Hindi ako mapakali. Paroon at parito ako sa tindahan. Hindi maalis sa utak ko ang sinabi ni ninang kanina. Paano?! Napahilamos ako sa sariling mukha gamit ang aking palad. Ilang linggo na nga ba? Ilang linggo na simula nung magbahay-bahayan kami ni Kairo? Napatingala ako sabay pikit. Hindi ako pwedeng mabuntis! Hindi talaga pwede! Delikado sa sitwasyon ko! *** Sa bahay ni ate Mirasol ako umuwi nang gabi na iyon. Malapit lang ito mula sa kanto. Pwedeng lakarin, pwede rin namang sumakay ng oedicab 'pag tinamad kang maglakad. Kasama ko sa kwarto ang kasambahay nila na nasa trenta anyos. Maayos naman ang unang dalawang araw ko sa trabaho. Payapa rin ang unang dalawang gabi ko sa bahay. 'Yong utak ko lang talaga ang magulo kaiisip kung itutuloy ko ba itong pagbubuntis o hindi. Parang

