***
Bumaba ang pinakabatang miyembro ng grupong TABs at lumapit sa amin. Panay naman tili si Suze sabay talon na animo'y nakagat ng langgam ang paa.
"Shunjiroooo!"
"Hi!" bati ng lalaki sabay ngiti ng mapupula nitong mga labi.
Shunjiro Nagamori! Pinsan ito ni Kairo. The second grandson of the great Japanese businessman, Mr. Kazuya Nagamori, who founded the largest electronics company in all of Asia. The Ryu electronics.
Natulala pati ako sa kagwapuhan ng pinsan ni Kairo nang matitigan ko ito sa malapitan. Grabe, nakakahiya ang kutis, labas talaga ang mestisuhing Japanese blood nito. Sobrang kinis ng balat at malaporcelana sa kaputian. Mala-rosas ang mga pisngi na hindi mo makikitaan ng pores.
Pilyong ngumiti ang mga mata nitong kasing itim ng kalawakang may mga bituing nagniningning. Hinawi pa nito ang mahaba't itim na itim na buhok na kumikintab sa sobrang lambot bago naglahad ng kamay sa akin. Umabot pa nga sa ilong ko ang bango ng buhok nito na kumapit sa kamay nitong may payat at mahabang daliri.
Magkahawig pala talaga sila ni Kairo hindi lang sa magazine, pati sa personal. As in para talaga silang pinagbiyak na bunga. Mula sa pahaba at medyo singkit na mga mata, sa makakapal at tuwid na lashes at sa manipis at matulis na ilong... Lahat yata mula ulo hanggang paa ay parang zerox copy! Sa ugali lang yata sila nagkakatalo. Palangiti si Shun at mukhang pilyo. Samantalang seryoso naman si Kairo at matatalim ang mga mata kung makatingin. Mas matured din tingnan si Kairo kaysa rito. Kaedad ko lang kasi ito at parehong nasa grade ten din. Samantalang si Kairo ay nasa first year college na. Syempre madami akong alam sa kanila. Daig pa kasi nila ang artista sa kasikatan dahil sa pamilyang pinagmulan nila.
"Diiiim! Ang swerte mo!!!" Ang tili ni Suze ang nagpagising sa akin.
Napakurap ako at napatingin sa kaniya na panay yugyog sa braso ko. Para talaga siyang bulateng nabuhusan ng bleach. Ang ligalig.
Bumaba ang sleeve ng dress na suot ko dahil sa ginawa niya. Panay dugkol pa sa tagiliran ko. Inis kong tinapik ang kamay niya saka ko tinaas pabalik ang sleeves. Pag-angat ko ng tingin ay nahuli ko si Shunjiro na walang kakurap-kurap na nakatitig sa dibdib ko. Para akong matutunaw sa hiya. Nakadungaw kasi ang cleavage ko.
Kung bakit ba kasi pinaglihi ang dibdib ko sa melon! Mabilog at malaman. Kaya napagnanasahan ng mga kalalakihan, eh!
"Bruha! Tanggapin mo na!" bulong ni Suze sa tainga ko.
Napaangat ulit ako ng tingin at sumalubong sa akin ang kamay ni Shunjiro na sinadya pa nitong itaas para lang mapansin ko.
Nahihiya ko naman itong tinanggap at bahagyang napaigtad nang dumampi ang mainit nitong palad sa akin at pasimple pang pumisil.
"Let's go, beauty!" Nagulat ako nang hilahin niya ako bigla.
Nilingon ko si Suze pero nginisihan lang niya ako sabay thumbs up!
"Who's that girl?"
Nagsimulang magbulungan ang mga tao sa gym habang ang grupong TABS naman ay tahimik lang na pinapanood akong marahan na umakyat ng stage.
Para akong yelo na tinutunaw ng mainit na titig nila. Gusto ko nang tumakbo palabas dahil sa hiya... Hindi! Bakit naman ako aalis? It's a great opportunity so why should I run away? Chariiing!
Natuon ang pansin ko kay Kairo na nakatitig na pala sa akin.
