CHAPTER 2

3440 Words
?︎?︎?︎ ?︎?︎?︎?︎ ?︎?︎?︎?︎?︎ CʜᴀᴘᴛᴇR ɪɪ "XANTH??" naibulalas ko bigla ang pangalan niya pagkalingon niya sa akin. Nabigla ako. I didn't expect to see him.. here. Anong ginagawa niya rito sa probinsya? Sinundan niya ba ako? Kumurap-kurap pa ako para kumpirmahing siya ang nasa harapan ko.. Subalit, siya nga ito! Ang sabog-sabog nitong buhok at ang gwapo nitong mukha... Oh damn! I miss him... Parang binabayo sa lakas ng kabog ang dibdib ko na halos lumuwa na ito sa suot kong tops. "Hi. We meet again, Thaileen Zekeilah," ani Xanth ngunit nakapagtatakang blanko ang mukha niya at walang karea-reaksyon! Nangunot ang noo ko subalit tipid ko pa rin siyang nginitian. Kahit wala na kami ay hindi naman tama na tarayan ko siya. "M-Me too, Xanth Eadric.. It's nice to see you again." Tango na lang ang isinagot niya at saka muli na siyang tumingin sa harapan at mabilis na pinaandar ang kotse. Nakapagtataka na hindi man lang niya ako nginitian pabalik! That's not the typical attitude of Xanth Eadric. He is friendly and he gives everyone a wide smile even with his ex's. Bakit di siya ngumiti sa akin? Bakit noong kami pa ay halos abot tenga ang ngiti niya sa tuwing nakikita niya ang mga ex girlfriend niya? Palagi siyang nakangiti dati pero bakit ngayon...? I am one of his ex but why he didn't give a smile on me? Tsk! Magkaka-migraine yata ako neto! Parang gusto ko nang ipara ang sasakyan at bumaba. And this is awkward also! Kaano-ano niya ba si Vixen Mae Monteverde? Bakit sila magkasama sa iisang kotse? Mahaba-habang katahimikan. Wala ni isa man ang nagsalita ss amin. Dahil maging si Camille ay nagawa ring itikom ang mala-armalite nitong bibig. "I didn't know na magkakilala kayo?" anang Vixen. Sa wakas nagawa rin nitong magsalita. Seryoso itong nakatingin sa unahan saka nagbuntong hininga ng malalim. Pagkuwa'y nakanguso na itong bumaling kay Xanth. Nakita kong ipinaglipat-lipat ni Vixen ang tingin sa amin ngunit natigil pa rin iyon kay Xanth na tahimik lang din na nagmamaneho. Napalunok ako nang bigla na lang mangunyapit si Vixen sa braso ni Xanth. "Babe, I'm asking you.." 'Babe?? Tsk! So siya pala ang pinuntahan mo dito, Xanth.. Hindi ako...' Saglit na napalingon si Xanth kay Vixen na seryoso pa rin ang mukha. Nagawa rin ako nitong sulyapan na ikinaismid ko. "What is it?" tanong niya sa naglalambing na si Vixen. "Bakit kako kilala mo si Zekeilah? Hindi ka nagkukwento sa 'kin about her.." sumandal pa ito sa balikat ni Xanth at isiniksik ang mukha sa leeg niya. "She's my ex secretary.." maliwanag na maliwanag na pagkakasabi ni Xanth. Lumingon pa ito kay Vixen at kinintalan ng mababaw na halik ang mapupulang labi nito. 'Teka... bakit parang masakit dito? Tsk!' Napahawak akong bigla sa dibdib ko na animo'y tinusok ng walong libong karayom at saka malungkot akong napatingin kay Xanth na seryoso naman sa pagmamaneho. Tahimik na nangilid ang luha sa mata ko at agad kong ibinaling ang mukha sa labas ng bintana upang huwag nilang mahalata na naluluha ako. Syete! Ang sakit naman nito! Sabagay kasi... ginusto ko naman 'to.. Kaya pagdusahan ko! "Oh.. Okay, babe! I thought... you know! Hehe." nakabungisngis na tugon ni Vixen. Narinig kong bumuntong hininga ng malalim si Xanth kaya lihim akong napasulyap sa kanya. Sandali rin itong sumulyap sa