sa pwesto ko. Napapailing na lamang ako.
"Guys, listen!" anang manager namin na si Sir Kleint Ian Samonte. Bale siya rin ang mayari nitong boutique. "I have something to tell you. Not so really important.." Lumapit ito sa amin at saka tinawag kaming limang saleslady para sa kanyang sasabihin.
Humilera kaming lima sa harapan niya. Katabi ko si Camille habang katabi naman nito ang tatlo pang hindi ko pa masyadong kilala dahil bago lang din sila kagaya ko. Ngunit pansin kong medyo masungit 'yong isa na halos kasing-tangkad ko. Kanina ko pa itong nakikitang pasulyap-sulyap sa akin at masama ang tingin pero binalewala ko lang iyon. Ayaw ko ng g**o, eh. Trabaho ang kailangan ko. 'Yong dalawa naman ay bahagyang nakayuko ngunit tingin ko ay lihim na kinikilig at hindi makatingin kay Sir Kleint.
"Ladies, I would like to tell you that this few weeks ay super baba ng sales natin and that is because of pandemic. Kakaunti na lang ang bilang ng mga costumers na pumapasok dito sa botique natin marahil ay takot pa rin silang lumabas at mag-shopping. Kaya't imbes na tumungo sa atin ay sa online na lamang sila namimili. We understand the costumers, of course. Syempre, katulad natin ay takot din silang mahawaan ng sakit na bigla na lamang lumaganap sa atin ngunit dahil sa ito ang nature ng trabaho natin, kailangan nating mag-sacrifice. Kailangan nating magtiyaga. Kailangan nating makabenta. Umaasa ako na sana tumaas na rin ang sales natin. Umaasa ako na makakapagbenta kayo ngayong week ng malaki-laki. Especially sa newbies, this is your first day guys so do your best."
Tumango-tango kami bilang tugon. Tiningnan kami nito isa-isa at natigil iyon sa akin na ikinakaba ko sa di ko malamang kadahilanan.
"Hey, lady. What's your name?" ani Sir Kleint. Tinitigan niya ako sa mga mata ko at hindi mapuknat iyon. Gusto kong mairita dahil sa uri ng pagkakatitig niya ngunit wala akong karapatang gawin iyon dahil mas nakatataas siya sa akin, boss namin ito.
Bakit kailangan pa niyang tanungin ang pangalan ko kung pwede naman niyang tignan ang nameplate ko? Tsk! Pero... mas okay rin pala. Nasa dibdib ko mismo ang nameplate ko!
Siniko ako ni Camille kaya agad akong natauhan. Muli na naman pala akong natigilan. Tumikhim ako at pagkuway tipid na ngumiti. "I'm Thaileen Zekeilah Mauricio po, Sir." bahagya akong yumukod senyales ng pagbibigay respeto sa kanya ngunit mabilis niya akong pinigilan.
"Don't do that. Only shake hands will do, Ms. Mauricio," nakangiting sambit nito saka inilahad ang kanang kamay sa harapan ko.
Napatingin muna ako sa kanya bago ko kinuha ang kamay niya para makipag-kamay. Agad ko na ring binawi ang kamay ko dahil ilang segundo na ay hindi pa rin niya ito binibitawan. Napatingin na rin tuloy ako sa mga kasamahan ko dahil sa panunudyo ng mga ito. Napangiwi naman ako kay Camille dahil sa lihim niyang pangingindat sa akin.
'Arrgggh! Ba'la kayo diyan! Walang meaning sa akin iyon, ano ba!'
Ipinagpasalamat ko na rin dahil hindi lang din naman ako ang kinamayan ni Sir Kleint, lahat kaming mga newbies syempre. Kaya natigil na rin ang panunudyo nila sa akin.
"Okay ladies.. Good luck to your sales! Kapag may pumasok na costumer, do your best para makapagpabenta. Okay, clear?!"
"Yes, Sir!" sabay-sabay naming tugon kay Sir Kleint na agad na ring tumalikod sa amin.
Nagsipagbalikan na kaming muli sa kanya-kanya naming pwesto at muling naghintay ng costumer na papasok sa botique.
A long week has passed.. gano'n pa rin ang benta. Halos hindi umaabot sa quota ang benta ko. Iilang damit lang ang nabibili sa akin. Nauso na rin kasi ang live selling ngayon. Sa online na halos namimili ang mga costumers. Tuloy ay mas lalong naging matumal ang bentahan ng mga dry goods namin.
