Dimples' POV
***
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang nakatingin sa malayo.
Maraming taon na ang lumipas ngunit sariwa pa rin ang peklat ng sugat ng aking nakaraan.
I tried to move on and close my heart to avoid the painful memories of my past but every day they continued to haunt and torture me.
Paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko ang araw kung kailan ko siya nakita... Kung kailan nakilala ko silang lima... Kung kailan nagsimula ang lahat! At araw-araw ko ring pinagsisisihan kung bakit ko pa siya nakilala... Kung bakit siya pa...
[Revenge and Regret chapter 1]
"The Alpha Beta Sigma"
***
"COME on, Dim! Bilisan mo! Magsisimula na ang concert ng The Amazing Brahs!"
Atat na si Suzette na pumasok sa isang gym kung saan ginaganap ang exclusive party ng mga junior and senior high students na nagmula sa prehistiyuso at mamahalin na pribadong eskwelahan ng Don Roman International School. May magaganap daw kasi ritong live show ng bandang ipinagmamalaki di umano ng taga-DRIS.
Hindi pa nga tuluyang huminto ang van nila na siyang naghatid sa amin ay binuksan na kaagad niya ang pinto saka tumalon habang hila ako.
"Hoy! Makakaladkad tayo! Sira-ulo 'to. Idadamay mo pa 'ko!" singhal ko sa nakangisi niyang mukha.
Wala si Mama sa bahay kaya itinakas ako ng kaklase kong ito. Sinamantala niya ang pagkakaabala ni Mama sa restaurant namin na sa awa ng Diyos ay dinagsa ng mga customer ngayon.
Sasama dapat ako kay Mama sa restaurant para tumulong doon pero nalaman niyang may gagawin akong project kaya inutusan na lamang niya akong manatili sa bahay at gawin ang project ko.
Very supportive sa akin si Mama pagdating sa eskwela pero pagdating naman sa mga ganitong galaan, asa. Lalo na kapag gabi, hinding-hindi iyan papayag. Sobrang higpit niyon sa akin na ultimo ang paglabas ko sa bakod namin ay nililimitahan niya.
Mapilit kasi itong si Suzette Schneider. Nakatanggap daw kasi siya ng dalawang invitation card mula sa grupo ng TABS o The Amazing Brahs at ako nga ang pinili niya na sumama sa kan'ya para dumalo. Tss. Ang panget ng pangalan ng grupo. Siguro mga chaka rin ang mga members.
Pinasuot niya pa ako ng party dress na kulay pula at high heeled sandals para magmukha raw akong sosyal. Eh nagmukha na nga akong pokpok nito! Ang ikli kasi, kita ang mga hita ko tapos may slit pa sa right side na halos umabot na sa panti ko. Tapos sobrang hapit sa may dibdib pababa sa beywang. Halos lumuwa na nga ang boobs kong pinaglihi sa melon. Nilugay ko na lamang ang mahaba't malambot kong buhok na natural ang pagkaka-curl sa dulo, para matakpan ang kapuna-puna kong cleavage.
Buti na lang hindi niya ako napilit na maglagay ng make up. Lip shiner lang at pulbo, ayos na ako. Tsaka kunting wisik ng Lewis and pearl cologne na kulay blue.
Sinuri ko naman ang porma ni Suze. She's wearing a sexy tube top na kita ang pusod. Pinaibabawan niya ito ng maong na blazer at penaresan naman ito ng miniskirts at high heeled shoes. Ang ganda tingnan ng pagkakahulma ng kaniyang mabilog at mahahabang hita at binti. Pati na ang umbok ng matambok niyang pang-upo sa ilalim ng kaniyang suot. Ang tangkad pa niya. 5'6 siya samantalang ako naman ay 5'4 lang.
Maganda na sana kaso ay minus point naman pagdating sa kaniyang bilbil. Lumuluwa na kasi sa suot niya.
Haay, gusto kong pagsabihan dahil baka pagtawanan siya mamaya pagdating namin sa party. Ayoko pa namang binabastos ang mga kaibigan ko sa harapan ko pero ayoko ring sirain ang confidence niya. Anyway, maganda naman siya. Half-german kasi. Bawi na lang sa kutis at mukha.