akin sa rearview mirror na ikinapitlag ko. Subalit, nalipat rin ang paningin niya kay Vixen na nakatutok ang paningin sa kanya na bigla na namang nanulis ang nguso. Maliwanag sa loob ng kotse kaya kitang kita ko ang pasimpleng pagirap ni Vixen sa akin ng lumingon ito. "But.. she's also my ex girlfriend.." muling saad ni Xanth na ikinalunok ko. "Whaatt??" nagkapanabay pa sa pagkabigla sina Camille at Vixen. Parehong napatingin ang mga ito sa akin. "For real??" si Camille na nakanganga pa at namimilog ang mga mata. "Tsk. You don't have to say that." palag ko habang nakatingin kay Xanth na hindi naman nagbago ang rekasyon. Agad ko ng kinalma ang sarili. Napapailing na lang din ako sa reaksyon ng dalawang babae. "She wants to know so I have to," Xanth replied me with no more emotions on his hallowed face. Kalmado pa rin ang pagkakabigkas ng mga linya nito. And, he's talking about Vixen curiosity. Siguro karapatan din namang malaman ni Vixen ang past relationship ni Xanth kaya mas okay na rin yata na sinabi niya iyon kay Vixen ngunit nakakainis lang dahil sa mismong harapan ko pa. "Oh my Goodness!! This is awkward! Hahaha!" tawang-tawa na paniningit ni Camille. Ngunit napahawak ito sa dibdib at umarte na nananakit ito. "Ouch.. The past and the present girlfriend. Riding with the handsome man whose now driving the awesome car! Waahhh! This is so exciting!" She's starting to be noisy as hell again! And so I shook my head and rolled my own two eyes! Bahagyang napalis ang pansamantalang kirot sa dibdib ko. "Shut up, Girl! It's not funny, you know!" Vixen said. She looks not okay. She looks pissed while staring at Xanth. "Ano pa ba'ng inililihim mo sa 'kin, Xanth? Akala ko ba wala tayong lihiman? After asking marriage to me, malalaman ko ngayon na dati mo palang girlfriend si Zekeilah na workmate ko pa man din? Gosh, babe! Andami mong sekreto, ah? Psh! Tell everything to me when we get there at the resort!" mariing saad nito at humiwalay kay Xanth saka nagsumiksik sa gilid ng inuupuan. 'W-What??! They're engaged? But—it's just two months since we broke up! Really, Xanth?! Naipagpalit mo na nga ako agad-agad tapos agad-agad ka na ring ikakasal? Hindi kaya... matagal ng kayo kahit na tayo pa? Pukol ko ng masamang tingin si Xanth na kahit pa nakatalikod ito. Hindi ko alam kung bakit ansama-sama ng loob ko ngayon! Wala na rin naman akong karapatang sumbatan ito kaya wala akong ibang magagawa kundi ang ikalma ang sarili ko. Ngunit nananatili ang paningin ko sa kanya at kay Vixen na nagsisimula na namang maglambitin kay Xanth. Habang si Xanth naman ay parang walang pakealam at wala itong imik habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan! "Xanth Eadric Segovia! Do you hear me, babe??" anang Vixen na di ko akalain na ganyan pala kalandi! Kung makadikit kay Xanth—ay ewan! Malayong-malayo sa katauhan niya kapag nasa trabaho kami. "Fine, fine! 'Wag kang masyadong dumikit sa 'kin, Vix. Baka di ako makapagpigil. Mabangga tayo dito." tugon ni Xanth na mukhang tinatamaan na ng pangsi-seduce ni Vixen. 'Mga baliw! PDA pa more dito sa kotse! Mga bwiset!' Napabuga ako. Kung alam ko lang na magkikita kaming muli ni Xanth ngayon at mukhang magkakaroon pa ng delubyo ay hindi na sana ako sumama pa sa outing-outing na 'to! Tsk! Kairita tuloy.. Napatingin ako kay Camille upang bigyan ito ng masamang tingin ngunit ngingisi-ngisi itong nakatuon ang atensyon sa hawak nitong cellphone. 