"Zekeilah, night swimming kami mamaya nila Vexin, Angela at Mariel. Gusto mo bang sumama?" rinig kong anyaya ni Camille sa akin ngunit hindi ko siya pinansin. Abala ako sa kinakain ko. "Para naman malibang ka dito sa probinsya. Lagi ka na lang kasi bahay-trabaho, eh. At kapag day off mo ay nagkukukulong ka naman sa kwarto mo. Haiisssttt! So boring your life, besh! Ano, sama ka? Sama ka na!" napapailing na lang ako sa kadaldalan nitong si Camille Angelinn Ricasio. Parang armalite ang bibig, eh. Hindi mo alam kung kelan titigil. Mas lalo akong naiirita! Masama pa naman ang pakiramdam ko magmula pa pagkagising ko. Hindi ko na lang uli pinansin.
Nandito kami ngayon sa canteen. Magkasama kaming nagti-take ng lunch. Pinayagan kami ni Sir Kleint na kumaing magkasama dahil halos wala rin namang napasok na costumer sa pwesto namin. Pero, naisip ko na sana magisa na lang akong kumain. Nagsisisi akong sumabay pa ako dito sa madaldal na babaeng ito.
"Hey! Zekeilah! Tss.. tulala ka na naman diyan sa kinakain mo, eh! Kausapin mo naman ako, oh? Hindi ako mesa at mas lalong hindi ako upuan na titignan mo lang at babalewalain," pagmamaktol nito habang nakangusong inuubos ang graham cake.
"Why don't you finish your food first? Ubusin mo muna 'yan saka kita kakausapin. Tsk! Talo mo pa'ng jowa ko kung makaarte!" sabi ko habang patuloy sa pagnguya ng kinakain.
Inirapan niya ako saka umismid. "Eww kadiri ka! Hindi ako pumapatol sa babae! Tsk! Ewan ko sa 'yo! Kung di lang kita kalaro no'ng mga bata pa tayo ay hinding-hindi talaga kita kakausapin. Hindi na ikaw 'yong napakamasayahin at napakabibong ubuhing bata!" anya at dinuro-duro pa ako ng hawak niyang tinidor.
Kamalas-malasan namang masamid ako at biglang mapaubo kaya nailuwa ko tuloy ang nginunguya kong letchon kawali. Matalim kong tinitigan si Camille na agad namang napahagalpak ng tawa. "At ikaw naman 'yong napakaiyaking bata at napakasipunin!" balik pangaasar ko na ikinalukot ng mukha niya. "Huwag mo na akong duduruin ulit ng kung anong hawak mo, ah? Ayaw ko no'n, Camille. Ipapakain ko sa 'yo 'yon." nakangising banta ko sa kanya kaya nahintakutan siya. Lumayo siya ng tatlong dipa sa akin habang namimilog ang mga mata. Napahagalpak tuloy ako sa kaartehan niya. Ngunit nangunot ang noo ko nang bigla siyang napabunghalit ng tawa. "Why are you laughing?" tanong ko ngunit tawa lang ito ng tawa hanggang sa natawa na rin ako.
"O, see? Napatawa din kita! Hahaha!" napahawak pa siya sa tiyan niya.
"Tsk! Baliw!" muli kong nilantakan ang kinakain ko at hindi ko na siya pinansin.
Umismid siya. "I'm not, beshy!"
"Wala naman kasing nakakatawa, tawa ka ng tawa. Mukha kang loka-loka!"
"Nakitawa ka rin naman, eh! Kaya same lang tayo! Hahaha!"
"Tsk!" singhal ko at agad na sinimot ang kinakain ko.
Hanggang sa mag-out kami sa trabaho ay patuloy pa rin akong kinukulit ni Camille na sumama sa kanila sa night swimming nila. Matagal bago niya ako napa-oo dahil ang totoo, mas gugustuhin ko pang matulog kesa ang maglakwatsa at lalo maligo sa gabi. Takot ako sa malamig na tubig! Pero naisip ko kasi, day off ko din naman bukas dahil holiday. Kaya pwede akong magpuyat ngayon. Kailangan ko ring pasiyahin ang sarili ko kahit minsan lang.
Alas 7 na ng gabi ng sunduin ako ni Camille sa bahay ng lolo ko na tinutuluyan ko. Nakagayak na rin naman ako dahil ayaw kong paghintayin pa ito at sabihing masyado akong nagpapa-importante. Ayaw ko naman ng gano'n.
