Dimples'POV] "Ano? Masarap ba?" tanong ko kay Renzi matapos niyang tikman ang niloto kong kare-kare. "Pwede na." Napaingos ako. "Hmp. Kunwari ka pa! Eh nasarapan ka naman!" Inisnab niya ako at tumalikod. Pumwesto siya sa mesa. Feel at home, ah? "I'm hungry. Shall we eat now?" "Okay, boss!" tugon ko at nagsimulang magsandok. Sinubukan ko lang naman na imbitahin siyang mag-lunch. Hindi ko akalaing papayag siya. Kasi nga, diba? Ang arte niya! Pero hindi mo talaga pwedeng husgahan ang tao basi lang sa first impression mo sa kaniya. Ngayong mas nakilala ko na siya, napagtanto kong mabait naman pala siya at very gentle na tao. Tinulungan niya pa nga akong mag-prepare ng mga sangkap, eh. At ang bango pa. "Ah, Renzi. May lakad ka pa ba pagtapos nito?" "Uuwi na siguro. Baka malanta ang