Papalapit ako sa kaniya at hindi ko maiwasang kabahan. Ang gwapo kasi. And I really couldn't believe it! Ang lalaking lihim kong hinahangaan na sa magazine ko lang natitigan, ngayon ay katitigan ko na!
Sana mapagbigyan niya ako mamaya na makapagpa-autograph sa kaniya. At sana rin, ngumiti siya para kahit papano ay mabawasan ang kaba ko. Ang kaso ay nanatili siyang seryoso. Hindi yata siya natutuwa na ako ang napili. Kung makatitig kasi ay para na akong lalamunin nang buo.
Pero ayos lang. Ang mahalaga ay nakita ko na siya sa personal.
Kung gwapo si Shunjiro, hindi ko na alam kung ano pang maitatawag ko kay Kairo. He's so perfect! Kamukhang-kamukha niya si Shunjiro pero sheyt! Para sa akin, natatangi ang kagwapuhan niya.
Lalo na kapag nakangiti siya.
Hala! Nginitian niya nga ako! Oh my ghaaad! Kakahiling ko lang kanina, natupad agad! At dahil do'n ay natikod ang isang paa ko at nawalan ako ng balanse.
"Ayy amang butiki!"
Muntik nang masubsob ang nguso ko sa sahig kung hindi lang maagap ang isang gwapong lalaki sa tabi ko na naka-escort sa akin.
"You okay?" tanong ni Shun at inalalayan akong makatayo.
"Ahm, o-oo."
Hinatid niya ako sa isang stool at pinaupo. Napagitnaan ako ni Kairo at ng isa pang gwapong lalaki, si Renzi. Kandong ko ang isang pumpong ng mga rosas na nakabalot sa eleganteng wrapper at nakadesinyo sa hugis puso. Nakasabit sa isang tangkay ang key chain, isa itong maliit na bolang crystal. Sa loob nito ang nililok na maliit na Sakura tree at may uumuulan pa kunwaring snow sa loob.
Nang matuon ang paningin ko sa ibaba ng stage ay bigla na namang kumabog ang dibdib ko. Lahat sila ay nakatitig sa akin! May ilan na natutuwa para sa akin, meron ding napapaismid na halatang naiinggit.
Parang gusto ko nang bumaba. Ang mukha ko ay para nang sinilaban sa hiya at kaba.
Sanay naman na akong humarap sa maraming tao, lalo na't madalas akong pambato sa mga school contest at sa academic competition. Pero ngayon, ibang-iba ang pakiramdam ko. Para akong isinalang sa apoy.
"Pwede ba naming malaman mag pangalan ng magandang dilag na ito?" tanong ni Shun habang naka-mic.
Mistulang bato ang laway na nalunok ko. "Ahm, I... I'm Dimples."
"Dimples..." Kairo's voice sent shivers down to my columns.
Hindi lang ang kaniyang boses, maging ang mga titig niyang sobrang diin. Gusto ko nang sumuko. Kung pwede ko lang takpan ang mga mata niya... Kung kaya ko lang pagtaguan...
"I'm Kai, the lead vocalist. Siya naman si Renzi," turo niya pa sa lalaking nakatayo sa kaliwa ko.
Salamat. Nakahinga ako nang maluwag nang ibaling niya ang atensyon sa iba.
Si Renzi naman ngayon ang tiningnan ko. Sobrang tangkad din kaya halos mabali na ang leeg ko kakatingala.
"He's our rhythm guitarist at ang aking backing vocalist," dagdag ni Kai habang si Renzi ay walang pakialam at abala sa pagkalikot ng hawak nitong gitara.
'Medyo hawig niya si Mark Feehily ng Westlife noong kabataan! Those languid eyes and deep dimple on both cheeks...
Bukod sa mata at dimples niya, kapansin-pansin din ang kaniyang mapupulang buong labi na laging nakabusangot. Hindi yata alam kung paano ngumiti.
"Ako naman si Shunjiro." Nabaling ang pansin ko kay Shunjiro. "I'm the bass guitarist at backing vocalist din."
Nagpalitan kami ng ngiti. Magaan na agad ang loob ko sa isang ito kahit pa medyo may pagkamanyak ang mga mata. Pero mukha naman siyang mabait.
