"Dim! Dali!"
Hindi ako nakapalag nang bigla akong hilahin ni Suze at nakikipaggitgitan sa mga tao para lang makarating kami sa harap ng stage. Galit-galitan na 'yong ibang nadadaanan namin pero hindi rin nakapalag ang mga ito dahil sa laki ng babaeng humahawi sa kanila.
Halos mayanig ang sahig nang magsimulang magtatalon ang kaklase ko dahil sa kilig at hindi magkamaliw sa pag-cheer sa grupo ng limang kalalakihan. Sino ba ang hindi? Ang gugwapo naman kasi, one hundred percent! Halos perpekto na sa mukha pa lang. Maging ako ay hindi na rin maalis ang tingin sa ibabaw ng stage particular na sa kanilang lead vocalist.
Dati ay sa magazine ko lang siya nakikita at sa mga billboard na nakatayo sa gilid ng kalsada sa edsa. But now... My ghaad!
I want to cry! Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko na siya! My dream boy.
Mas gwapo pala siya sa personal.
Sobrang tangkad niya, ang tingkad din ng balat na halos magliwanag na sa stage, maporcelanang tsinito, ang kinis! At makisig!
Magna-nineteen pa lang siya this February two pero ang ganda na ng hubog ng kaniyang katawan. Syempre alam ko ang birthday niya. Stalker niya ako, eh.
Habang tinititigan ko siya ay unti-unting nanunuyot ang lalamunan ko. Ang hot niya lalo na't nakalantad ang malapad at mukhang matigas niyang dibdib. Bukas kasi ang pang-itaas na botones ng suot niyang black long sleeve polo shirts. Ang laylayan naman ng shirts ay naka-tuck ang kalahating side sa itim niyang trousers na nagpalitaw ng gintong logo ng kaniyang sinturon na Saint Laurel, isang expensive brand na pinagmo-model-an niya mismo. Ang makapal na buhok naman niya ay messy at basa na rin ng pawis pero kahit gano'n, mukha pa rin siyang fresh tingnan.
Nang lumingon siya sa kabilang side ay kuminang ang suot niyang diamond earring. May suot din siyang silver necklace na may malaking pendant ng isang salitang kanji at black wristbands sa kanang malapulsuhan. He's got a rebel vibe, but to me, he's heavenly.
Inillipat niya nag mic sa kaliwang kamay dahilan para mapansin ko ang suot niyang relo. Sa lapit namin ni Suze sa stage ay kitang-kita ko kung ano'ng design iyon. Kung hindi ako nagkakamali ay isa 'yung Rolex titanium watch. Of course, kabisado ko ang mga mamahaling relo at pabango na panlalaki. Nagkaroon kasi ng boyfriend dati si Mama na isang mayamang abogado na mahilig sa expensive things.
Siniko ako ni Suze sabay bulong, "Hoy! Kanina ka pa titig na titig diyan! Inlab ka na?"
Nginitian ko lang siya. I don't know if she noticed it pero may pakiramdam akong alam na niya na crush ko ang nag-iisang anak ng isang bilyonaryo.
Kairo's not just handsome; he excels academically and athletically – a total package! Ayun nga sa nabasa kong article tungkol sa kanilang pamilya, bata pa lang daw siya ay matured na raw'ng mag-isip. Bukod doon, mabait din daw siyang bata at malambing sa kaniyang mommy. He's pure perfection. Daig niya ang mga celebrity sa kanyang personality at kagwapuhan!
Masyado Mang mataas na pangarapin pero ang sarap niyang maging asawa. May girlfriend na kaya siya? Masyado kasing pribado ang love life niya, kung nainlab na ba siya o kung sino ang crush niya sa showbiz industry.
"Nag-enjoy ba kayo?"
"YEEESSS!!!" sabay-sabay naman na tugon ng mga audience sa sigaw ni Kairo.
Gumagapang ang mukhang matamis niyang pawis mula sa sentido pababa sa kaniyang leeg at dibdib. Pawisan na siya at hinihingal dahil sa mala-hayop niyang performance pero hindi man lang nabawasan ang kagwapuhan niya. Ang unfair talaga ng mundo. 'Yong iba, hingalin lang ng kunti nagmumukha nang kabayo. Pero siya... nagmumukhang halo-halo with ube and cheese.
"Who's ready for a Christmas treat?"
"MEEEE!" sabay-sabay na namang sigaw ng lahat.
"A'right! Tonight, one fortunate audience member will be selected to join us onstage, be pampered and be given an early Christmas present..."
"KISS din!" hirit pa ng isa mula sa audience na kaagad namang sinang-ayunan ng lahat.
Natawa lang ang magkakagrupo. Ang aga ngang pamasko. Lalo na yung kiss.
"Gosssh! Sana ako ang mapili nila! Magre-request talaga ako ng kiss sa lips!" pagdarasal ni Suze.