'Tsk! Ang loka-loka.. Mukhang masaya pa sa nangyayari ngayon, ah! Pero siguradong patong-patong na naman ang katanungan nito paguwi namin!' I took a deep breath and take a nap. Mas mabuti pa nga. Malayo-layo pa yata ang pupuntahan namin, eh. Wala na rin namang nagsasalita at napuno na ng katahimikan ang biyahe namin kaya tuluyan akong nakatulog. I woke up. Hindi dahil sa may yumugyog sa balikat ko o kung anuman, iyon ay dahil sa isang bagay na dumikit sa labi ko. Napamulat ako. Ganoon na lang pamimilog ng mga mata ko at hindi ko magawang ibuka ang bibig dahil sa mukha ng lalaking nakangiting nakadungaw sa akin. Sa sobrang lapit ng mukha niya halos maduling ako! "Talagang agad kang nagigising kapag hinahalikan kita." nakangising bungad ni Xanth! At muli niya sana akong hahalikan nang mabilis ko siyang naitulak. "Anong ginagawa mo, Xanth?!" lumibot ang paningin ko sa loob ng kotse at agad na kumalma ang sarili ko nang mapagtantong wala na sa loob sina Vixen at Camille. Saka ako muling bumaling kay Xanth na nananatiling nakangiti at nakaupo paharap sa akin. "Bakit mo 'ko hinalikan, huh?! Nandiyan ang bagong girlfriend mo at magiging asawa mo!" humahangos akong pinandilatan siya ng mata. Naningkit ang mga mata ko nang tumawa ito ng pagak. "So? She's busy now with her friends.. look!" ininguso nito ang bibig paturo sa kinaroroonan ni Vixen kaya sinundan naman ito ng paningin ko. Naroon nga si Vixen sa malapit sa entrance habang nakikipag-ckikahan sa mga hindi ko kilalang tao, kasama nito si Camille na mukhang tuwang-tuwa rin. "See? She's busy.." Inilipat ko na ang paningin kay Xanth na ngayo'y mas lalong lumawak ang ngiti. Sumasabay pa ang mga mata niya kaya mas lalo tuloy siyang gumagwapo. Kinakabahan ako. Parang gusto kong lumundag na ewan! Muli siyang dumukwang para halikan ako. Hindi na ako nakaangal dahil nakorner niya ako! Oo, inaamin kong sobrang miss na miss ko na ang mga halik niya.. Ngunit hindi na ito tama! Kaya muli ko siyang naitulak nang may kalakasan na. "And you're busy cheating too!" inirapan ko siya at walang babalang lumabas ng sasakyan at nagmartsa papalayo sa kanya. Subalit, nakakailang hakbang na ako nang maramdaman kong may sumusunod sa akin. But, I know for sure it was Xanth Eadric. Nilingon ko ito at tama nga ako. "Stop following me, Xanth! Ayaw kong guluhin mo ang gabi ko!" sabi ko at saka nagpatuloy sa paglalakad. "Mabuti naman at naapreciate mo pa rin ang mga material na bagay na ibinigay ko sa 'yo noon? Like this bag," ani Xanth na naramdaman kong hinawakan ako sa braso. Nahinto ako sa paglalakad at naiinis na humarap sa kanya. Nakangiti siya habang hawak-hawak ang bag na naiwan ko pala sa kotse niya. Nakasimangot kong kinuha ang bag at muli ko siyang tinalikuran. Muli akong nagpatuloy sa paglalakad. "Nanghihinayang naman kasi akong itapon, eh. So I kept it," saad ko at hindi man lang ako lumingon sa kanya. Sunod lang siya ng sunod sa akin. "So it means, you kept me too." "No." hinarap ko siya at muntikan pang magkabunggo ang mga mukha namin. "Isusuli ko sa 'yo lahat ng ibinigay mo sa 'kin. Just wait. Tsaka, tantanan mo 'ko pwede? Sunod ka ng sunod sa akin, eh! May fiancee ka na