"And I'm Hiro, my sweet baby. Drummer," nakangiti namang wika ng isa pang matangkad na tsinito rin saka ito nagpalipad ng halik sa hangin sa akin.
Hiro... So siya pala ang crush ni Suzette. Gwapo rin. Kaya pala nadale ang kaibigan ko. 'Yong ngiti kasi nito ay parang nang-aakit. Mukha nga lang hindi mapagkakatiwalaan pagdating sa babae. Naku, huwag naman sanang mainlab sa kaniya ang kaibigan ko.
"At ako si Mark, keyboardist," pakilala rin ng isa pang matangkad na tisoy. Maamo naman ang mukha nito at malaanghel ang ngiti. Hindi ko alam kung naka-contact lense ito. Green kasi ang mga mata nito at ang ganda titigan! Bagay sa makakapal at tuwid na pilik-mata nito.
Mabantot lang talaga ang pangalan ng kanilang grupo pero sobrang yummy at ang babango ng mga myembro! Mas matindi pa nga ang dating nila kaysa sa mga matinee idol ngayon!
Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko nang biglang paluin ng drummer nila ang cymbal. Kasunod no'n ang pagtugtog ng kani-kanilang bitbit na instrument at nagsimula nang tumugtog ng kanilang kakantahin.
"This song is for our lucky girl."
Truly madly deeply by: savage garden
One of my favorite songs.
[...I'll be your dream, I'll be your wish, I'll be your fantasy
I'll be your hope, I'll be your love, be everything that you need...]
Nakagat ko ang labi dahil sa kilig. Ang ganda talaga ng boses. Medyo rough na hindi masakit sa tainga. Lalo kang maiinlab sa galing niya.
Paminsan-minsan ay nagtatama ang paningin namin ni Kai sa tuwing sinusulyapan niya ako.
Nagpatuloy ang magandang awit at para naman akong nakalimot bigla dahil sa kilig. Tinangay yata ang kaluluwa ko patungo sa alapaap. Natapos na ang kanta ay naglalayag pa rin ang diwa ko hanggang sa may biglang sumigaw.
"KISS..! KIIIISSS!"
Nagsigawan na ang mga audience.
Nanindig ang balahibo ko. Kinakabahan na naman ako!
Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pagyuko ni Kai para siguro halikan ako.
Kaagad akong humarap sa kaniya para pigilan siya nang biglang...
Oh no!
Wrong move!
Nabitiwan ko ang bouquet ng bulaklak dahil sa gulat.
Sa mga labi ko kasi nag-landing ang halik niya!
Sheyt!
It's my first kiss! And Kairo was my first kiss!
Nanghina ako bigla dahil sa aksidenteng halikan namin. Parang hinihigop ni Kai ang lakas ko kaya wala sa sarili akong napasandal. Nakalimutan kong wala palang sandalan ang stool na inuupuan ko at muntik na akong tumihaya pero napigilan ni Kai na mangyari iyon.
Hinapit niya ang likod ko sabay diin ng malalambot niyang mga labi sa akin. Lalong nagulantang ang buong sistema ko because he was trying to deepen the kiss.
Kumapit ako sa kaniyang dibdib at akma siyang itutulak pero nanlambot lamang ako nang bumuka ang kaniyang bibig kasabay ng pagbuga ng mainit at mabango niyang hininga. His soft lips began to move and his tongue gently teased my lips, tempting me to surrender.
Pakiramdam ko nang mga oras na iyon ay solo namin ang mundo. Hanggang sa marinig ko ang sigawan ng mga tao sa baba.
"Hoy Dimples! Sa cheeks lang dapat!"
"Oo nga! Pot****na mo bakit sa lips?! Waaah!"
Sheyt! Nakalimutan ko. May nanonood pala!
Agad kong tinulak si Kai nang mahimasmasan ngunit hinapit naman niya ako saka siya bumulong sa tainga ko na ikinalunok ko.
"How old are you, Dimples?"
"S-sixteen."
"When you reached eighteen, aasawahin kita."