"Dali, Dim! Mahuhuli na tayo!"
Binilisan ko naman ang mga hakbang mula sa babaan ng sasakyan papunta sa gate ng nasabing gym. Makailang ulit na nga akong natalisod kakahila niya sa akin. Ang laki pa naman niyang babae na humahatak sa kagaya kong halos kalahati lang ng katawan niya. Slim kasi ako na pinagkaluuban ng malulusog na dibdib.
"Naku, baka namimili na sila ng babaeng makakasama nila sa stage! Ayokong sayangin ang pagkakataong 'yon! Baka ako pa ang mapili! Dali na, Dim!"
"Bakit ka ba atat? Artista ba ang mga 'yon? As if namang bibigyan ka ng milyon kapag ikaw ang napili," pagmamaktol ko.
"Naku, higit pa sa milyon, day! sila ang grupong, The Amazing Brahs! Para ka na ring nanalo ng super lotto kapag napansin ka ng mga 'yon!"
Napairap ako sa sinabi niya. Naku kapag mukhang hukluban ang mga iyon, lagot ka sa akin mamaya, Suze!
"Ano'ng banda ba 'yan? Kasing hot ba 'yan ng Westlife? Kasing charming ng One direction? Oh kasing gwapo ng taga-BTS? At talaga ba'ng sikat sila sa buong ka-Maynilaan? Ba't ngayon ko lang narinig ang pangalan ng Banda nila? At saka, ang bantot ng pangalan, huh. Bakit naman brah? Mahilig ba 'yan sila suminghot ng dibdib? Ba't di na lang nila gawing The Amazing Panti para happy!"
Muntik pang matapilok si Suze sa huli kong sinabi. Humagalpak siya ng tawa.
"Korne ng joke mo, ha!" Hinampas niya ako sa balikat saka nagpatuloy sa pagtawa. Ang sakit! Ang bigat kasi ng kamay! "Alam mo ikaw, naturingan kang valedictorian sa eskwelahan natin pero may sayad din pala 'yang utak mo! Naku, Dimples! Natawa ako sa' iyo. Ang green mo! Halika na nga!"
Muli niya akong hinila. Lalo siyang nagmadali na akala mo naman ay nakikipagkarerahan sa oras. Tumatalbog na ang bilbil niya sa tuwing napapadyak siya ng paa dahil sa kabagalan ko.
Hindi ko hilig na dumalo ng party ng iba lalo na kapag ganitong exclusive party, maliban na lang kung school party namin.
Ewan kung bakit napapayag ako ni Suzette na sumama. Para bang may pwersa ang nagtulak sa akin na pumunta. Pero ngayong nasa harap na kami ng gym ay bigla na lamang umurong ang mga paa ko. Bakit bigla ako kinabahan?
"Teka-teka! Suzette!" sigaw ko sabay pigil sa kaniya.
Salubong ang mga kilay niya na nilingon ako. "Ano na naman?"
"B-bakit ba ako ang isinama mo rito? Bakit hindi si Letticia o si Lelanie?"
"Dahil maganda ka! At kailangan ko ang ganda mo para mapansin ako ng The Amazing Brah's!" gigil niyang sagot.
"Magaganda naman sila, ah?"
"Kakaiba ang ganda mo, Dim." Lumapit pa siya sa mukha ko sabay bulong, "Sabi ng iba, mas binibigyang pansin daw ng magkakaibigan ang babae kapag bago pa lang ito sa paningin nila lalo na kapag kakaiba ang kagandahan. Sa word pa lang na kagandahan, ikaw kaagad ang naisip ko!"
Sumilay ang kakaibang ngiti sa mapula niyang mga labing pininturahan ng cherry red lipstick. Hindi naitago ang nag-uumapaw na excitement sa kumikislap niyang mga mata.
Napangiwi ako.