at naroon lang!" itunuro ko ang kinaroroonan ni Vixen at napatingin naman si Xanth doon ng nakangiti at animo'y kinikiliti! Nagngitngit ang kalooban ko. "Spare me and just focus on her and be loyal!" "What if I tell you... I'm not serious with her?" anya sa paos na boses. Tumaas ang isang kilay ko. "Hayan! Kaya inayawan kita, eh.. Dahil ganyan ka! Hindi ko alam kung anong pumapasok diyan sa utak mo! Pinaglalaruan mo lang ang damdamin ng mga babae! Siguro, ganyang-ganyan ang sinasabi mo kapag may kaharap kang ibang putahe noong tayo pa, noh?" nanggigigil kong sabi. Malakas itong tumawa at napahawak pa sa tiyan! 'Tsk! Kaabnormalan talaga!' Nagpalinga-linga ako at baka may makakita sa amin. Natanaw ko sina Vixen at Camille na nakikipagharutan pa rin sa grupo ng mga babae at lalaki. Napailing-iling ako. Lokang Vixen! Hindi man lang hanapin 'tong nobyo niyang sunod ng sunod sa akin! "Hindi mo siya aalukin ng kasal kung hindi ka seryoso sa kanya, Xanth." mahinahon kong saad at tumitig sa mga mata niya. "Hmm.. Pero, ikaw lang naman ang sineryoso ko, Zekeilah. Ikaw nga dapat ang aalukin ko ng kasal, eh.. kaso bigla mo naman akong hiniwalayan." nagulat ako nang hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at malungkot ang mga matang tumingin sa akin. "At saka ikaw rin ang hinahanap-hanap nito.." ininguso niya ang ibabang parte ng katawan niya. Biglang nagsalubong ang mga kilay ko at agad-agad ko siyang nahampas sa dibdib. Uminit bigla ang katawan ko nang hawakan niya ang mga kamay ko at mabilis akong kinabig para yakapin ng mahigpit. Pero, itinulak ko siya subalit mas malakas siya sa akin! Ngunit nagpumiglas ako kaya nakawala ako. "p*****t! Tsk! Kahit kailan di ka pa rin nagbabago!" naiinis kong sabi tsaka ko siya tinalikuran. Lulugo-lugo akong binilisan ang paglalakad patungo sa kinaroroonan nila Camille. At nakahinga ako ng maluwag ng makarating ako sa kinaroroonan ng mga ito nang hindi na sinusundan ni Xanth. "Hey! Zekeilah, gising ka na pala!" ani Camille na kumaway pa sa akin nang makita niya akong nakalapit na sa kanila. Inirapan ko siya ng pagkasama! "Ay hindi! Tulog pa siya! Nandoon pa siya sa kotse at humihilik pa!" naiinis kong bulyaw dito na ikinangisi lang nito. "Tsk! Bakit mo ba 'ko iniwan sa kotse? Ni hindi mo man lang ako ginising para sana sabay-sabay tayong pumasok rito!" Ngingisi-ngisi pa itong kinuha ang braso ko at iniharap sa mga kausap nila kanina. Pinagtitinginan naman ako ng mga ito subalit hindi ko sila pinansin. "Huwag ng mainitin ang ulo.. syete ka! Sarap kasi ng tulog mo, eh! Hahaha! Kaya hindi kita ginising para mamaya, gising na gising 'yang singkitan mong mga mata! Antukin ka pa naman, eh, kaya hinayaan muna kita. Gigisingin naman talaga kita kaso naunahan mo na ako. Hehehe!" anya na nag-peace sign pa! "Tsk!" singhal ko. Naiinis ako, eh. Ewan ko ba kung dahil ba kay Xanth o dahil sa hindi ako ginising ni Camille? Pareho yata! Sinimangutan ko ito ng todo kaya naman natahimik na rin ito. "Babe, where have you been? Bigla ka na lang nawala sa tabi ko," rinig kong tanong ni Vixen habang maarteng sumalubong sa papalapit na si Xanth at agad na ipinulupot ang mga kamay sa braso nito. "I went to the bathroom." ani Xanth na lihim na sumulyap sa 'kin. Napalunok ako at para na namang hinahabol ng kabayo ang paghinga