Napangiwi ako.
"Eh, nag-toothbrush ka ba?"
Hinila niya bigla ang buhok ko sabay tawa.
"Bruha ka talaga, Dim! Syempre naman noh! Pinaghandaan ko 'to!"
Pareho kaming natuon sa stage nang magsalita ulit si Kairo.
"Sige, pagbibigyan namin kayo. Tag-iisang kiss sa cheek galing sa aming lima!"
"OH NOOO! MAY KISS DIN!!!"
"AT SILANG LIMA PA TALAGA ANG HAHALIK! WAAAAAH!!!"
Umugong ang hiyawan at tilian. Pakiramdam ko ay mababasag na ang eardrum ko.
"ANG SWERTE NG MAPIPILI NILA!!! KYAAAAH! PATAYIN NA AKO! Dimples!" Nagwala na si Suzette habang niyuyugyog ang braso ko. Bumaba tuloy ang ruffles sleeves ng suot ko.
"Sige, mamaya, Suze. Papatayin kita sa sakal!"
"No! Ngayon na Dim! As in now na!"
Umirap lang ako saka inayos ang sleeve ng dress habang ang lahat sa loob ay nagkakagulo na.
Kani-kaniyang sigaw sabay taas ng kamay ang mga kababaihan pati na ang mga binabae. Umaasa ang lahat na sila ang mapipili. Well, except sa mangilan-ngilang boys na naroon din.
"The spotlight's random sweep will choose our next guest. Whoever's caught in its beam joins our vocalist onstage," wika naman ng katabi ni Kairo na isang mestizo. Mukhang half-breed din.
"We love you Renz kahit suplado ka!" biglang sigaw ng isang grupo ng kababaihan sa may sulok.
May bitbit pa ang mga ito na tarpaulin na may naka-print na, "WE LOVE TABS, WE LOVE RENZI!"
'So siya pala si Renzi.'
Ngayon ko lang din napansin, ang mga nakaprinta sa bawat tarpaulin na bitbit ng mga fanclub.
Naroon ang pangalan at mukha ng mga isinisigaw nilang idol. May mga quotes pang nakalagay, "HIRO, TURUAN MO AKONG MAGTUSUK-TUSOK!", "MARK, PATIKIMIN MO NAMAN AKO NG LANGIT", "ANAKAN MO AKO, RENZI", "SHUN, IUWI MO NA AKO", "KAIRO, MAKE ME YOUR SLAVE".
Gosh! Ang haharot!
"Are you guys ready?" sigaw ulit ni Kairo.
The crowd went wild! The spotlight's spin made me nervous. But what really caught me off guard was Kai staring straight at me!
Wait, what?! Is he really staring at me?
Hindi ako sigurado kung kanino siya nakatitig dahil sa dami ng tao sa tabi at likod ko. Baka naduling lang ako kakatitig sa kaniya kaya ako nag-iilusyon ngayon.
I was totally unaware of what was happening around me. I just remained motionless in the stand as my eyes were fixed on the most handsome man on the stage. Ni hindi ko na napansin na tahimik na pala ang buong paligid at ang lahat ng mga mata ay natuon na sa ibaba ng stage, tinititigan ang masuwerteng napili. As I'm, lahat! Pati ang TABSH boys ay nakatingin na rin dito sa baba.
Sheyt! Mapapamura ka na lang talaga sa itsura nila. Sila 'yong tipong pag-iipunan mo kahit wala ka nang makain, maiuwi mo lang ang isa sa kanila. At sana afford kong maiuwi si Kairo. Oh ghaad!
"Miss, the spotlight is on you. Come on up now," ani Renzi sa bruskong boses.
Kung sino man ang babaeng 'yon, ang swerte niya. Pero swerte pa rin naman ako dahil nagkaroon ako ng oportunidad na makita sa personal ang dream boy ko. At may bonus pa, nakita ko rin ang buong grupo niya na kinahuhumalingan ng iba!
"Dimples!"
Napukaw ang atensyon ko matapos akong sikuhin ni Suze.
"B-bakit?"
"Umakyat ka na raw sa stage!"
"A-ano? B-bakit?"
"Ikaw ang napili!"
"H-ha?"
No'n ko lang napansin ang liwanag na nakatapat sa akin. Nabigla ako at hindi kaagad nakagalaw sa kinatatayuan ko. Lalo na nang makita ko ang sarili sa malaking monitor na nasa harap.
Humakbang si Kairo sa stage, palapit sa amin saka tumiyad at tinitigan ako nang mariin. "Hey, beautiful."
Para akong dinaanan ng electricity sa aking katawan. Nagtayuan bigla ang mga balahibo ko nang marinig ang maaligasgas ngunit malambing niyang boses.
"Come on up now."
"A-ako?"
Umangat ang sulok ng kaniyang mapulang mga labi. "Yes, you... The lucky girl."