"Iyon pala ang plano mo? Alam mo bang tatapusin ko dapat ngayon ang project ko? Sinayang mo ang oras ko, Suzette! My gosh! Graduating students tayo, Suze at malapit na ang deadline ng pagsumite ng lahat ng project natin sa bawat subject."
Kumapit siya sa braso ko at naglambing.
"Please naman, Dim... Gusto ko lang naman mahingi ang number ni Hiro! Mababaliw na kasi ako kakaiisip sa kan'ya and this is my only chance!"
Inikot ko ang mga mata. Kung anu-anong kabaliwan ang pinaggagawa ng babaeng ito dahil lang sa crush.
"Baliw ka na."
"Oh, yes! Baliw na talaga ako, Dim! At kapag hindi niya pa rin ako mapansin tonight, sa mental hospital tayo dideretso mamaya!"
"Hoy! Huwag kang mandamay! Kung tutuusin ay hindi mo na ako kailangan dalhin dito. Sa laki mo ay siguradong mapapansin ka kaagad nila!"
Napaigtad ako ng bigla niya akong kinurot sa tagiliran.
"Iisipin ko na lang na isa 'yung compliment!"
Ngumisi siya at saka kumatok sa gate. Kaagad naman itong bumukas.
Kung hindi dahil sa invitation card na pinakita ni Suze sa guard ay hindi kami makakapasok. Sobrang higpit pala ng party. Muntik pa kaming hanapan ng I.D. Buti na lang at biba itong si Suze makipag-usap. Nadale niya si mamang guard sa mga matatamis na salita at sa pagpapa-cute niya.
Bumungad kaagad sa amin ang masiglang tugtugan sa loob. Iba't ibang kulay ng mga ilaw ang nakapalibot at umiikot sa paligid, makapal na puting usok na amoy strawberry at siksikang mga taong amoy suka at pawisan kahit may aircon.
Parang mga zombie ang mga ito na naghi-head bang at nakikisabay sa masiglang tugtugan. Ang iba ay iwinawagayway ang mga kamay habang nakikisabay sa pagkanta. Iyong iba ay mas malala, nakataas na ang mga kamay ng mga ito at nakatingala habang ang mga mata ay nakapikit na animo'y may ipinagdadasal. Hala sila! Mga sabog na!
"Grabe! Ang daming tao!" bulalas ni Suze.
Binabaha ang lugar ng mga babae at binabagyo naman ng mga bading. Dinaig pa nito ang concert ng ibang artista.
"Ang dami nga! Akala ko ba mga junior and senior high lang? Ba't ang dami?! P*tcha! Pati senior citizen ay nandito rin! Sanaol!" Tinuro ko pa ang kinaruroonan ng isang grupo ng matatandang mujeres.
Bumunghalit naman ng tawa si Suze nang makita ang mga ito.
"Hayaan mo na! Kinikilig pa siguro ang fefe nila haha!"
Sa bagay, baka gusto lang din nilang i-enjoy ang nalalabi nilang mga taon dito sa mundo. Life is short.
Dumako ang tingin ko sa malapad na stage at bigla na lamang bumagal ang hakbang ko nang makita ang nagugwapuhang kalalakihan doon.
"Hala!.Sila na ba ang TABS?!" mangha ko.
"Yes!!! Ano'ng mase-say mo?" Bakas sa mukha ni Suze ang pagiging proud fan niya.
Nginisihan ko siya.
"Super lotto nga!"
Hindi ko inaasahang ganito kaguguwapo ang mga myembro ng grupong TABS!
Malayo pa lang ay kita na agad ang matinding charisma ng mga ito. Lalo na ang nasa gitna na siyang pinakaumagaw ng aking pansin. Ang kanilang matangkad at gwapong lead-vocalist.
Napatakip ako ng aking bibig at napadilat ng aking mga mata. Kasabay niyo ang biglang pagkabog ng aking dibdib.
Siya!
Ang lalaking lihim kong hinahangaan. Ang lalaking nakita ko lang dati sa magazine at simula noon ay pinangarap ko nang makita sa personal. Ang lalaking alam kong mahirap abutin...
'Kairo Nagamori!'