ko. Sulyap lamang iyon ngunit bumaon iyon sa kaibuturan ng mga laman-laman ko. Syete! Hindi pwede 'to! Hindi pwedeng gusto ko pa rin itong lalaking 'to! No way! "Uh, really? Bakit antagal mo naman? Baka naligaw ka na naman yata?" ani Vixen na hinarap ang mga kausap kanina at nakangiting yumakap kay Xanth. "Uhm, guys, meet my boyfriend, Xanth Eadric Segovia. Babe, meet my friends." pagpapakilala ni Vixen. "Hello, handsome! Nice to meet yah!" sabay-sabay naman na nagbatian ang mukhang haliparot na mga babae at naguunahan pang makipagkamay kay Xanth. "Hi." tipid na saad ni Xanth at mukhang napipilitan lang ngumiti. "Oh my gosh! Ang gwapo ng boyfriend mo, Vixen!" tili ng isa at napapapilipit pa sa tabi. "I told yah!" nakangisi namang tugon ni Vixen na agad kong ikinainis nang sulyapan ako at irapan. "You're so lucky!" hirit pa ng isa. "I am. Ako ang pinaka-maswerteng nilalang ngayon dahil mayroon akong Xanth Eadric na wala ang iba! Right, babe?" malanding sambit ni Vixen na muli na namang pumulupot sa nobyo! Nakita kong napailing na lamang si Xanth sa mga pinagsasasabi ng nobya niya at saka tumawa. Parang gusto ko tuloy sabihin na totoong naligaw iyang lalaking 'yan kanina at ninakawan pa ako ng halik! Mga haliparot! But, I keep my mouth shut! Ayaw ko ng g**o. Ayaw kong manggulo! "Halika ka na sa cottage natin at para makapagpalit na tayo ng panligo! Nandirito tayo para mag-swimming hindi para magkwentuhan na lang! Hayyy ano ba!" ani Camille at hinila na ako papunta sa cottage na ipina-reserved nila bago pa kami pumunta rito. Ni hindi na namin hinintay ang iba at tinalikuran na namin sila. "IYAN ba talaga ang isusuot mo Camille?" tanong ko nang lumabas ito sa banyo ng nakasuot na lamang ito ng two piece na kulay dilaw. Rumampa-rampa pa ito sa harapan ko na animo'y modelo. Kinunutan ako nito ng noo nang tumigil sa mismong harapan ko. "Aba syempre! Magsu-swimming tayo, oy! Magpalit ka na din.. Dalian mo! Excited na ako!" anya ngunit papasok na ako ng banyo nang muli niya akong hilahin pabalik sa kanya at mukhang may naalala. "Ay teka! 'Wag kang lalabas ng naka-pajama, Zekeila, ha! Jusko maawa ka sa gabi! Hindi tayo mag-i-sleep over dito, syete ka! Isuot mo 'yong two piece na nilagay ko diyan sa bag mo no'ng tulog ka!" dinuro pa niya ako na agad ko namang natampal. "Tsk! bunganga mo talaga kahit kailan! Sige na! Antayin mo na lang ako diyan sa labas." Napalakas ko pa ang pagkakasara ng pinto kaya nakagawa tuloy iyon ng ingay. Narinig ko pang may kausap sa labas si Camille pero hindi ko naman maintindihan ang pinaguusapan nila kaya nagpatuloy na ako sa pagpapalit ng susuotin. Isinabit ko muna sa sabitan ang bag ko at saka kinuha sa loob 'yong two piece na inilagay ni Camille. Iwinagayway ko pa iyon sa ere at pinakatitigan. Tsk! It's so daring but it looks cute naman. Kulay itim na pares iyon at mukhang bago pa. Mukhang pinaghandaan talaga 'to ng madaldal na 'yon! At mukhang alam rin niya na hindi talaga ako nagsusuot ng two piece kaya pinagdala pa niya ako. s*******n ko tuloy itong susuotin dahil baka magwelga pa ito sa labas kapag hindi ko ito isinuot.. Habang isinusuot ang two piece bikini suit ay napapabuntong hininga ako. Kinakabahan din kasi ako sa magiging hitsura ko. Hindi ko pa kasi nakikita ang sarili ko nang nakasuot ng