Pinahiram nga ako ni Renz ng kaniyang tshirts. Sinuot ko lang ulit ang p4nti ko. Wala akong extra, eh. Wala siyang spare toothbrush kaya ginamit ko na 'yung sa kaniya. Malinis naman ang ngipin niya at mabango ang hininga kaya ok lang sa akin. Gustung-gusto ko nga ang amoy niya, eh. Basta huwag ko lang mabanggit sa kaniya na pinakiramdaman ko ang toothbrush niya. Ang arte pa naman non! "Matutulog ka na ba?" biglang tanong niya habang magkatabi kami sa sofa at nanonood ng movie. "Hindi pa. Hindi pa ako inantok. Ikaw ba?" "Hindi rin. Halika nga rito." Kinabig niya ako at pinasandig sa matigas na dibdib niya. Hindi rin ako pumalag. Gusto ko kasing masinghot ang natural na amoy niyang parang baby. Hawak-hawak niya ako sa ulo habang nakapilig ako sa kaniyang dibdib. Marahan niyang hi