"Oh my god! Ang ganda-ganda mo sa suot mo, Zekeilah!!! Ikaw ba talaga 'yan, ha? Syete ka! Ngayon lang kita nakitang nakaganyang suot! Nasanay ako sa 'yong nakasuot ng uniform at pambahay araw-araw!" namimilog ang mga mata at di makapaniwalang sambit ni Camille habang umiikot-ikot pa sa akin para tingnan ang kabuuan ko. "Ano pa kaya kapag naka-two piece ka na? Waaahhh!! Ang sexy at ang ganda-ganda mo, syete ka!"
"Will you please stop it, Camille! Tsk.. Simpleng off shoulder tops at fitted short jeans lang ang suot ko. Ano namang maganda dito?" naipikit ko ang mga mata ko dahil nahihilo ako sa ginagawa ni Camille. Pero, inaamin kong maganda nga ang hubog ng katawan ko. Dahil ito ang isa sa pinanggigigilan ni Xanth Eadric noon. But anyway, inalis ko muna ang taong 'yon sa isip ko. "At saka hindi ako magtu-two piece doon. Nakakahiya, eh!" palag ko sa kanya nang magmulat ako.
Huminto ito sa harapan ko at saka nakapameywang na inangat ang baba ko. "Anong maganda? Eh, di ikaw mismo! Syete ka! Mas gumanda ka sa akin ng tatlong paligo, ah? Tsss.. Anong sekreto mo? Share mo naman! At.. Ha! Anong hindi ka magsu-suot ng two piece? Swimming ang pupuntahan natin, oy! Baka nagdala ka ng pajama diyan at iyon ang isusuot mo do'n?!"
"Oo." nakangisi kong tugon.
"Whatt?? For real?? Ano ka ba naman!" napapapadyak niyang sabi na animo'y bata.
Napapailing na lang ako sa kakulitan niya. Pinalis ko na ang kamay niyang pisil-pisil ang braso ko saka ko kinuha ang mini traveler hand bag ko na iniregalo pa sa akin ni Xanth. Iyon ang gagamitin ko at pinaglagyan ko ng mga dadalhin dahil kailangan kong sanayin ang sarili ko na nakikita ang mga bagay na galing sa kanya. One day, ibabalik ko kay Xanth lahat ng mga ibinigay niya sa akin para tuluyan na akong makapagmove on. Bumuntong-hininga ako saka tumungo sa kusina para magpaalam.
"Aalis na ba kayo mga anak?" anang Nanay Suling na tagapagalaga ng bahay. Kasalukuyan itong naghuhugas ng pinagkainan namin kanina.
Tumango ako saka lumapit dito habang nakasunod naman si Camille. "Opo, Nanay Suling. Uuwi din ho ako kaagad. Dala ko po 'yong susi ng pinto kaya i-lock niyo na lang po pagalis ko."
"O, sige. Magiingat kayo, ha?" nakangiti niyang bilin.
"Opo, Nanay Suling. Salamat ho." tumalikod na ako pero narinig kong nagpahabol pa ng habilin si Camille kay nanay.
"Nay Suling, pakitingnan-tingnan din ho sila nanay at tatay sa kabilang bahay. Baka mamaya niyan ay walang umawat sa away ng mga 'yon. Iri-relax ko muna ang katawan ko sa ilalim ng pool! Pagod na rin kasi akong maging referee nila, eh! Hahaha!"
Napailing ako. Tsk! Loka-loka talaga 'to!
"Ikaw talagang bata ka, oo! O, sige na. Umalis na kayo. Ingat!"
"Thanks po!" ani Camille at kumirengkeng na papalabas ng bahay.
Pagkalabas namin ay nagulat ako nang makita kong may nakaparada ng kotse sa harapan ng bahay namin. Kinabahan ako ngunit napalis din ang kaba sa dibdib ko nang makitang mukha ng isa sa kasamahan namin sa trabaho ang bumungad sa amin ni Camille pagkabukas nito ng bintana ng sasakyan.
"Hop in, guys! Hurry up!" ani Vixen, 'yong medyo masungit na kasamahan namin. Pero, ibang-iba ang ngiti niya ngayon. "Come on!"
Ang makulit na si Camille, agad na pumasok sa kotse. Kaya naman, agad na rin akong sumakay. Nakakahiya man ngunit isinantabi ko na lamang iyon.
Pagkaupong-pagkaupo ko pa lang ay nangunot ang noo ko nang manoot sa ilong ko ang pamilyar na amoy ng pabango. Kaya agad na dumako ang paningin ko sa unahan. At laking gulat ko nang naging pamilyar sa akin ang bulto ng lalaking prenteng nakaupo sa driver's seat. Muling bumalik ang kaba sa dibdib ko at animo'y hinahabol ng sampong kabayo ang paghinga ko. At nang lumingon ito ay halos himatayin ako!
"Xanth??"