ganito. Kahit pa nga noong magkasintahan pa kami ni Xanth ay madalas na maikling shorts lang or cycling ang suot ko at sando. At dahil sa ayaw ni Xanth na nagsususuot ako ng ganitong lantad na lantad ang buong katawan ko. Sabagay, okay din naman ito. Wala na rin namang magbabawal sa akin ngayon, wala na kami ni Xanth. Oo nga at nandiyan siya pero wala na siyang pakialam pa sa akin. Natagalan bago ko naisuot ang two piece bikini. Napangiti ako sa naging hitsura ko. Nagpaikot-ikot pa ako sa salamin at ginaya-gaya si Camille. Maganda siya at bagay naman sa akin. "Thaileen Zekeilah?! Hindi ka pa ba tapos diyan? Sus! langoy na langoy na ako, eh! Gusto ko ng sumisid! Ano ba?" rinig kong sigaw ni Camille sa labas at halos kalampagin na nito ang pinto. Tumirik ang mga mata ko. "Tapos na!" sagot ko kaya isinalansan ko na ang mga damit na hinubad ko sa bag na dala ko at lumabas. Naabutan ko itong nakapameywang at kumakamot na sa sintido sa inip. "Ikaw talaga! Napakaingay mo!" inirapan ko ito ngunit imbes na bulyawan ako pabalik ay nahuli ko itong natulala pagkakita sa akin. 'Tsk! OA!' "Hoy! Camille!" pinitik ko ang daliri ko sa mukha niya. "A-Ang ganda mo at ang s-sexy mo, Zekeilah!!!!" Natutulala pa sa paghangang aniya. Halos nautal-utal din ang loka-loka! Napaka-OA talaga! Ang ingay pa! Pinagtitinginan tuloy kami ng mangilan-ngilan na naroon. "Tsk! Halika na nga at nang makasisid ka na kamo! Loka-loka ka!" hinila ko na siya kaya doon lang siya natauhan. "Kaya pala napapansin kong pasulyap-sulyap pa rin sa 'yo 'yong ex mo at halata kong may gusto rin sa 'yo si Sir Kleint dahil may itinatago ka pa lang anting-anting diyan sa katawan mo, syete ka! Anong gamit mong pampaganda at pampa-sexy, ha? Share mo naman!" pangungulit pa niya habang binabaybay na namin papuntang pool. "Eh di.. makipagbreak ka din kay Brent na jowa mo! Hahaha! Iyon ang sekreto!" Dinunggol ako nito sa tagiliran. "Syete ka! Di bale ng hindi ako kasing-ganda at sexy mo, 'wag na 'wag lang mawawala sa akin ang bebelab ko! Ayyyy kinam!" Nakapagmura pa ito bago ko naitulak sa tubig. Loka-loka kasi, eh! Sasabuyan din sana ako nito ng tubig ngunit napreno ito at nataranta nang magdive sa kinaroroonan nito ang nobyo nitong si Brent na kararating lang din yata. Napapailing na lamang ako habang naghahandang lumusong ngunit hindi pa man ako nakakapag-dive ay may humablot na sa braso ko. Kaya't marahas akong napalingon dito. "Xanth?!" "I told you not to wear two piece, Zekeilah! Your too hard headed!" "Why do you care? We're over na, Xanth so wala ka ng pakialam! And, will you pease let me go!" Pilit kong inaalis ang malalaki niyang kamay sa braso ko ngunit talagang sutil ang lalaking ito. Hindi man lang iniisip na nariyan ang Vixen niya! "Let me go, Xanth!" He smiled and stared at me like a hungry lion. "Do you know why I don't like seeing you wearing this kind of swimsuit, hmm?" tanong niya na mas lumapit pa sa akin at halos maguntugan na ang mga ilong namin. Hinawakan niya ako sa likuran upang huwag akong matumba. Dahil sobrang nakakapanghina talaga ng presensya niya. "B-Bakit?" napapalunok kong tanong at hindi ako makatingin ng deretso sa mga mata niya! "Because I'm starving to death everytime I saw your body and I want to eat you whole!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD